Time flies ilang araw na rin ang lumipas. Mukang 3 days na seguro simula nong birthday ni Ranz at talagang pass out to the highest level si Mary. Gaga din kasi, bigay todo talaga kala mo sya yung may birthday.
Here I am, nakahilata sa higaan ko nakatitig sa kisame dahil walang magawa. Summer na summer wala akong magawa dito sa bahay, si Mary kasi e andun sa ante niya lumuwas. Kaya wala akong kasamang ubosin tong summer break ko.
Si mama naman mukang walang planong lumuwas sa kamag-anakan namin, gusto ko rin namang e explore tong break nato.
Napagulong ako sa kama at hinablot ang cellphone ko. Mukang uubusin ko ang energy ko sa pagcecellphone nito. Binuksan ko ang messenger ko to see kung may update sa akin si Mary, madalas kasing magsend yun ng random pictures.
"Ang gaga mukang di pa gising" sambit ko ng makitang offline parin ang princess
Nasagi bigla sa isip ko ang e stalk si Ranz. Ngayon kasi na andito sya mas active sya ngayon si social media. Mas nagpopost na ito at nag-uupdate sa buhay niya.
"Sakto may story"
Agad ko ring pinindot ito para malaman kung anong tripping sa buhay niya. Nagstory lang ito ng mcdo with his family. Kagabi pa pala na story ito hindi ko man lang napansin.
"Hindi ata dumaan sa story feed ko— SHET!"
Napabalikwas ako ng higa ng mapindot ko ang avatar sad react. Nagreply ito sa story ni Ranz, mabilis kong pinindot ang messenger at e unsend sana ito pero na seen na ni Ranz at nagreply pa sya.
"ANO BA YAN?!" hindi ko mapigilang sigaw
Desiree: */you send a avatar
Ranz: */haha react your message
Bakit naman naiyak😆
Gusto mo? Libre ko.'gusto kita' gusto kong e send pero charot lang. Isang dalagang Filipina tayo ano
Desiree: Gagi na pindot lang.
Ranz: Sus, kunwari ka pa. Gusto mo lang magpalibre.
Desiree: Tangiks, pero kung manglilibre ka why not😆Gumulong na ako pababa ng kama ko dahil sa kilig. Umaandar na naman tong kalandian ko, pero why not diba? Matagal na rin nong huling beses kaming nagbonding ni Ranz together.
Ranz: G
Anong oras?Halos matanggal ang mata ko sa dilat na dilat na. Pano ba naman kasi ang smooth ng pangyayari, parang binibigyan talaga akong nagpag-asang bumawi ng tadhana.
Desiree: Seryoso na yan ahh. Later kaya?
Ranz: Game, punta ako jan mamaya.
Desiree: Sige, paalam lang akoHalos mangisay ako sa sahig dahil sa usapan namin. Para kaming magdadate, kung noong bata pa kami nito parang wala lang sa akin ito pero ngayon na alam ko ng gusto ko rin sya. Iba pala sa pakiramdam.
Mabilis din naman akong pinayagan ni mama, matagal na rin kasi ang huling uwi ni Ranz dito sa amin kaya naman bonding na rin namin ni Ranz ito. May malapit na branch din naman ng mcdo dito sa amin. Kaya tuloy na tuloy na talaga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/371406370-288-k881397.jpg)