Chapter 30

6 1 0
                                    

Trixie's POV

Mabilis lang ang pag recover ko dahil maalaga at mapagmahal ang aking asawa. YES, ASAWA! Dahil bago matapos ang buwan na lagi nyang sinasabi ay naikasal kami. At ngayong araw ay nag iimpake kami ni Alexis dahil hindi pa daw tapos iyong honeymoon namin! Si Alexis di na nagbago, napaka landi pa rin!
Naitanong nya sakin kung saang bansa ko daw gustong pumunta at sinabi kong sa South Korea kaya naman pinahanda nya agad yung private plane nya, nagulat ako dahil meron syang ganun. Gabi ang sinabi kong flight namin dahil gusto kong makita kung gaano kaganda ang paligid tuwing gabi, ayaw nyang sumakay kami sa ibang plane dahil hindi naman daw nagagamit iyong private plane nya. Tss! Hindi masyadong maraming damit ang dinala namin dahil pagdating doon ay mamimili kami. Hindi ko na rin tinanong sa kanya ang nangyari kila Ate, Kuya at Shantal dahil ayaw kong pag usapan at sya din naman kaya nanahimik nalang ako.

Nang matapos kaming mag impake ay yung iba naming stocks dito sa ref ay ibinigay namin sa mga nasa lansangan, mahigit isang buwan kasi kaming nandon at baka masira kaya naisipan naming ibigay na lang. Pagtapos namin ay naglinis kami ng buong bahay, pati yung mga labahan ay nilabhan na rin namin. Bandang alas kwatro na kaming matapos maglinis kaya parehas kaming napagod. Hindi na kami nakatulog kaya sabi nya doon na lang daw kami sa airplane matulog, pumayag nalang ako.

Nagpahinga lang kami saglit ni Alexis at maya maya lang ay naligo na ako, hindi na ako masyadong nag ayos dahil baka magselos na naman ang mokong na to! Naglagay lang ako ng concealer, powder at liptint. Nag dress nalang ako pinatalunan pa namin yan, syempre di yan uubra sakin HAHAHAHAH. Sya naman ay nag polo yung para bang papasok lang ng opisina. Pagtapos nya ang tinulungan ko syang mag ayos, ako lang yung nag dry ng buhok nya HAHAHAHAHAH
"Hindi ka ba nagugutom, Darling?" tanong nya
"Nagugutom, mamaya na lang mag drop muna tayo sa jollibee at mag drive thru" sabi ko at tumango sya. Pagtapos nyang mag ayos ay tinawagan na nya si Alesander para ihatid kami.
"Masyadong mahaba ang Alesander HAHAHAHA meron ka bang nickname?" tanong ko kay Alesander habang nagda drive sya, sumulyap muna sya samin bago sumagot.
"Tawag lang nila minsan sakin ay Won, Ales or Sander pili ka nalang jan sa tatlo" sabi nya habang nakangiti. Mas maganda siguro kung tatawagin ko nalang syang Sander HAHAHAHAHAH
Sabi ni Alexis ay dumaan muna kami sa jollibee para makakain kaming tatlo at si Sander na ang pinag order namin sa drive thru, tinanong nya ako kung ano daw gusto ko at dahil SELOSO ang asawa ko kahit kapatid nya pa yan ay wala syang pake. Si Alexis na ang sumagot para sakin dahil alam nya naman ang paborito ko. Tahimik lang kaming kumakaing tatlo sa sasakyan kaya sabi ko kay Sander ay magpatugtog sya dahil napaka boring!

Ayun nga, nagpatugtog sya at dahil alam ko ang kanta ay sinabayan ko ito. "What Makes You Beautiful" by OneDirection ang kanta hanggang sa matapos ito ay hindi ko alam na nakatitig silang dalawa sakin habang nakanganga. Hindi ko kasi sila pinansin dahil feel na feel ko ang kanta eh.
"Ba-bakit?" utal kong tanong, pangit ba boses ko?
"You're not mentioning to me that you have a great voice" sabi ni Alexis at pasimple akong ngumiti
"Nako, wag ka ng kumanta baka agawin kita bigla kay kuya HAHAHAHAHAH" biro ni Sander at binatukan naman sya agad ni Alexis
"Ulol maghanap ka ng sayo! Aagawa mo pa ako!" singhal sa kanya ni Alexis at natawa naman kami.
Naituon na lang ni Sander ang kanyang mata sa daan at nag focus nalang din sa pagda drive hanggang sa makarating kami sa paliparan nya, oo paliparan nya. Ang sosyal diba? Bumaba na ako at yung dalawang magkapatid naman ay binaba na ang mga gamit namin. Tinulungan naman sila ng ibang kalalakihan na ilagay ang mga gamit sa loob ng eroplano at inalalayan naman ako ni Alexis papasok, bago kami tuluyang pumasok ay nagpaalam muna kami ni Alexis kay Sander at dakilang mapangasar si Sander ay nag flying kiss ito sakin at si Alexis naman ay nag dirty finger lang sa kanya.

Napansin ko na puro kalalakihan ang nandito sabi ko sa kanya bakit walang stewardes, sagot nya sakin ay baka magselos daw ako kaya puro lalaki nagse serve samin ng mga pagkain. Psh, tinulad pa ako sa kanya na seloso! Sa may bintana nya ako pinapwesto para daw makita ko yung view at nagulat ako dahil medyo nag shake yung eroplano. Natatawa naman sakin si Alexis at sabi nyang normal daw yon, wag daw akong matakot dahil bago ito gamitin ay pina check nya lahat ng parte para masiguradong safe. At nung medyo pataas na ay saka ko natanaw ang paligid, lihim akong napangiti dahil sa ganda ng tanawin. Ang daming ilaw HAHAHAH
Nang tuluyan ng tumaas ay puro langit na ang nakikita ko kaya sabi ko kay Alexis ay kuhanan nya ako ng litrato, phone nya nalang yung ginamit nya dahil ipang wwallpaper nya daw.
Nag ayos muna ako at nag post, puro sya papuri sakin na maganda. May maikli pa nga syang vid eh, para akong tanga don dahil tawa ako ng tawa pero cute HAHAHAHAHAHHAHA.
Sabi ko sa kanya ay kaming dalawa naman kaya hinarap nya samin yung camera at nag pose kaming dalawa. At dahil sya si Alexis ay daig nya pa ako kung mag myday pero halos lahat ng myday nya ay muka ko at muka namin. Masyado syang proud sakin HAHAHAHHAHAHAHAHAH.

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng antok kaya kumuha ako ng kumot at dahil may kaliitan ako ay nakakalong ako kay Alexis wala naman syang reklamo, ang posisyon ko ay para akong bata HAHAHAHA dahil sa kaantukan ay natulog na ako.

*A/N
-up next is Epilogue HAHAHAHAHA

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now