"MARY?!" agad na napataas ang kilay itong bruhang to sa akin "Bakit?"
"Ako dapat magtatanong sayo niyan. Bakit ang hyper mo aber?"
"Aham, wala- bat ba?" nilapag ko na ang mga gamit sa mesa dahil kakatapos lang ng last class ko "Ahh by the way Ranz said na invited daw tayo sa birthday niya"
"HULI KA?!" napakunot noo ako ng bigla syang sumigaw nun "Sabi na e tungkol kay Ranz ang mga ngiting iyan" she said while putting something on her bag
"Masaya lang akong makita sya ulit okay? Matagal na rin nong huling beses kaming magkita"
"Alam ko okay. Wala naman akong ibang sinabi. I know you like Ranz-"
"Hoyy conclusion ka jan-"
"Abay di ba? Muntik na nga kitang dalhin sa mental nong first year tayo kakatulala mo"
"Ehh-"
"Wag ka nang humirit, alam kong inaalala mo si Ranz. Hindi rin naman kita masisi he said some good things sayo ano"
Napatahimik ako sa sinabi niyang yun. Totoong apiktado talaga ako kay Ranz back then noong denial ako sa feelings ko. I don't want to miss him pero heto ako namimiss sya.
"Desiree? Wala namang mali okay, isa pa he promise you-"
"Shh, ang ingay mo. Tapos ka na ba sa mga class mo?" Agad ko syang pinutol dahil ayaw kong maalala ang pangyayaring iyon
"Oo bakit?"
"Bumili tayo ng regalo sa kanya, nakakahiya naman kong wala tayong mabibigay diba?"
Tumahimik pa ito si Mary at bumunot ng pitaka niya mukang checking muna kong meron pa syang natitirang pera.
"Sige let's go-"
Mabilis lang din kaming nakapunta sa mall, dahil sa may mga sasakyan na rin namang tumidiritso na dun. Isa pa minsan lang ako makapunta dito kaya nalilito ako anong bibilhin ko.
"Desiree, kaloka ka kanina pa tayo labas masok sa mga stores dito. Pumili ka na kasi" reklamo sa akin nitong babae na to
"Nahihirapan akong pumili okay" naiirita ko ng sabi dahil wala akong mapiling maganda
"Ano ka ba, anything will be appreciated basta galing sa puso"
"Alam ko naman yun okay sadyang hindi ko alam anong e bibigay sa kanya"
"Just think ano bang gustong e bigay ng puso mo-"
'pagmamahal-'
"Wag kang mag iisip ng pagmamahal, sapukin kita jan"
Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya yun. Ganun na ba kami kaclose at alam niya ang iniisip ko. Dinilatan lang ako ng mata ni Mary na para bang sinasabihan na alam niya ang iniisip ko.
Naibaling ko na lang ang attention sa mga relo ng pagdilatan na naman ako. Baka sapukin niya na talaga ako ka pagnagtagal pa kami.
Napahento ako when I saw this simple but fancy na relo, casio ito at silver. Bigla kong na imagine na bagay sa kanya ito kaya napatulala pa ako sa relo. I can't help to imagine na sobrang gwapo seguro niya pagsuot ito.
"Ate? Excuse me? Pwede patingin nito?" Tinuro ko ang relo na nasa gitna
"Hala seryoso ka? Relo? Diba mahal yan?" agad na sambit ni Mary ng tumabi sa akin "Magkano ba yan te?" sambit niya sa sales lady
"2,500 po ma'am"
"Jusmeyo ka Desiree. Ang mahal niyan gaga ka"
Parang nabingi ako bigla ng marinig ko ang price, pang dalawang linggong allowance ko na rin iyon. Kasali na ang pamasahe dun, halos manginig akong bununot ang pitaka ko.
"Seryoso ka jan?" pinipigilan pa ako ni Mary dahil sa alam niyang ubos talaga pera ko jan.
"Oo minsan lang din naman. Isa pa gusto ko ring e bigay sa kanya yan"
Wala ng nagawa si Mary sa akin dahil sa binayaran ko rin naman. Alam kong expensive masyado ang regalo kong ito bilang isang college student na nagtitipid, pero pano ba yan gusto ko yung tao ehh.