Sinubukan kong magbusy bisihan para hindi magsimulang umalala ng mga dapat hindi na inaalala, and thanks God talaga namang tinutulungan ako.
Even though nakakapagud ang mga school works na sunod sunod. Nakakatulong naman ito para hindi ko maalala ang palaging pumapasok sa utak ko na mga memories.
It helps me to focus on this present time. Kaylangan kong gawin dahil sa graduating na din ako sa senior high. Magpapadala pa ba ako sa kabaliwan nitong isip ko na magflashback ng kusa.
"FINALLY!" napangiti ako sa sigaw ni Steffi ng makalabas kami ng room "Ano? Gala?" sambit niya sa akin habang inaayos ang bag "Wag mong sabihin na di ka na naman sasama hoyy minsan lang to"
"Susunduin ako ni mama ano ka ba"
"Chat mo na lang na gagala tayo. Last quarter nato behh. Graduate na tayo ano ka ba"
Napabuntong hininga na lang talaga ako dito sa babaeng to. Talagang hindi ko alam kong bad influence ba to or good. Natutulungan niya naman ako sa acads pero talaga iwan ko ba.
"Pretty please?" nagbeautiful eyes pa talaga ang baliw "Magkikita kita naman tayo ng ibang friends natin. Gala lang"
"Oo na oo na"
Malakas na napatili itong babaeng to. Deserve naman talaga namin ang magsaya ngayon dahil sa final exam na lang ang iisipin namin. Pass na kami sa lahat.
"Desiree? Himala sumama ka" one of my old friends says "Madalas ay di ka talaga sumasama"
"Malamang sasama talaga yan. Minsan na lang to ano ka ba. Isa pa malapit na ang graduation. Right?" Isa ko pang kaibigan ang nagsalita
"Yes, deserve naman nating lahat to"
"YESSSSSS"
Hindi naman sana inuman ang pinuntahan namin isang fastfood store naman ito, pero kong kumilos itong si Steffi e talaga naman talaga. Pinipigilan ko rin ang sarili na sumabay sa trip niya dahil sa minsanan lang kami magbond ng barkada.
"Himala hindi mo sinamahan sa kabaliwan itong si Steffi"
"Excuse mi boy. Nagtitimpi pa yan WHAAHHAHA"
"Iwan ko talaga sayo. Binuking mo naman"
Nagtawanan kaming lahat at nagkukwentohan when I suddenly want some fries. Kaya tumayo ako para mag order. Di na ako nagpaalam sa kanila at baka masira ko ang kwentohan.
'Large or Small?'
"Desiree?" Napalingon ako sa nagsalita and it was Ranz. Di ako makapaniwala sa nakikita ko "Long time no see" He said and tap my shoulder
'Literal na long. Ilang taon kitang di nakita'
"Ranz? Kamusta?" Bigla kong tanong. Dahil sa nagulat talaga ako sa kanya.
"Okay lang. Kakauwi ko lang"
"Ma'am?"
Napaharap ako bigla na ako na pala ang susunod na oorder. Sa taranta pumunta agad ako sa casher. Forgot na magkausap pala kami ni Ranz.
"One fries, large"
Napalingon ako sa likod and I saw Ranz holding a take out. Tinaas niya ang kamay at nagwave, lalabas na pala sya. I want to talk to him more and ask kung saan sya nagstay ngayon, but hindi ko sya agad mahahabol.
'Maybe there is another next time'
"Hatid ka na namin Desiree?" Steffi said
"Wag na okay lang, malapit lang naman sa amin dito"
"Di ka marunong sumakay"
"Baliw marunong, ano ka ba"
Nagtawanan na naman ang lahat sa katarantaduhan nitong ni Steffi talagang clown of the group itong si Steffi.
I wave to them at umandar na ang sinasakyan kong motor. Magmomotor lang ako para mas madali at hindi na kaylangan pang punuin.
Nakauwi na ako at pinipigilan ang sariling pumunta sa bahay nila Ranz, at tingnan kong dun ba sya umuwi. Kulang na lang ay e tali ko ang sarili para hindi ako pumunta.
'Maybe we will meet again'
![](https://img.wattpad.com/cover/371406370-288-k881397.jpg)