Desiree: 1214-658901
Yan na yung plate number.
*/Mary heart your message
Mary: Good girl.
Desiree: Ginawa mo kong aso grabe ka.
*/Mary haha your message
Desiree: Sis? Nakakahiya kanina grabe. Lulutang lutang na naman ako kanina. Muntik nakong masagasaan.
Mary: Hala?! Saan banda?
Desiree: Sa main road ng campus. Kasalanan ko rin naman humarang ako sa daan.
*/Mary haha your message
Mary: Tanga ka pala ehh. Bakit sa daming lugar na tatanga tanga ka sa main road pa.
*/You angry Mary's message
Desiree: Kung naawa ka na lang sana. Sana masaya ako ngayon diba. Natouch sana ako.
Mary: Buhay ka pa naman kaya okay lang yan. Isa pa gwapo ba ang muntik makabangga? Baka engineering yun, wattpad feels agad.'tong babaeng to talaga kalandian iniisip. Muntik na akong mamatay sya wattpad feels parin.'
Desiree: Di ko naaninag, padilim na rin kasi. Pero mukang gwapo, gwapo kasi yung sasakyan niya. Pang rich kid.
Mary: Sana nagpacheck up ka ng mata ng naaninag mo. Sana ako na lang yun para main character feels.
Desiree: Iwan ko sayo dami mong alam."Sweet?"
"Ma?!" agad akong napabalikwas sa kama dahil hindi pa ako nagbibihis, baka pumasok si mama magmashingun na naman ang bibig "Bakit?!"
"May bisita ka"
Agad akong napakunot ng noo dahil hindi ko alam kong sinong nilalang ang bibisita sa akin. Wala pa naman si Mary dahil sa night class niya, sya lang din naman ang bumibisita sa akin.
Mabilis akong nagbihis dahil sa nakailang katok na rin si mama sa pinto, mukang importanting bisita ata ang may roon sa labas.
Natigilan ako ng makita ko si Ranz. Nakaupo sya sa sofa and typing something on his phone. Halos kumawala ang puso ko sa bilis ng pintig nito, this is the first time we met again sa tagal ng panahong hindi kami nagkita.
Napahawak ako sa laylayan ng damit ko para pakalmahin ang sarili, hindi ko alam kong ano ang gagawin dahil napaka gwapo niya ngayon. Dala na rin seguro to sa matagal ko na syang di nakita kaya parang nagglow glow tong nilalang nato.
I stop breathing when he looks at me. Agad ko rin namang binalik ang sarili at kinalma ang sarili, ayaw ko rin namang ipahalata sa kanya na nasasabik talaga akong makita sya muli.
"Desiree? Long time no see" he joyfully said it na parang gusto kong tumalon sa kanya at yakapin sya "Tagal na nating di nagkita"
"Ehem, oo nga ehh. Kamusta ka na?"
'naks naman ang ackward ng tanong na yun'
"I'm fine, finally dito muna ako sa atin. Para sa vacation days. Maybe 2 months"
Hindi ko naitago ang mga ngiti sa labi ko. Kahit 2 months lang iyon mataas na rin na panahon iyon para makita sya ulit sa barangay nato.
"Talaga? Mabuti naman, miss ka—na.. namin" paslide kong sambit, muntik ko ng sabihing kita buti na lamang at nasa katinuan pa tong utak ko para hindi sabihin iyon.
