Chapter 10

5 3 0
                                    

Alexis' POV

"Trixie, ano yung sasabihin mo?" medyo kinakabahan kong sabi sa kanya, yumuko ito na tila ba nagdadalawang isip kung sasabihin nya o hindi.
"Dalawa kasi yung sasabihin ko. Yung isa kay Shantal, pinuntahan nya ako sa bahay dati namin Bri sinabi nya sakin na meron kang sakit. Gusto ko lang malaman kung ano yon, Alexis bago ko sabihin yung isa pa" mahabang pahayag nya kaya naman niyaya ko muna sya sa motor at pinasakay ko sya don.
Dinala ko sya dito sa parke, alas syete pa lang naman kaya medyo maliwanag pa ang kalangitan. Tumingin muna ako sa taas at huminga ng malalim.
"I don't feel loved. Simula ng iwan, lokohin at paasahin ako ni Shantal, nagbago na ako. Mahal namin ang isa't isa noon. Kaya nung tumuntong kami ng highschool ay nagtapat ako sa kanya, naging kami naman. Pero nung nag college kami, dun na kami nagkalabuan. Kinailangan nya akong iwan para lang sa pangarap nya hindi sya nagtiwala sakin. Sinundan ko sya sa ibang bansa pero mas lalo lang palang lumala ang lahat kasi may naging boyfriend sya don samantalang ako, nag aantay sa kanya. Kaya nawalan ako ng interes sa babae, na kahit ang mommy ko ay hindi ko pinaniniwalaan na mahal nya ako. Now tell me, Trixie what should I do now because I am struggling. I hate it. I want to start, but how?" mahabang wika ko sa kanya.

Inantay ko ang kanyang sagot gaya ko ay tumingala muna sya sa langit at lumingon sya sakin.
"Ako ba, Alexis mahal mo ba ako?" diretsa nyang tanong sakin. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko, napakalakas ng kalabog ng puso ko sa tuwing nandito sya, bagay na hindi nangyari sakin noon kay Shantal. Tumango ako at nakita kong sumilay ang kanyang ngiti.
"Kung gusto mong magsimula ulit, Mommy mo muna ang unahin mo bago ako. Bibigyan kita ng space kung gusto mo para makasigurado ka na, hindi kita kukulitin, hindi ako magpaparamdam, hindi ako magbabago. Kung ano ako ngayon, pagbalik mo ganun pa rin ako. Gusto kong sa pagbalik mo, handa ka na ulit magmahal. Gusto ko sa pagbalik mo, ikaw pa rin ang Alexis na nandito sa harap ko ngayon. Maaasahan ko ba yon?" mahabang sabi nya at hinawakan ang aking pisngi.
"Saka ko na sasabihin yung pangalawa kong sasabihin pag nakabalik ka na" sabi nya ulit at hinalikan nya ako sa labi. Hindi sya marunong pero dahil ito na ang huli naming halik ay diniinan ko yon. Habol ang aming hiningan nang humiwalay kami sa isa't isa.
"Thank you, Trixie. Promise na babalik ako at sa pagbalik ko, ikaw pa rin" naka ngiti kong sabi sa kanya.

Bumalik na kami kila Jace pero bago sya pumasok sa bahay ay muli nya akong hinagkan.
"I love you, Trixie. Please be safe" sabi ko at marahan syang tumango habang umiiyak. Pinunasan ko ang luha na rumaragasa sa kanyang muka.
"Mag iingat ka din, Alexis. Mag iingat ka" sabi nya saka humakbang paloob ng bahay.

Nang makauwi ay naghanda na ako paalis ng bansa. Bukas ng umaga ay aalis ako at tutungo sa ibang bansa, doon ko nais magpagamot. Para kay Trixie, gagawin ko to. Para sa kanya lang.
Pagbalik ko, sisiguraduhin kong seryoso na ako sa nararamdaman ko sa kanya.

"Mabuti naman, Sun at pumayag ka ng magpagamot sa ibang bansa" sabi ni Daddy sakin habang kumakain kami.
"Yeah, where's mom?" sabi ko alam kong magugulat sya dahil sa loob ng dalawang taon ay hindi ko ito hinanap.
"Why?" gulat nya pa ring tanong
"I just want to see her before I'll go. Can you please call her for me? I have something to tell her" sabi ko, tinapos ko lang ang pagkain at lumabas na.
Maya maya pa ay dumating na si Mom, bigla nya akong niyakap kaya naman ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Thanks God" sabi ni Mom
"I'm going there Mom. Gusto ko ng tuluyang gumaling" sabi ko
"Oh, right. Your daddy called me because you have something to tell me. What is it?" sabi nya kaya binigay ko ang picture ni Trixie. "Who is she?" gulat nyang tanong
"She's my world. I'm doing this because she wants too, sya rin ang nagsabing magpagaling ako. Sinabi ko sa kanya lahat tungkol samin ni Shantal at gusto nya akong tuluyang gumaling. She's kind, Mom and I know na magugustuhan mo sya. Please, just her. Paki bantayan mo sya, ayaw nya akong tumawag at mag text kaya ikaw ang gumawa non sakin, Mom" sabi ko sa kanya at niyakap nya ako ng mahigpit
"You loved her so much" sabi nya
"Yeah, but she wants me to recover and start a new" sabi ko at nagpaalam na kay dad at mom na pupunta ng kwarto.

Suot nya ang bracelet alam ko yon dahil binuksan ko ang camera nito at nakita kong kumakain lang sya habang nanonood. She's loyal to me, pinanood ko lang ang bawat galaw nya. Kinonekta ko ito sa aking cellphone para kahit papaano ay dito man lang makita kong nasa maayos syang kalagayan.

Promise, Trixie. Pagbalik ko ikaw pa rin.


*A/N
-kung itatanong nyo guys, kung bakit aalis at magpapagamot si Alexis ay dahil may sakit sya. Wala syang nararamdamang pagmamahal pero dahil kay Trixie ay na trigger ito ngunit wala pa itong kasiguraduhan kaya kailangan nyang magpagamot.
-Susunod na chapter ay one year na ang nakalipas. abang abang lang sa mga chapters. Enjoy reading guys. Thank yahh!!

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now