Nagdududa ako kung may susunod pa ba, dahil ilang araw na. Lumipas na ang exam day namin at bakasyon na namin. Natapos na rin ang graduation day namin.
Hindi ko alam kong natuloy ba sya sa Manila mag aral. Dahil noong highschool kami sa private school sya enrolled ng parents niya. Kaya hindi kami nagkikita. Isa pa malayo din ang school niya sa amin.
Kahit isang barangay lang kami e hindi ko parin mahagilab si Ranz, minsan kasi e sa apartment sya natutulog para mas malapit sa school niya.
'ang malas naman talaga ohh. Maybe may susunod pa talaga'
Napabuntong hininga na lang ako sa nangyayari. Simula din nong nagkita kami ni Ranz ay hindi na ako mapakali. Para naman kasing tanga, sya lang naiisip ko kahit matagal na iyong nagkita kami.
"Desiree stopped thinking. Focus on your tasks" bulong ko sa sarili at tinuon ang pansin sa laptop na nasa harapan ko
Naiinis ako dahil wala akong magawa. I'm in college na pero ang utak at puso ko andun parin sa panahong iyon.
"Okay ka lang ba Desiree?" Napatingala ako kay Ranz "Buti na lang at nahila pa kita" Dagdag pa nito
Nagroroller skates kasi kami. Tinuturuan niya rin ako pero dahil sa feeling alam ko na tong gamitin e sinabing kong bitawan ako. Ang ending natumba ako, hindi naman ganun kalala dahil agad din naman akong natabig ni Ranz.
Biglang nagslowmo ang paligid dahil sa nangyari. Parang sa mga drama lang nagaganap ang ganito, kaya naman parang nasa isang drama ako ngayon.
"Yan kasi sasabi pang kaya na niya daw"
Nabalik ako sa sarili ng magsalita sya. Naupo ako para tanggalin ang roller skates.
"Akala ko rin e" sambit ko didto na hindi tumitingin sa kanya busy akong tanggalin ang pagkakabuhol ng swilas.
"Desiree? May sasabihin ako sayo—"
"HOYY!"
"AYY!"
Nagising ako sa malakas na pagkakapalo ni Mary sa mesa. Blockmate ko si Mary at mukang andito na naman sya para bigyan na naman ako ng dagdag gawain.
"Te? Di uso matulog sa course natin" pagtaray pa nito sa akin "Kaya gising gising" she said at may pa snap snap pa talaga sa hangin.
"Umidlip lang e. Napaka oa mo" sambit ko at binalik ang tingin sa laptop
"Umidlip daw pero may red spot na ang mula. Sus"
"Mabilis akong mamula—"
"Wag na te, wag feeling mistisa"
"Basher. Kaya di tayo close dati ehh"
"Bat—"
"Shhh"
Mabilis ko syang napatahimik ng makita ko si Ranz sa likod niya. Not technically sa likod niya pero nasa gawi ng likod niya.
Nagtatakang nakatingin sa akin si Mary dahil sa nakayuko akong nagmamasid kay Ranz. Patay din ako dahil kilala ni Mary itong lalaking to dahil sa schoolmates kami nong elem.
"Nong yari sayo?" tanong nito at lumingon sa likod niya. Huli na para hilahin sya dahil nakita niya na si Ranz "Ayy si Ranz pala. Gusto mo parin sis?"
Napaayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Napaisip din ako kung gusto ko pa ba talaga sya o dala lang to sa wala akong ibang mahanap.
"Ayy gusto mo parin. Silent means yes kaya" umiling iling pa talaga ang gaga "E diba di yan dito nag aaral?"
"Oo nga e" mabilis kong sagot sa kanya "Iwan ko nga bakit andito yan sa atin ngayon"
"Char naman. Makaquestion parang ayaw makita si Ranz"
"Shh hinaan mo boses mo. Pero yes"
Nagtawanan gaming dalawa matapos kong sabihin iyon
"Sabi na e landi to the highest level"
"Pero seryoso nagtataka ako bat andito yan" tanong ko sa kanya dahil sa pagkaalala ko e parang di talaga sya dito nag aaral
"Baka vacation time na nila, bumisita lang dito sa atin"
"Te sa campus talaga natin?"
"Panggulo ka Desiree. Open naman tong university natin always ahh. Kaya seguro nakapasok sya"
Nagkibitbalikan na lang ako ayaw ko ng ipilit pa pero I feel something weird. Ang gulo ko nga e hinihintay ko na tong pagkakataon natong makita sya ulit pero hito ako nagtataka na kung ano.