Chapter 8

7 3 0
                                    

Trixie's POV

Nakaka boring yan ang nararamdaman ko. Hindi kasi ako makalabas ng bahay kasi si Alexis akala mo laging naka mata sakin. Pupunta lang ako saglit sa gate ay magte text na sya ng "Jan ka lang alam kong lalabas ka" kaya eto ako ngayon, nasa kwarto.
Nagbasa nalang ako ng mga libro na binili sakin ni Bri at pinag aralan ko yon. Pumasok nga pala ako sa isang online class na nagtuturo ng cookey dahil gusto ko talagang matuto sa pagluluto. Hanggang sa nagutom ako, naghalungkat ako ng pwedeng kainin. At nakakita ako ng ice cream pero nasa maliit lang sya na lalagyan kaya kumuha ako ng isa.

Habang kumakain ay parang ginaganahan ang utak ko kaya patuloy ako sa pagbabasa at pag aaral ng kung ano ano. Nang maubos ang ice cream ay itinigil ko nalang ang pag aaral ko. Tumunog ang aking telepono dahil may nag text, napa ngiti naman ako dahil si Alexis yon.

"Have you eaten?" tanong nya
"Yeah, ice cream" sagot ko.
"Wanna lunch? Magpapa deliver ako jan, kumain ka" sabi nya sa text kaya nag okay nalang ako. Nakapag order na daw sya at antayin ko nalang daw kaya ayun ang ginawa ko.
Lumipas ang sampung minuto ay dumating na ang pagkain na inorder nya sakin. Pinicturan ko ito at sinend sa kanya nag reply lang sya ng "eatwell" kaya sinunod ko nalang. Ang dami nyang binili pero naubos ko yon. Matakaw talaga akong kumain -_-

Nagpatay lang ako ng oras sa pagbabasa at pagsusulat. Medyo naguguluhan ako sa ibang pinag aaralan ko pero pinilit kong intindihin yon. Nang mag alas singko na ay binitawan ko na ang libro at nagsimulang kumilos sa kusina, hindi pa ako ganun kagaling magluto pero pwede na. Minsan si Bri yung nagtitimpla ng mga niluluto ko. Nagsasaing ako ngayon ng kanin at naghuhugas ng mga kung ano ano, dumating si Bri na may dalang ulam kaya nang makaluto na ng kanin ay kumain na kami.

"Hindi ka ba nabo boring dito sa bahay?" tanong ni Bri
"Naboboring pero hindi ko naman kayang lumabas kasi di ko alam kung saan pupunta" sabi ko at tumango sya.
"Kapag gusto mong gumala sabihan mo lang ako ha, ipapasyal kita" sabi nya at ngumiti nalang ako. Ayokong maka istorbo sa ibang tao kaya naman kahit naboboring ako dito ay hindi ko chinachat si Alexis at Bri dahil lang sa gusto kong lumabas.

Alas sais na ng gabi ay umakyat na ako sa kwarto. Ano kaya pwedeng gawin? Masyado pa kasi maaga para matulog. Sa huli ay nagbasa nalang ulit ako, ganun lang ang aking ginawa hanggang sa nakatulog ako.

Nagising ako bandang alas syete na ng umaga, hindi muna ako bumaba at nanatili lang muna ako sa kwarto. Hindi ko na masyadong naiisip sila Ate pero hindi ko maiwasang mamiss sila dahil kahit papaano ay sila ang kinalakihan kong mga kapatid, ngunit kung papipiliin ako, kung kay Bri at kila Ate. Kay Bri ako sasama.

Bumaba na ako nang matapos akong maligo. Tiningnan ko kung may pagkain at napangiti ako ng meron, kumain na ako at naglinis ulit.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng katok at nagulat ako dahil hindi ito si Alexis kundi si Shantal.

"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko agad sa kanya.
"Syempre pina imbestiga ko, pero hindi ako magpapaligoy ligoy sayo. Layuan mo si Alexis, Trixie. Pagmamay ari ko sya, sa akin sya unang nabaliw kaya naman ako pa rin sa huli" sabi nya
"Hindi ko alam ang storya nyong dalawa. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong layuan si Alexis" sabi ko sa kanya.
"He was suffering in a trauma that I caused. Kaya naman, umalis ka nalang at hayaan kaming dalawa ni Alexis ang magtuloy ng naudlot naming relasyon. You can handle him, masasaktan ka lang nya" giit nyang sabi sakin.
"What if I don't? You know, Shantal, sa pinapakita mong ugali sakin ngayon parang sinasabi mong nalalamangan kita. Kung ikaw ang dahilan ng pagkakasakit nya, pwes sakin sya gagaling. Handa akong masaktan, Shantal. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya. Wait, san ako humuhugot ng lakas na loob para maging ganto???? OH NO, but wait, I need this.
"Are you sure that YOU was his cure? Let's see, Trixie. Lets's see" sabi nya at nginitian ako.
"I can sue you for trespassing here, Shantal. Kaya umalis kana" saad ko sa seryosong tono ngunit ngumiti sya ulit sakin at umalis na.

HALAAAAA AKO BA UNG KANINA? BAKA NAMAN ALTER EGO KO YON!!! But its okay, at least napa alis ko sya. So proud of myself ✨

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now