Chapter 7

1 0 0
                                    

"Bakit ka nga pala nandito?" bigla kong change topic dahil sa mukang magflashback na naman itong si Ranz

Hindi sa ayaw kong balikan namin ang nakaraan pero ayaw ko munang ungkatin baka bigla akong magconfess sa kanya dito diba. Hindi ko alam kong anong situation ang pinapasok ko, ngayon na kakabalik niya lang.

"Ayy oo tama. Muntik ko ng nakalimutan. I really like talking to you, nawawala akong sa ulirat hahaha"

Kahit walang ibig sabihin ang sinabi niyang yun e para sa akin parang may bumubulong sa tinga kong may something iyon. Pano ba naman kasi we have a past, wow maka past wahahaha.

"Birthday ko na next week and I want to celebrate it here. Isa pa nakauwi naman na ako gusto ko magcatch up sa inyo."

"Oo nga pala ano. Nakalimotan ko"

'I didn't forget it. Halos taon taon akong nag aantay na baka dito ka magbirthday'

"Magkakasama ka ng loob Desiree. Wala lang ako ng ilang taon e kakalimotan mo na agad" halos matunaw ako when his acting cute, parang Ranz lang noon.

I smiled at him at niyakap sya like what we always do before "Sorry na Ranz. Kasalanan mo rin naman" sambit ko at bumitaw sa yakap at kasunod noon ang malakas kong palo sa braso niya

"Abay?!"

"Ano?! E kung dito ka na lang nagcollege e sana sabay tayo" I slightly pause dahil sa sinabi ko, I look at him na ngayon ay tumatawa

"I'm sorry if I—"

Napaismid ako ng tumunog ang phone niya. May tumatawag sa kanya, kaya naman nag excuse muna ito na sasagotin niya muna.

'panira tong tumawag' naisambit ko sa isipan ko dahil sa muntik ko ng mabigyan ng closure ang buhay ko

"Desiree? I'm sorry, uwi muna ako. Let's catch up next time okay?"

Nagulat ako sa biglang paalam niyang iyon dahil na sa labas pa lamang sya ng pinto. Kakabalik niya lang galing sa pagsagot ng tawag niya.

"May problema ba?" hindi mapigilang sambit ko sa kanya, baka kasi may emergency kaya biglaan syang uuwi

"Hindi wala. Kay langan ko na ring umuwi e kaya mauna na ako" he smiled at me at parang totoo namang walang problema, I can tell on his eyes "Sa birthday ko aasahan kita. Invite Mary and the other batchmates friends"

"Oo naman. Ingat ka" huli ko na lang nasabi dahil sa agad din syang tumungo kay mama na nasa gate papasok

Nag uusap sila ni mama pero di rin nagtagal. Agad akong napalingon sa lamesa at nakita kong dala niyang cupcakes. Napahento ako ng matantong mga favorite flavor ko pala ang mga ito.

He still remembers it. Kahit sobrang tagal na nun, isa pa parang wala ring nagbago sya parin yung Ranz noon, but I can't fully said it.

MAYBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon