Chapter 9

5 3 0
                                    

Trixie's POV

Abot abot ang aking saya dahil nanganak na si Bri, oo nga pala, lumipat na kami sa bahay nila Jace. Magpapaiwan sana nalang ako don sa bahay dati ni Bri kaso ayaw nyang pumayag. Naglilinis lang ako ng magiging kwarto ko, medyo malaki ito kaya naman binilihan ako nila Bri, habang nag aayos at naglilinis ay nakatanggap ako ng text mula kay Alexis.

"What are you doing?" Alexis
"Nagliligpit at nag aayos andito na kami sa bahay ni Jace, dito na kami nakatira" sabi ko
"Okay, kita pala tayo mamaya. Sa may park, kumain ka na ba?" sabi nya naman
"Oo katatapos lang. Salamat, sige kita tayo" sabi ko at pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa.

Halos isang oras din ang itinagal ko sa paglilinis at pag aayos, nagpahinga lang ako saglit at naligo na. Nitong mga nakaraang buwan ay madalas kaming magsama ni Alexis dahil niyayaya nya akong lumabas, hindi ko pa sinasabi kay Bri at Jace ang tungkol samin ni Alexis pero hindi pa kami, bali nung nakaraang linggo ay nagpaalam nga syang manliligaw sya. Kaya naman, nung tapos na ako asikasuhin ang sarili ay nagpaalam muna ako kay Bri, pumunta ako sa kanilang kwarto at doon ay nakita ko syang karga si Yohan.

"Hi Bri, papaalam sana ako may pupuntahan lang" sabi ko
"Saan naman?" tanong nya
"Jan lang sa may parke, o kaya maglilibot lang" sabi ko at tumango sya. Nagbigay sya sa akin ng 200 pesos, pilit kong tinatanggihan dahil nagbibigay din sakin ng pera si Alexis pero mapilit si Bri kaya kinuha ko nalang at nagpasalamat na ako saka tuluyang lumabas.
Nakarating na ako sa parke dito ito malapit sa bahay ni Bri dati, umupo muna ako don at inantay sya. Balak ko sana syang sagutin din ngayon.
Halos dalawang oras na akong nag aantay, tinetext at tinatawagan ko sya ngunit hindi sya sumasagot. Sa huli ay inantay ko nalang ulit sya.
Inabot na ako ng alas sais ng gabi ngunit bigo ako, hindi sya dumating.

Umuwi nalang ako at hindi ko alam bakit ako umiiyak, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pero napakababaw ng dahilan ko para lang umiyak, baka naman may ginawa yan ang sabi ng aking isip. Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang aking mga luha na pumapatak sa aking mata.

Alexis' POV

"Tangina, bitawan nyo ko!!! Nag aantay sakin si Trixie!" sigaw ko sa mga ito. Kanina pa sana ako nakapunta ngunit hinarang ako ng mga letseng to, hindi agad ako nakalaban dahil tinurukan nila ako ng pangpahilo dahilan upang mawalan ako ng balanse.
"Sino ba kasing may kagagawan nito?!" nang gagalaiti kong saad. Si Trixie, paniguradong kanina pa yon nag aantay. Pag ako nakawala dito, mga putang ina talagaaaa!
Biglang bumukas ang pinto dahilan upang tumingin kaming lahat doon, hindi na ako nagulat dahil alam ko namang sya ang may pakana nito walang iba kundi ang aking kapatid. Alesander

"Tangina ALESANDER!!!" sigaw ko at lumingon sya sakin.
"Kapatid naman eh, tsk tsk nakaka rindi yang boses mo!" sabi nya at natutuwa pa. "Pinadukot lang kita kasi alam ko namang ayaw mong makipag kita sakin, nagtatampo na ako ha!" sabi nya ulit at kinunutan ko ito ng noo
"Baliw ka ba? Alam mo bang may nag aantay sakin! Pinabukas mo nalang sana, badtrip ka naman! Pakawalan mo na ako!" sabi ko
Gaya ng sabi ko ay pinakawalan ako nito at niyakap ako, marahan ko naman itong tiningnan at sinamaan ng tingin.
"Tangina Alesander, alas sais na pag sya talaga hindi ako kinausap dahil sa pakulo mo nato sinasabi ko sayo, ikaw ang ipapaharap ko don"  sabi ko ngunit ngumisi lang ang gago doon ko lang napagtanto ang sinabi ko sa kanya.
"Ipapakilala mo ba sya sakin?" sabi nito
"No" aalis na ako. Tinawanan nya pa ako ulit pero bago ako umalis ay binato nya sakin yung susi ng motor sinalo ko naman yon agad at pumunta na sa parke.

Pagpunta ko don ay wala sya, tiningnan ko yung cellphone at nalula ako dahil 110 text at 85 missed calls na puro sa kanya galing. Ako naman ang tumawag sa kanya at nagpasalamat ako dahil sinagot nya ito.
"I'm sorry, Trixie. May nangyari lang na hindi maganda. Asan ka? Umuwi ka na ba?" sunod sunod kong tanong. Ilang saglit syang hindi nagsalita, naiiyak ako tanginang yan!
"Hmm, kanina pa ako umuwi nag antay ako ng matagal, may sasabihin din sana ako kaso wag nalang pero hindi ako galit wala naman akong karapatan para magalit" sabi nya sa malumanay sa boses.
Ang amo ng boses, sinong di maiinlove dito?!
"Ano pala yung sasabihin mo, please Trixie. Nung time na hinalikan kita, meron ka ng karapatan sakin. Kita tayo, baba ka jan. Gusto kitang mayakap" sabi ko habang hinihilot ang aking sentido. Pinatay nya ang tawag kaya di ko alam kung bababa sya o hindi.

Ilang minuto lang ay nakita ko na syang naglalakad papunta sa gawi ko, napaka ganda! Sinalubong ko sya ng mahigpit na yakap.
"Miss na miss na kita" sabi ko
"Ano bang nangyare sayo?" tanong nito sakin
"Business matters" sabi ko, humiwalay ako sa kanya para halikan sa noo.

"Ano pala yung sasabihin mo sakin?" tanong ko at nakita ko ang bahagya nyang pagka gulat kaya hindi ko maiwasan ang kabahan.

Please don't tell me, that you're gonna leave me.

*A/N
-sorry po now lang nakapag ud, medyo busy HAHAHAH btw, enjoy reading guysss

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now