Prologue

21 3 0
                                    

Trixie's POV

Habang binabagtas ang daan malayo ang aking isipan. Bakit sila ganun sakin? Saan ba ako nagkamali? Hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay ang aming mga magulang? Iilan lang yan na tanong saking isipan.
Napakasakit ng aking dibdib dahil mismong mga kapatid ko ay walang pakialam sakin, ni hindi ko man lang nasilayan ang huling hantungan nila Mama at Papa dahil pinagbawalan ako ni Ate at Kuya.

Napadpad ang aking mga paa sa bahay ampunan, hindi ako nagdalawang isip na pumasok doon at agad din naman nila akong tinanggap. Ngunit pagpasok ko ay samu't sari ang aking naririnig, Bakit ba sya nandito? Napakadumi naman nya! Ang baho nya! Yan ang kanilang mga sinasabi, tinawag ako ng isang babae at nilinisan nya ako at binihisan.
"Hayaan mo na sila, ganyan talaga ang mga yan akala mo naman mataas na sila sa kanilang mga sarili." sabi ng babae.
"Bakit ka nga pala narito? Ano ang iyong pangalan?" tanong nyang muli sa akin
"Trixie Jane Alemania po ang tunay kong pangalan ngunit tawagin nyo na lamang po akong Trixie. Pinalayas kasi ako ng mga kapatid ko sa bahay dahil wala na daw akong karapatan don, patay na rin ang aming mga magulang" malungkot kong saad sa kanya at binihisan nya na ako.
"Ganon ba? Dumito ka nalang muna, pwede mo akong maging kaibigan dito. Ako si Fatima" nakangiti nyang saad at inilahad ang kanyang mga kamay. Masaya naman akong inabot ito.

Nang magtanghalian na ay tinawag na kaming lahat upang kumain ngunit ng ako na ang kakain ay wala ng natira, tiningnan ko naman sila. At lahat sila ay nakatingin sa akin at naka ngiti na para bang sinasabi sa akin na "tama lang yan sayo". Bumalik na lamang ako sa pagkakaupo ngunit nagulat ako ng makita si Ate Fatima na may dalang pagkain para sa aming dalawa, masaya naman akong tinanggap ito at nagsalo kaming dalawa.
Matapos naming kumain ay pumunta ako sa kanilang kusina upang tumulong sa paglilinis at paghuhugas, pinayagan naman nila ako dahil sabi ko sa kanila ay wala naman akong ginagawa. Nagwalis na lang ako sa labas ng bahay ampunan at doon ay masayang naglalaro ang ilang bata. Hindi ko na lamang sila pinansin at pumunta nalang ng ibang direksyon, ngunit sa kasamaang palad ay pinagbabato nila ako.

"Aray! Ano ba? Tumigil nga kayo!" sabi ko ngunit lalo lang nila akong binato. Ano ba ang kasalanan ko?
Sa huli ay tumigil sila ngunit nakaramdam ako ng paghapdi dahil sa iilang sugat na aking natamo.
"Tama lang yan sayo! Hindi ko alam bakit ba nandito ka!" sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay ka edad ko lang.
"Ano bang problema nyo sakin?" saad ko sa kanila at isa isa silang tiningnan
"Problema namin yang ugali mo! Ayaw namin sayo! Pati si Sister Fatima inaagaw mo samin!" sigaw nyang muli sakin kaya naman hindi ako nagdalawang isip na umalis nalang doon.

Inabot na ako ng dilim sa daan kakalakad, hindi ko alam san ako pupunta. Sa isang eskinita, ay may nakita akong bahay bahayan, luma na ito at paniguradong walang nakatira. Kaya naman inayos ko ang mga karton na nagkalat dito at humiga na.
Inabot na ako ng ilang minuto ngunit hindi ko magawang matulog, bakit kaya nangyayare to sakin? Ano bang kasalanan ko? Umiyak lang ako ng umiyak dahil hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang aking buhay.

Kinaumagahan ay umalis din ako doon agad, at naglakad muli. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong kainan, palinga linga ako dito ngunit wala akong makitang tao. Baka sarado pa sabi ng aking isipan. Paalis na sana ako ngunit may lumabas ditong babae, napakaganda nya, ang kanyang muka ay maamo, ang kanyang mga mata ay hindi mo mababakasan ng kalungkutan.
Nilapitan naman nya ako agad at kinausap.

"Hi anong sadya mo? Nakita kasi kitang palingon lingon" bahagya akong ngumiti sa kanyang sinabi. Kahit ang kanyang boses ay napaka amo.

"H-hello ate, n-nagugutom na kasi ako ilang araw na kasi akong walang kinakain" walang sabi sabi ay hinatak nya ako papasok ng kainan. Ano kaya ang gagawin nya sakin?
Bahagya itong lumingon kaya namula ako. Hala may gusto ba ako sa kanya?

"Trixie Jane Alemania po, 20 years old wala na po akong mga magulang, naging palaboy po ako at tumira saglit sa bahay ampunan kaso lang umalis ako kasi madalas nila akong i bully don" nakayuko ako sa kanya habang binabanggit yan sa kanya.
Nadaanan namin ang dalawang lalaki na sa tingin ko ay mga kasama nya. Napataas ng isang kilay yung isang lalaki at medyo natakot ako don. Sa likuran nila kami umupo.

Tumawag sya ng babaeng naka uniporme na sa tingin ko ay nagta trabaho dito. Sya na ang nagsabi sa babae kung ano ang aming kakainin at nang dumating ito ay halos maglaway ako sa amoy at sarap nito.
Agad ko itong kinain dahil nagugutom na talaga ako. Lumapit naman si Brianna don sa isang lalaking seryoso ngunit may itsura naman. At halos mabilaukan ako sa aking pagkain nang sabihin ni Brianna na aampunin nya ako.

Dumating na kami sa bahay nya , mag isa lang pala sya dito. Dinala nya ako sa magiging kwarto ko, binigyan nya ako ng ilang damit na pwede kong suotin kaya naman pumunta na ako sa banyo at naligo.

Oo nga pala, Brianna ang pangalan nya ngunit gusto ko syang tawaging Bri dahil maikli lamang ito at madaling bigkasin. Nahihiya ako sa lalaki kaya naman hindi ako bumaba at natulog nalang.

Lord, sana naman dito na matatapos ang aking paghihirap.

*A/N
-hi guys, hindi ko sila ginawang series kasi dalawa lang talaga sila ni Bri ang bida, pero sana magustuhan nyo.

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now