Chapter 1

4 0 0
                                    

Isa talaga sa ayaw ko paglilipat ng school e. Bagong lugar, bagong tao, bagong environment na kaylangan adjustan.

Here I am nakatunganga sa groupings namin, wala kasi akong kakilala at sino ba naman kasing teacher ang magpapagroupings first day of school. Like duhh, hindi niya ba iniisip ang mga tulad kong bagong lipat.

"Pwede naman pero mas okay pagpaganito ang gawin"

'dami niyong naiisip. Close close kayo ano?'

Ang ending nun. Naging pabigat ako sa groupings, hindi pa kasi ako nakakapag adjust sa kanila. Nahihiya pa ako ano ba naman, wala pangkumakausap sa akin.

'loney person'

"Hi what's up?"

'what's app'

Lumingon ako at someone I know pero di kami close. His someone na palagi kong nakikita cause his outgoing person.

"Bakit?" I suddenly ask

"Wala lang" naupo sya sa tabi ko "Ang tahimik mo na naman" he said while fixing his hair, napakunot ang noo ko sa lalaking ito.

"Kilala mo ko?"

"Of course, diba ikaw yung lumipat mid sem na. Sinong di makaalala e late na late na sa pasokan"

Tumahimik ako sa sinabi niya. Mapapansin pala talaga paghindi first day lilipat. Kala ko invisible ang atake ehh.

"Ahh" I just said, ano ba naman kasing sasabihin. Di ko kayang e prolong ang topic

"Nabother na naman ako sayo" napasama tuloy ang tingin ko sa kanya dahil wala naman akong ginagawa nabother pa sya "Last year kasi hyper masyado. You know naka adjust ka na, tas this time. Acting like bagong lipat ka na naman—"

"Ano bang—" natigilan ako dahil sa biglaang paglabas ng salitang yun sa bibig ko "Ehem, normal naman kasi na behavior ang maging tahimik at nahihiya pagfirst day of school" pabalang kong sabi sa kanya

'duhh di niya pa alam yun? Sa bagay marami naman syang tropa. Hindi niya problema'

"Wala ka bang friends?"

'Abay ga—'

"Wala" balang kong sabi dito, di niya ba alam ang mind his own business ahh. At ako ang napagtripan niyang inisin

"Then let's be friends" nagtataka akong tiningnan sya cause we don't know each other and all "I'm Ranz Fadil" inilahad niya ang kamay sa harapan ko to shake hands

I don't mind what he do. Dahil sa baka bukas o sa susunod na araw e hindi niya na ako pansinin, you know people.

"Desiree Ramirez" I said at nakipagkamay sa kanya

The next day, yung akala kung natatantanan na ako ng lalaking to e hindi pala. I'm not the main character of this world and hindi ito isang drama kaya I'm not thinking of anything. Isa pa elem pa lang ako jusko.

Hindi ko binibigyan ng malisya ang lahat cause maybe Ranz ay isang friendly at mabait lang talaga na tao and all diba.

"Desiree?"

"Aray" malakas kong daing ng sinampal ako nitong ni Steffi

"Deserve, te kanina pa kita tinatawag. Tulala ka jan"

Natigilan ako dahil nagflashback na naman pala ako. I can't control it dahil kusang nagpop up talaga sa utak ko lalo na pagmay mga bagay na magreremind sa akin.

"Ano na gagawin natin sa activity nato?" Steffi ask everyone

'kaya naman pala nagflashback ako langya'

Inayos ko ang pagkakaupo at tiningnan ang nakapaskil sa board. Gagawa pala kami ng short roleplay.

'roleplay pa nga'

"What if we do like this?" I said at pinakita ang isang reference sa phone ko

Hold yourself Desiree. Tama na ang pagpaflashback sa nakaraan. Past is past. Senior highschool ka na so leave everything behind.

MAYBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon