Chapter 2

4 1 0
                                    

"Want some?" Biglang sulpot nitong si Steffi sa tabi ko "Dalawa binili ko kaya wag kang ano jan"

"Thank you" sabi ko dito at kinuha ang ice cream na nasa kamay niya.

Natigilan ako ng biglang nilipad ang papel na nakapaskil sa pader sa kabilang building. It was an announcement for yes-o.

"Desiree? Sasali ka ba?"

Heto na naman itong lalaking to. Walang kasawaang panggugulo sa tahimik kong buhay.

"Ayaw ko, nakakatamad kaya yan"

"Yes-o to ano ka ba. Makakatulong ka sa environment"

"Alam ko ang yes-o okay?" Muntik ko na syang irapan dahil sa nakakainis sya "Ayaw ko lang talaga, wala akong time sa ganyan"

"Wow parang highschool na ahh. Busy yan" pang aasar niya sa akin

Gusto kong sapakin talaga tong lalaking to sa inis e. Napatingin ako sa nagtext at si mama pala ito. Hindi niya daw ako masusundo dahil sa may need pa syang gawin. Napabuntong hininga ako dahil kanina pa ako nag aantay.

"Nong probs?" Ranz asked at sumilip pa talaga sa phone ko "Ayy di ka masusundo"

"Chismoso ka no"

"Hatid na kita"

"Yuck parang baliw"

"Tangiks magkapitbahay lang tayo" Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang yun "Di mo alam? Nahurt ako dun ahh. Since birth jan nako nakatira—"

"Pake ko? Joke" biglang kong bawi baka maoffend kasalanan ko pa "Di ko alam, di naman ako lumalabas ng bahay okay"

"Sa bagay. Sige chance chance. Ano sabay na tayo?"

"Wala na akong choice, di rin ako marunong sumakay"

"Sanay ka kasing sinusundo. Princess masyado"

Inirapan ko sya sa inis. Talagang sinasagad nitong lalaking to ang pasensyang meron ako ahh.

"Desiree?" Nabalik ako sa sarili ng yugyugin ako mi Steffi "Alam mo, napapadalas na yang pagtulala mo. May problema ba?"

"Wala ano ka ba naman jan. May naalala lang ako"

"Stop doing it okay. Nakakaworry kaya"

"Yiee worried" pagbibiro ko pa dito

"Tangiks totoo nga"

Nginitian ko lang sya para mawala na ang pag-aalala niya sa akin. Hindi ko rin alam bakit ako napapatulala e at maalala ko ang mga alalang iyon.

Maybe there is a part of me that wanted to do something about it, pero hindi ko rin alam papaano. Also, hindi ako segurado sa mga bagay bagay ngayon.

Napag isipan kong tumambay dito sa court ng school. Hinihintay ko rin naman si Mama para sunduin ako, madadaanan niya rin naman ako kaya naman mag antay na lang ako para mas makatipid.

"PRE PASA" napailag ako ng lumipad ang bola papunta sa akin "Sorry te" sabi ng isang junior sa akin. Na nginitian ko lang naman.

Napakurap kurap pa ako ng ilang minuto dahil sa pagkabigla kong iyon. Buti na lang talaga at nakailag pa ako.

"Pasensya ka na Desiree, muntik pa kitang matamaan"

"Okay lang di mo rin naman sinasadya"

Tumango lang si Ranz sa akin at pinasa ang bolang dala niya sa kaibigan niya. Tumabi sya sa akin at parehong naka tingin sa court.

"Di ka ba susunduin?"

"Susunduin bakit?"

"Napaisip lang"

Hindi ko talaga mawari tong lalaking to, pero mas hindi ko mawari ang sarili kong bakit dito sa court ko napiling maghintay kay mama.

I snap myself out ng matantong nagsisimula na naman akong magflashback. These small things that will remind me of those days. It triggers my memory.

"Umayos ka nga Desiree, matagal na yun okay?"

'pero heto parin—'

MAYBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon