Chapter 10

2 0 0
                                    

Nakaupo kami sa round table at heto si Mary ginawang concert ang birthday ni Ranz, simula nong nahawakan niya ang mic puro kanta na lang ang inatupag. Nawala na ata ang hiya nito sa pagkanta, pero nakikisabay naman ako kapag pinapasa niya ang mic sa akin.

"Kumanta ka Desiree" napalingon ako sa biglang umupo si Ranz pala "Magaling ka kayang kumatanta kaya, kumanta ka" hirit pa nito

"Mamaya seguro kakanya ako. Mukang nag eenjoy pa itong si Mary"

"Sabagay ginawa niyang concert sa daming nilagay na kanta" nagtawanan kaming dalawa sa sinabi niyang yun

"Mismo, iwan ko ba kung kaylan aabot ang kanta ko, sa dami ba namang nilagay"

"Next birthday ko ata"

Nagtawanan na naman kaming dalawa. Hindi ko maiwasang ngumiti sa mga pangyayaring ito sa amin ni Ranz, parang walang ng yari sa amin. Parang hindi kami nagkawalay ng matagal sa usapan naming ganito.

"Wag naman sana. Mukang lugi ako nun" biro ko sa kanya at napatingin sa damit niyang basa ang laylayan "Anong nangyari?"

"Naghugas ako ng pinggan. Iwan ko ba birthday ko pero ako ang naghugas ng pinggan"

"Hahahaha. Ganyan talaga yan, walang birthday birthday dito. Bisita mo hugas mo" I said to him na kinatawa niya ng kunti

"Dapat kayo ang maghuhugas"

"Abay bisita kami ano"

"Wala ng bisita bisita dito"

Tumawa ako sa kanya pero natigilan din ako ng e abot ni Mary ang mic sa akin

"Kantahin mo bebs" Mary said may tama na rin ito dahil sa uminom kasi. Mamaw din sa inoman

"Tangiks nawawala ako pagdi ako ang nagsimula sa kanta" sambit ko at tinitingnan ang lyrics na parang hindi ako marunong bumasa

"You're still the one that I love~"

Natigilan ako ng kumanta si Ranz sa tabi ko napalingon ako sa kanya at nakatitig sya sa screen ng videoke. Kinakanta niya ang kanta at parang tinuturuan ako sa tono nito.

Wala sa isip na tinutuk ko ang mic sa bibig ko at sinusundan ang bawat bigkas ni Ranz ng mga lyrics at tono nito.

"You're still the one that I kiss— goodnight~" sambit naming dalawa

Bigla kong na ibaling ang tingin sa screen dahil sa biglang napatingin sa akin si Ranz. Kinakanta ko parin ang kanta pero ramdam ko ang titig ni Ranz sa akin, hindi ko alam kong nabubulol o iwan na ako sa kanta pero pintig ng puso ko lamang ang naririnig ko ngayon.

Hindi ko alam kong ano ang nangyayari sa akin. Agad kong binalik kay Mary ang mic dahil sa parang hindi na gumagana ang buong katawan ko at nakikiramdam na lang sa puso kong nagwawala. Tumayo si Ranz dahil may bisita syang kakausapin muna at buti naman ng makahinga ako.

Naupo si Mary sa tabi ko at binigay kay Marco ang mic. Napalingon ako kay Mary ng umakbay ito sa akin, itong babae na to lasing na. Nakainom naman ako pero not really.

"Bukas mo na e kwento sa akin ang ng yari sa inyo ni Ranz okay? Hindi ko maalala. Okay?"

Natawa na lamang ako sa kanya dahil sa alam niya talagang pass out talaga sya pagkatapos nitong birthday ni Ranz. Nakikisabay kasi kila Marco at Jacob mag inom, e wamaw sa inuman ang dalawa.

MAYBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon