'What the—'
Hindi ako nakatulog sa kakaisip ng susuotin at gagawin namin ni Ranz. This the day na gagala kami ni Ranz bago sya bumalik sa university niya, at hindi talaga ako pinatulog ng lintik na kakaisip ko.
I'm thinking about how to confess. Pano ko sasabihin sa kanya na this time I like him na rin. Anong chance ba ang bibigay ni Lord. Ayaw ko kasing bumalik sya sa university na hindi ko masasabi sa kanya na gusto ko rin sya. Baka wala ng susunod at kaylan kaya ulit uuwi si Ranz dito.
Ranz: Sorry Desiree. Hindi kita masusundo sa inyo. May appointment kasi si mama at nagpasama, but we will meet there.
Muntik na akong atakihin sa puso, akala ko hindi matutuloy. Talagang lugmok ang buhay ko kung hindi matutuloy, bukas na ang balik ni Ranz kaya this is the chance to say it at a chance to recollect the things that we both left.
Desiree: Okay lang. Kamusta mo na lang ako kay tita at kita na lang tayo dun.
Nakatulala ako sa labas ng mcdo. Dito kasi ang plano naming magkita ni Ranz bago pumunta sa mga gagalaan naming dalawa.
Napaaga din ang dating ko kaya talagang tulala malala ako, kinakabahan ako na parang mamatay. This is the real date naming dalawa talaga parang ayaw ko na lang huminga sa kaba.
'Late ata sya?' hindi ko mapigilang sambit sa utak dahil hindi nalalate si Ranz sa kahit anong usapan o gala.
Nagsisimula na akong kabahan. Hindi dahil baka hindi sya sumipot dahil baka may emergency sya o ano na.
"Sorry I'm late" naglight up ang muka ko ng dumating din sya sa wakas andito na sya
"No. Okay lang, ano bang ng yari?—" my voice fades when I see a girl behind him
"Sinundo ko kasi si Diane"
"Sorry Desiree, nalate pa tuloy si Ranz dahil sa akin" soft voice na sabi ni Diane kuno
Naupo sya sa tabi ko at agad ko ring inalis ang tingin sa kanya baka na ooffend ko sya sa titig ko.
"Desiree? Diane my girlfriend"
Natigilan ako sa sinabi ni Ranz na kinamanhid ng buong katawan ko. Hindi ako bingi pero nabibingi ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung nahahalata ba nila na parang ayaw ko na. Ang sakit marinig parang may tumutusok sa puso ko.
"Finally we meet Desiree. Palagi kang bukang bibig ni Ranz sa akin, dahilan para gusto kitang makita" mahinhin niyang sabi na mas kinakirot ng puso ko
Naupo si Ranz sa harapan namin nakakatapos lang umorder. Hinawakan ni Diane ang kamay ko at tumingin ako sa kamay namin.
"Alam mo. You have a good energy, para kang nawawalang other half ko" she said with her soft voice
Namamatay na ang loob ko sa sakit at kirot na nararamdaman ko. Naiinggit ako sa kanya, gusto kong mawala at lumisan. Gusto kong tumakbo at kumawala sa moment nato
"Desiree okay ka lang ba?" tanong ni Diane sa akin
"Hmm okay lang. Iniisip ko na agad ang gagawin natin ngayon" peke ang pagngiti ko sa kanya pero totoong looking forward naman akong kasama sya