Chapter 19

4 1 1
                                    

Trixie's POV

Kasalukuyan kaming nakahiga sa ilalim ng puno nakahiga si Alexis sa mga hita ko habang nilalaro ang kanyang buhok, napaka presko ng hangin sapagkat natural ito. Tahimik lang kami ni Alexis habang nagtitingin sa paligid. Bahagya akong tumingin sa aking daliri na may singsing.
"Bakit ka nga pala nag propose, Alexis?" tanong ko sa kanya kaya naman napadilat sya ng kanyang mata.
"Well, I want to rest my life with you. Grow old with you" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Alam mo dati sa tuwing nakakakita ako ng mga lalaking nagpo propose, tinanong ko sa sarili ko kung ano ang pakiramdam non. At nagpapasalamat ako dahil pinaranas mo yon sakin" sabi ko habang nakangiti
"Ano naman ang naramdaman mo?" malumanay nyang tanong. Iniwas ko muna ang paningin ko sandali at muli kong binalik.
"Hmm, napaka special at napaka saya ko." sabi ko habang nakangiti pa rin.
"And now we are already engaged, do you want a grand or simple wedding for us?" tanong nya
"Alam mo ang sagot jan" sabi ko "Gusto ko lang ng simple." dagdag ko at luminga ako sa paligid.
"It's getting cold here" sabi nya at tumayo. Nilahad nya ang kanyang kamay "Come on, let me help you to get up" sabi nya ulit saka ko tinanggap ang kanyang kamay para tumayo.

Nang makatayo kaming dalawa ay naglakad na rin kami. Hindi ko maiwasang isipin sila Ate kaya naman tiningnan ko si Alexis at kinausap sya.
"Hon, pwede ba nating dalawin sila Ate?" sabi ko at bahagya kaming napatigil sa paglalakad.
"Why?" tanong naman nya habang nakakunot ang noo
"I just wanna know if they're okay and I want to inform them that I am going to marry soon." sabi ko at ngumiti ng pilit
"No" sabi nya at bahagya akong natigilan "Hindi ko makakalimutan yung ginawa sayo ng Ate mo ni hindi ka nga rin nila makamusta tapos sila kakamustahin mo?" patanong nyang sabi dahilan upang lalong lumaylay ang aking balikat.
"S-sige" malungkot kong sabi
"Don't get me wrong, Darling. Look, if they have a little care to you, then they should be reached you or look after you but they didn't" malumanay nyang sabi at iniangat nya ang aking baba upang matingnan ko sya "I know your past, please kung magpapakita ka lang sa kanila para saktan ka ulit hindi ko mapapayagan yon. You are my treasure, Darling" dagdag pa nyang sabi at napangiti naman ako don.
Tama sya kung magpapakita lang ako kila Ate at Kuya, sasaktan lang nila ako. Bakit ba kasi hindi nila ako matanggap? Bakit ba nila ako sinisisi sa pagkamatay ng mga magulang namin? Muli akong napatungo sa isipan kong iyon.
Narating naming dalawa ni Alexis yung bahay nya nang hindi na nag uusap. Ramdam ko naman na tiningnan tingnan nya ako habang nakayuko na naglalakad. Nang makapasok ay medyo lutang pa yung isip ko ni hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa kwarto.

"You okay? Kanina ka pa tahimik" tanong ni Alexis hindi ko sya sinagot at tiningnan lang sya.
"Okay lang ako. Hindi ko lang magawang isipin na kung bakit nga ba ganun sila sakin" sabi ko. "Oo nga pala, pwede ba nating dalawin sila Bri? For sure na magugulat sila at magtatanong kung bakit nahantong tayo sa gantong sitwasyon" dagdag kong sabi at bahagya akong ngumiti.
"Yeah, ang tagal ko na ring hindi nakikita si Rohan" sabi nya. Bakit kaya Rohan ang madalas nyang ipakilala?
"May itatanong ako, pwede ba?" tanong ko at napa angat ang kanyang tingin sakin at tumango "Bakit Rohan ang madalas nyong itawag kay Jace?" dagdag kong tanong at medyo nangunot ang kanyang noo ngunit sinagot nya na lang din, wala syang choice HAHAHAHA
"About that, sinabi nya yon sakin kasi minsan na kaming nagsama sa bar. Gusto nung babae na tawagin syang Jace pero ayaw nya kaya Rohan nalang daw ang itawag sa kanya. Pagka alis nung babae, tinanong ko sya kung bakit ayaw nyang magpatawag ng Jace at palaging Rohan sabi nya lang "its just for someone whom special"  sabi nya at talagang ginaya nya pa yung boses ni Jace sa dulo, tumango na lang ako at nagsabi ng "Ah okay". Saglit pa kaming nakaupo at ilang sandali lang ay napagpasyahan na naming matulog.

Kanina pa ako paikot ikot sa higaan kaya umupo ako, si Alexis naman ay payapang natutulog. Bigla kong naisip yung mga ginagawa sakin dati nila Ate at Kuya, ung pagkulong nila sakin sa kwarto para hindi ako makapunta sa libing ni Mama at Papa, ung hindi nila pagpapakain sakin, ung pananakit nila sakin ng pisikal, at ang hindi ko makakalimutan yung muntik na nila akong patayin dahil sa sakit ko na hindi na daw kailangang gamutin. Napaiyak ako dahil sa isipan kong iyon, napalakas ata ang paghikbi ko dahil nagising si Alexis.
"Hey, why are you crying?" malumanay nyang tanong at niyakap ako, doon ay lalo akong naiyak
"N-naisip ko bi-bigla sila Ate eh, hi-hindi ko alam ku-kung b-bakit sila ga-galit sa-sakin" sabi ko habang umiiyak, inaalo nya naman ako kaya medyo nabawasan ung pag iyak ko.
"Sshhh, don't cry hmm. They don't hurt you, no one will hurt you, my Darling" mahina nyang bulong sakin at tumatango tango nalang ako.

Pagkatapos kong umiyak ay humiga ulit kami, pero this time nakaunan ako sa braso nya at nakayakap ako. Sya naman pinaglalaruan ang aking buhok.
"Sleep now, Darling. Don't mind them." sabi nya at pumikit ako pero bago ako makatulog ay naramdaman ko ang paghalik nya sa aking noo.

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now