Chapter 24

5 1 2
                                    

Trixie's POV

Tapos na kaming mag asikaso ng sarili namin ni Alexis at handa ng umalis. Chineck nya muna yung mga gamit para masigurado na walang nakasaksak, nang okay na ay sabay na kaming bumaba. Dumiretso na kami sa parking lot at sumakay na sa kotse nya.
"May gusto ka bang bilihin para sa kanila?" tanong ni Alexis habang papalabas kami ng parking lot.
"Bili nalang tayo ng pagkain, yung sakto lang satin" sabi ko at tumango nalang sya.
Tinawagan ko muna si Bri para sabihing pupunta kami sa kanila at may kasama ako na paniguradong kilala nila, sakto daw na nandon si Jace.
Dumaan muna kami ni Alexis sa isang kainan at nag take out lang sya saglit ng mga pagkain. Pagtapos mag take out ay bumalik din sya agad dito sa kotse at muli syang nag drive. Medyo may kalayuan kami kila Bri kaya habang nagmamaneho si Alexis ay natulog muna ako.

Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe namin basta ang alam ko lang ay ginising ako ni Alexis para sabihing nandito na kami kila Bri, bumaba muna ako at nakita ko si Bri sa may pintuan na nag aabang ata samin. Nang pumasok ako ay saka nya lang ako nilapitan.
"Omygosh, Trixieeeee namiss kita ng sobra" sabi nya at bigla nya akong niyakap. Niyakap ko nalanh din sya pabalik. Pero naalala kong nasa labas pa pala si Alexis at nag aantay dahil nakasarado yung gate nila Bri. Kaya bahagya muna akong kumalas sa pagkakayakap namin.
"May kasama pala ako nasa labas pa sya eh, naka kotse kasi di sya makapasok. Sarado pa yung gate nyo" sabi ko at ngumiti kay Bri.
Kami nalang ang nagbukas ng gate para makapasok si Alexis. Nang makapasok ay sinarado din namin, nagulat si Bri ng bumaba si Alexis. Sabi na eh, magugulat sila HAHAHAH
"WAIT?! ARE YOU ALEXIS SUN NICHOLAS?! THE OWNER OF NICHOLAS' HOTEL AND RESTAURANT??!!" sigaw ni Bri kaya napatakip ako ng tenga. Napahawak naman sya sa kanyang bibig at nag sorry sakin.
Pinapasok muna kami ni Bri sa loob at si Alexis na ang nagdala ng mga pagkain.
"JACE!! BUMABA KA NGA DITO ISAMA MO SI YOHAN! NANDITO NA SI TRIXIE!!!" sigaw nyang muli, hindi ba sumasakit lalamunan netong si Bri?

Nang makababa si Jace at Yohan ay gaya ni Bri ay napasigaw si Jace ng nakita nya si Alexis.
"WHAT THE FISH?!!! ALEXIS?!" sigaw ni Jace at sumulyap ako kay Alexis, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"Yeah?" patanong na sabi ni Alexis at umupo muna kaming lahat sa lamesa saka binuksan ni Bri yung dalang pizza na dala namin.
"Wait? How did you two meet each other?" tanong agad ni Jace at sumulyap muna sakin si Alexis at binigyan ko sya ng ikaw na magsabi look kaya tumingin muna sya kay Jace at Bri bago magsalita.

Alexis' POV

Sabi na eh magtatanong to si Rohan hayst! Pero wala akong choice kundi sagutin ang tanong nya dahil tumingin sakin si Trixie na para bang sinasabi nya na ako daw ang mag kwento saka ako tumingin muna kay Rohan at Brianna.

"I-it's all started in the party. Anniversary ng kompanya mo non diba? Kaya yung hotel ko ang nirentahan mo, well, n-nakita ko kasing ka-kasama ni Brianna non si Trixie at na....... na lo-love at fi-first sight ako hehe" sabi ko habang nauutal, tangina bat ba ako nauutal? Eh hindi naman yun ang una kong kita kay Trixie tss, sa kalsada yon! sabi ng utak ko at palihim akong napamura.
"Then?" tanong din ni Brianna
"Then diba umalis sya non sa party, sinundan ko sya non at nagka usap kami hanggang sa tuliou tuloy na, niligawan ko sya at sinagot naman nya ako pero ngayon ay mapapangasawa ko na sya" diretso kong sabi at lalo silang nagulat na mag asawa.
"YOU TWO ARE GETTING MARRIED?! OW SH-" hindi na natuloy ni Rohan ang sinasabi nya dahil tinakpan agad ni Brianna ang kanyang bibig.
"Ano ba, Jace?! Magmumura ka na sa harap ka ng anak mo at sa harap ng pagkain?! KONTING RESPETO NAMAN!" galit na sabi ni Brianna at napailing lang kami ni Trixie. Nag sorry naman si Rohan at tumingin muli sakin
"Dude, we didn't know na dinidiskartehan mo na tong si Trixie. Pero madalas tayong nagsasama sa mga meeting bat hindi mo binanggit?" tampong sabi ni Rohan. Totoo yon, madalas kaming mag sama sa meeting, eh ayaw pang ipaalam non ni Trixie kaya hindi ko sinasabi.
"Ayaw nya munang ipaalam" sabi ko sabay turo kay Trixie.
"Gusto ko lang masorpresa kayo HAHAHAH" natatawang saad naman ni Trixie
"Yeah, na surprise kami HAHAHA by the way, kelan ang kasal nyo? Are we invited?" tanong ni Brianna
"Oo naman, ikaw pa ba ang mawawala eh abay kita HAHAHAHAHAH" sabi ni Trixie
"Before this month ends, magpapakasal kami ni Trixie. May kailangan lang muna akong tapusin. Padadalhan ko nalang kayo ng imbitasyon" sabi ko at nag kwentuhan nalang kami.
Si Trixie naman ay nilaro muna si Yohan. Nagpalipas nalang muna kami don ng oras ni Trixie dahil mga 11 am ay aalis kami para ma meet ung isang investors.

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now