Chapter 5

4 1 0
                                    

"Desiree. May evening class ako, bukas na lang tayo sabay umuwi"

"Ngayon ba yung schedule mo sa evening class?"

"Oo sis, minsan naiinis ako bakit itong course nato kinuha ko e" naparoll eyes pa ang gaga "I just want to go home talaga"

"HOYY?! Mayaman yarn" bulyaw ko dito na kinatawa naming dalawa "Sis, bridging ka kasi kaya may evening class kang ganyan"

"Are you— HOYY char" nagtawanan na naman kaming dalawa "Pero seryoso talaga kere mo ba umuwi ng solo?" she asked with a worried face

Palagi kasi kaming sabay umuwi ni Mary dahil sa magkapitbahay lang naman kami. Advantage na seguro iyon sa magclassmate kami at dahil sa malapit lang yung elementary school sa barangay namin.

"Oo no. Di naman na ako bata"

"Baka mapano ka, maganda ka pa naman—" nagtinginan kaming dalawa at humagalpak ng malakas ang tawa namin

"Baliw ka talaga, alam mo nalate ka na sa evening class mo kakasutsut mo sa akin"

"Hala shet! Oo nga babye. Chat mo ko pagnakasakay ka na send mo plate number—"

Di ko na narinig ang sumunod pa niyang sinabi dahil nagtatakbo na sya papasok sa main building. Napatingin ako sa likod ko ng naggolden ang langit, palubog na kasi ang araw ngayon.

I suddenly remember back then—

"Desiree" napahinto kami pareho ni Ranz sa paglalakad at biglang humarap sa akin "Look golden hour ngayon" napatingin naman ako sa langit at ang ganda golden sky

"Oo nga ang ganda—"

"Parang ikaw—"

Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na sa akin, I feel something flying inside my stomach.

'baka masaktan ka lang Desiree' sambit ng aking utak sa akin. Kaya napabalik ako sa sarili

"Ang lakas mong magbiro talaga" nagbigay akong ng kaunting impit na tawa para ipalabas na nagbibiro ako

"I'm not. Diba sinabi ko na naman sayo? That I like you"

Heto na naman itong mga lumilipad sa tiyan ko, parang kinikiliti nito ang puso. I look at his eyes and talagang may something dito.

'masasaktan ka lang'

"Hindi ka ba naniniwala Desiree?" may lungkot na ngayon sa mata ni Ranz.

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi naman ako makasalita, namumutawi ang mga lumipad sa loob ko at ang mga warning ng utok ko.

"Desiree? Don't worry, e papakita ko sayo na totoo to. Tong damdamin ko sayo. I promise that kapaghanda ka na, I will marry you—"

"HOYY ANO BA HUMAHARANG HARANG KA"

Agad ako napalingon sa malakas na sumisigaw. Isang lalaking nakasilip sa bintana ng kotse ang syang sumisigaw, hindi ko maaninag ang muka dahil takipsilip na.

"BABAE WAG KANG HUMARANG SA DAAN"

"So—SORRY. Pasensya na" agad kong paumanhin ng matanto kong nakaharang pala ako sa daan ng campus namin

Umiyan na rin ng ibang students at main road palabas itong tinatayuan ko. Kakaflashback nitong utak ko, hindi ko na namamalayang lumilihis na pala ako sa paglalakad.

MAYBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon