Chapter 9

1 0 0
                                    

Kinakabahan ako dahil ngayon na rin ulit ako makakapunta sa bahay nila Ranz. Magkalapit lang naman ang bahay namin pero wala naman sya dun before kaya anong dahilan para pumunta pa ako diba. Isa pa minsanan lang kami mag-usap ng mama o papa ni Ranz, nasasakto lang pagnapadaan ako o nagkasalubong kami.

"HOYY" napatingin ako kay Mary ng bigla itong huminto sa paglalakad "Alam mo ang tense mo masyado sis" sambit nito sa akin

Binigyan ko lang sya ng nagtatakang muka dahil sa hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Oo nga, dapat masaya ka Ranz is back" sambit ni Jacob isa sa childhood tropa namin ni Ranz

"Desiree. Time to shine mo na kay Ranz" sutsot pa ni Marco sa akin at umakbay pa talaga

"Alam niyo napaka oa niyo. Kung ano anong iniisip niyo talaga" umayos ako ng tayo at tinanggal ang braso ni Marco sa balikat ko "Kinakabahan ako sa parents ni Ranz—"

"Abay bakit? Girlfriend ka ba?" Nakataas kilay na sambit ni Mary sa akin, inismidan ko to na kinatawa nila

"Wag kang kabahan kila tita. Nanghahawa ka sa kaba mo ehh" sambit ni Marco at umakbay na naman

Tong lalaking to alam na mabigat ang kamay akbay ng akbay sa akin. Inalis ko na naman ang kamay niya sa balikat ko dahil mabigat.

"Iwan ko sa inyo. Basta pagginisa tayo nila tita bakit di tayo pumupunta sa kanila. Second voice lang ako" I said to them at naunang maglakad

"Edi supporting vocal naman ako" sambit ni Marco at mabilis na sumunod sa akin at umakbay

"Loko ka talaga pre. Sige ako na yung sa music" sakay pa ni Jacob sa usapan at agad na humabol sa paglalakad namin

"Mga baliw, pagkatarantadohan talaga ang gagaling niyo. Sige sa main vocal na ako— LUHHHH~" Mary said at nay pa shake pa ng boses

Malakas ang hagalpak ng tawa naming lahat dahil sa kalokohang naiisip. Halos mamatay na kami kakatawa dahil napiyok pa itong si Mary.

"Ang ingay niyo"

Napatigil kami ng na sa tapat na pala kami ng bahay nila Ranz at heto si Ranz nagbubukas ng gate sa amin

"Oyy bro, long time no see" panimula ni Marco at sumunod naman si Jacob nag apir apir pa silang dalawa

"Long time no see— ang iingay niyo parin"

"Yan naman ang namiss mo sa amin bro" Jacob said at tumabi kay Ranz na nasa harapan ko

Hindi ko mapigilang tumitig kay Ranz. Binata na talaga sya at mas pumogi talaga sya ngayon, dala na seguro sa pagtanda niya. Isa na rin ata ang di ko sya laging nakikita.

"Baka matunaw" bulong ni Mary sa akin

"BALIW"

Natigilan ako ng maglingunan silang tatlo sa amin. Napalakas kasi ang pagsambit ko nun kaya napaagaw ng attention nilang tatlo na nagchichikahan sa buhay.

"Desiree and Mary nanjan pala kayo. Ang tahimik niyo para kayong others" biro pa ni Jacob sa amin

"Maingay kasi kayong tatlo, natatabunan ganda namin" biro pa ni Mary sa kanila

"Saan ang ganda?" Sambit ni Marco at umakbay kay Ranz

"Here"

"Here"

Magkasabay kaming naglagay ng kamay ni Mary sa mga pisngi namin. Nagkatitigan pa kami at tumawa ng malakas.

"Kaya kayo magbestfriend, magkasing liit utak niyo" biro ni Jacob na dahilan para kurutin syang Mary "Aray ahh"

"Tumahimik ka na kasi, gawin kitang handa ni Ranz ngayon" Mary said at ngayon ay katabi na si Jacob

"Happy birthday Ranz" I said at inabot ang regalo ko sa kanya "Dito ko na e bigay nahihiya ako sa loob e" I said to him at tinanggap naman niya

"Thank you pero wag ka ng mahiya. Sila mama at papa lang naman nanjan tas mga taga rito na nangangamusta" Ranz said

"Baka makikikain" biro ni Marco na kinatawa naming lahat "Bro mamaya ko na e bigay sa akin. Nakakahiya naman sa relo na bigay ni Desiree"

"Loko ka talaga Marco. Pumasok na nga kayo at ng makaupo na kayo, mukang mamatay na si Jacob sa kurot ni Mary"

"Oo nga Ranz mukang matatagal na tong tagiliran ko sa kurot ni Mary sa akin"

"Deserve mo yan. Kanina mo pa ako pinagtitripan e, sa sasakyan pa"

Naglalakad na kami papasok at buti na lang at sa labas ng bahay nila Ranz ang kainan. I mean sa may mini garden nila, kaya hindi nakakahiyang making mamaw sa kainan. Charot.

MAYBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon