Chapter 20

4 1 0
                                    

Alexis' POV

Dahil sa nangyare kagabi kay Trixie ay hindi maayos ang tulog ko pero bumangon pa rin ako dahil kailangan ako sa opisina, bago ako tumayo sa higaan ay tiningnan ko muna sya. Ang amo ng muka nya parang anghel, hindi sya ganun ka puti pero okay lang dahil bumagay naman sa kanya. Nagtungo muna ako sa banyo at nag ayos pagkatapos ay ginising ko na sya, ngayong araw kasi ay uuwi muna kami sa condo dahil wala kaming damit dito.
"Darling, come here. Get up now, we have to go home" malambing kong sabi sa kanya. Umupo muna sya at saka ko sya niyakap patalikod. AAAAHHH SARAP SA FEEEEELLLINGG!
"Alis muna, maghihilamos lang ako at mag aayos" sabi nya at tinanggal ko naman ang pagkakayakap ko. Habang nasa banyo sya ay niligpit ko muna yung higaan, wala pala dito si Manang dahil pinauwi ko muna pero mamaya tatawagan ko sya at magsasabing umuwi na kami.

Inantay ko nalang si Trixie at lumabas na rin naman sya, kinuha ko lang yung ilang gamit namin at lumabas na.
"Bakit walang masyadong tao dito?" tanong nya
"Ayoko lang" tipid kong sagot kaya tumango nalang sya.
Nang makasakay na kami sa kotse ay binalingan ko ito ng tingin at saka hinalikan pero saglit lang. Nagulat naman sya sa ginawa ko.
"Luh ka, para saan yon?" gulat nyang tanong kaya naman natawa ako. Cuteeeee
"Good morning kiss yon bilang ikakasal na." naka ngiti kong sabi at kinindatan sya pero wala ata sya sa mood kasi inirapan nya lang ako, amp. Hinayaan ko nalang din baka kasi bitin ung tulog nya.
"San mo gustong kumain?" tanong ko kaya napa baling sya sakin ng tingin habang namumungay ang kanyang mga mata.
"Kahit saan, inaantok pa ako eh. Ikaw na bahala" sabi nya saka dumukdok.
At dahil bahala daw ako ay kumain na lang kami sa Mcdo dahil yon ang pinakamalapit, nag dribe thru nalang din ako para tuloy tuloy yung byahe namin, umorder na rin ako sa starbucks ng kape namin ni Trixie dahil kailangan naming dalawa yon lalo na ako.

Nahihirapan akong kumain dahil nagda drive ako kaya naman sinusubuan nalang ako ni Trixie. Ang sweet! Tumingin muna ako sa orasan at nakita kong malapit ng mag alas syete kaya binilisan ko ang pagpapatakbo. Bahagya naman akong nagulat ng sumigaw si Trixie.
"ALEXIS! MAGDAHAN DAHAN KA NAMAN, PAPATAYIN MO BA AKO?!!" sigaw ni Trixie kaya medyo binagalan ko ung pagpapatakbo, at doon ko naalala na okay lang kahit anong oras ako pumasok dahil BOSS nga pala ako. Pero sa relasyon namin, sya ang BOSS ko.
"Sorry hehe" sabi ko ngunit walang epekto dahil napaka sama ng tingin nya sakin, mamaya ko nalang sya susuyuin HAHAHA nag peace sign lang ako at tumingin nalang sa kalsada.
Katahimikan na naman ulit ang bumalot samin, wala naman kasi akong sasabihin sa kanya pero maya maya pa ay nagsalita sya.
"Pwede bang magtanong?" tanong nya at tumango naman ako. "Ano palang nagustuhan mo sakin? Bakit mo ko minahal?" dagdag pa nyang tanong at napa ngiti ako.
"Well, let's just say na nalove at first sight ako sayo. You were so simple yet beautiful, noong una ay hindi ko rin alam bat ako nagkagusto sayo, but one thing is for sure" sabi ko hindi ko sya matingnan kasi nasa kalsada ang tingin ko "I love you, and mahalaga ka sakin Trixie sobra ka pa sa ginto na dapat ipagdamot at ingatan para hindi mawala. Hindi ko ikakahiya na ikaw yung magiging asawa ko, we both know that you have a good personality. Kaya hindi ako papayag na mawala ka, hahanapan kita ng donor para makapag heart transplant ka, okay?" malumanay na sabi ko sa kanya at saka ko hinawakan ang kanyang kamay.
"Paano pala pag dumating yung point na kailangan ko ng lumisan sa mundo? Alam mo bang hindi ako nagkaroon ng mga ka relasyon kasi iniisip ko na maiiwan ko lang din sila dahil sa sakit ko. Tama sila Ate mamamata-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at napa preno ako bigla. Nagulat naman sya dahil sa ginawa ko pero wala akong pake, tiningnan ko sya ng masama at nangunot ang aking noo.
"Don't say that again, PLEASE! Hindi mo alam kung gaano ako malulungkot pag sinasabi mo yan! Hindi ka mamamatay! Hindi ka mawawala! Gagawin ko ang lahat para mabuhay ka! Kung kinakailangan kong mawalan ng kompanya at iba pang ari arian para mabuhay ka, gagawin ko! Please, wag mo namang sabihin yan." sabi ko at bahagya ko syang nasigawan at nang makita kong umiiyak sya ay niyakap ko ito.
"Ssshh, no, hindi ko sinasadyang sigawan ka. Nag aalala lang ako sayo, wag ka namang magsalita ng ganyan" pagpapatahan ko sa kanya at umiiling lang sya. "Nasasaktan din ako sa tuwing sinasabi mo yan, wala kang karapatan na sabihin yan kasi gagawin ko ang lahat." dagdag ko pang sabi at humihikbi pa sya.
Pinakawalan ko din sya sa pagkayakap ko at sinabi nyang mag drive nalang ako ulit. Tinitingnan tingnan ko naman sya dahil nakadukdok sya sa harap at natutulog.

Hindi ka pwedeng mawala, Trixie. Hindi na pwede dahil hulog na hulog na ako sayo. Sabi ng isipan ko at pinagpatuloy ko nalang ang pagda drive hanggang makarating kami sa condo.



*A/N
-hi guys, maganda ba? HAHAHA sorry di masyadong pala update, medyo busy pa. Kindly leave a comment or feedbacks on my story ~~~ Thank yah!

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now