"It's been a while" sambit ni Ranz nakinalingon ko sa kanya "Ang tagal na rin noong huling kita natin" dagdag pa nito
Ngumiti ako sa kanya at tumango. All of this feels like elem days. Yung maglalakad kami tas e hahatid niya ako sa bahay.
"Bakit kasi sa ibang lugar ka pa nag-aral?"
Natawa sya at tumingin sa akin "I have no choice" huminto ito at huminga ng malalim "Si mama yung may gusto. So I just do it"
'Kaylan pa to natutung mag-english. Sa Pinas lang naman nag-aral'
"Sa bagay. Mataas standards ni tita, hindi rin kita masisi." Napatingin ako sa kanto ng bahay namin "Dito na pala ako. Thank you sa paghatid" I said at lumingon sa kanya na nasa likod
"You're always welcome" ngumiti sya sa akin at nagpat ng ulo ko "Let's do it again. Bago ako bumalik sa Uni"
"Babalik ka na agad?" hindi ko maiwasang mabanggit dahil nabigla ako sa sinabi niya
Tumango muna ito sa akin at huminga ng malalim "Ang bilis nga. Mamimiss ko na naman kayo" napahinto ako sa sinabi niyang yun "Pasok ka na. Malalig na dito sa loob" he pat my head again at nagwave sa akin.
I look at him walking in the distance. Hindi ko alam pero tumakbo na ako papunta sa kanya at binigyan sya ng back hug.
Kinagulat niya to na muntikan pa naming kinatumba. Humarap sya sa akin at tumingala ako sa kanya. He smiled at me.
"Bakit?" tanong niya na may halong pagtataka
"I missed you" I said na may paglalabo ang mata dahil sa luhang namumuo
Ngumiti si Ranz sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga mata ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"I missed you too. We will still see each other"
I hugged him also at tumingin sa langit, madilim na wala ring mga bitwin at hindi masyadong kita ang buwan pero alam kong I will remember this day. Kahit na hindi ganun kaliwanag ang kalangitan.
Matapos ang sentimental na pangyayari na yun ay parang gusto kong maglaho sa mundo. Ngayon lang nagsink in sa utak ko ang ginawa ko, ngayon pa talaga na ilang araw na ang nakalipas.
Parang hangover na nalipasan ng ilang araw, I know that ang oa lang ng reaction na to pero I never do such a thing to Ranz.
"ACKKKK!" sigaw ko sa unan ng maalala na naman ang kadramahan na ginawa ko "Nakakahiya.. Nakakahiya"
'Desiree calm down first. Wala namang pake ata si Ranz dun, okay lang ata yun—'
"NOOOO!"
"ANO NA NAMAN BA YAN DESIREE? ANG AGA AGA AHH"
Agad ko ring natakom ang bibig ko dahil sa sigaw ni mama sa labas. Grabe talaga tong nanay ko, kahit kunting ano lang ang bilis maghighblood. But infearness it calms me down.
Bumalik ako sa pagkakahiga at kinuha ang phone ko. Balak kung e call itong si Mary at e share sa kanya ang ng yari ng tuluyan ng mawala sa utak ko ang lahat.
Desiree: Busy ka gurl?
Mary: Hindi. Bakit?
*/Your calling Mary Blanco"Gaga ka. What if natae ako?" agad na bungad nito sa akin ng masagot ang tanong "Sabihin mo naman kung tatawag ka gaga"
"Sus. Pero may chika ako sayo" biglang nag iba ang muka ng gaga ng sabihin ko yun "Kitams, biglang naglight ang muka. Pagchismis talaga"
"Ano ba chismis ang bumubuhay sa akin. Ano ba yun?"
"I CONFESS—"
"ANOO!"
"Charot lang. I give sign to Ranz, na may gusto rin ako sa kanya" sambit ko sa kanya "Sabi ko kagabi, na miss ko sya"
"Yan yung tama. Dapat lang no, risk it talaga. Ang tagal na kayang gusto ka niyang Ranz"
"Di ka sure. Baka naiba ang feels" I said at tumihaya
"E wag syang magpromise kung hindi pala e tutuloy" kita ko ang pag angat ng kilay ng gaga "Nakakapikon din yang mga ganyan. Isa ka rin, gaga ka tagal tagal mong dinama na gusto mo rin yung mukong—"
"Babye na te.."
*/You ended the call
Agad ko ring pinatay ang tawag dahil alam kong papagalitan na naman ako ni Mary at sasabihan ng mga pagyayaring pinagsisihan ko ng tudo tudo. Pano ba naman kasi e late ko talagang narealize na gusto ko rin pala si Ranz, yun pa talagang pumunta na sya sa ibang lugar para mag aral.
Sabi nga ni Mary. Marerealize mo talagang important yung bagay pagnawala sayo, iyak malala talaga ako nong nagsabi si Ranz na aalis na sya.
Mary: Bastos nito nagsasalita pa ako end agad ang call
Desiree: Ayaw kong marinig sumbat mo ano
Mary: Deserve mo naman.