Chapter 21

4 1 0
                                    

Trixie's POV

Nagising ako sa pagtawag sakin ni Alexis, sobra pa akong inaantok dahil bitin na bitin ang tulog ko. Bandang alas otso na kami naka uwi, binaba nya lang yung ibang gamit at dinala sa sala. Papasok daw sya sa trabaho kaya maiiwan akong mag isa dito sa bahay. Sabi nya ay matulog nalang daw ako pero tumanggi ako at sinabing maglilinis nalang. Umakyat na sya sa kwarto para maligo at magbihis, wala pang sampung minuto ay tapos na sya. Nagpaalam na sya sakin at hinalikan ang aking noo, pisngi at labi. Pagka alis nya ay umakyat muna ako sa kwarto para maligo, pagkatapos ko ay bumaba na rin ako dahil maglilinis nga ako. Pero wala naman akong makitang marumi kaya naman nagbasa nalang ako.
Ilang saglit pa ay naboboring talaga ako, kaya naman umakyat muna ako sa kwarto at natulog.

Bandang alas onse na akong nagising, at shocks dito pa ako nakatulog sa sala pero okay lang ang mahalaga ay hindi na masakit ang ulo ko. Nagmumog lang ako saglit at nagtingin sa ref ng kakainin dahil nagugutom na ako. Naisipan kong magluto nalang ng pancit canton at gumawa ng mango shake, pagkatapos kong magluto ay bumalik ulit ako sa sala at nanood ng TV, sakto namang tumawag si Alexis.
"Darling, are you okay? What are you doing now?" sabi ni Alexis at napa buntong hininga, may problema ba to?
"Hmm, okay lang ako. Kagigising ko lang kumakain ako ngayon ng pancit canton at mango shake. Kumain ka naba?" tanong ko dahil ramdam ko ang pagod nya.
"Yeah, katatapos ko lang baka hindi agad ako makauwi at makasabay sayo sa dinner napakarami kong kailangang gawin at tapusin. I'm feel so drained now" sabi nya sa malamyang tono.
"Gusto mo bang pumunta ako jan? Magluluto lang ako para mahatiran kita ng pagkain" sabi ko
"No, jan ka lang. I'm okay I'm just tired and drained. Don't worry, okay? Uuwi ako jan siguro mga alas onse na ng gabi. I just need to finish some paperworks" sabi nya at medyo nalungkot ako pero uuwi naman daw sya hihi
"Okay, inom ka ng kape. Kumain ka wag mong pabayaan sarili mo, pakakasalan pa kita" sabi ko habang natatawa. Kinilig kaya sya?
"Bumabanat ka na ng ganyan ah, but anyway, thank you. Ikaw rin kumain ka mamaya, wag kang lumabas. Babye na, iloveyou" sabi nya at sinagot ko nalang sya ng iloveyoutoo at binaba ko na ang tawag. Ano kaya ang pwedeng gawin? Maaga pa naman.

Ayaw naman ni Alexis na lumabas ako, psh! Pero ayaw ko din naman lumabas, hayst ano gagawin ko?!!! Malinis naman kasi halos yung condo nya! Umupo na lang ulit ako dito sa couch na nasa sala at nag iisip ng pwedeng gawin, tawagan ko kaya si Bri? Ay hindi pwede baka bigla nya akong papuntahin don. BAWAL NGA PALA AKONG LUMABAS!
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatanga sa TV pero bigla kong naisip na mag drawing nalang. Mahilig akong mag drawing dati nawala lang dahil kila Ate. Kaya naman kumuha ako ng limang bondpaper at art materials para masimulan ko na ang drawing.

Nasa kalagitnaan ako ng pag drawing ng marinig ko ang doorbell, kaya dali dali akong pumunta don at sinilip ko muna kung sino yon. Dalawang matanda, isang babae at isang lalaki pero hindi naman ganun katanda. Maayos din ang kanilang mga postura na animo'y galing sa mayaman na pamilya. Binuksan ko ito at nagulat sila.
"WHO ARE YOU?! AND WHAT ARE YOU DOING HERE?!" sigaw sakin ng matandang babae at sinugod ako. Inawat naman sya agad nung matandang lalaki ako naman ay tumayo muna. Naiiyak ako dahil ang talas ng kanyang mga kuko. "WHAT?! YOU ARE CRYING, HUH! ANSWER ME! WHO THE HELL ARE YOU AND WHAT ARE YOU DOING HERE?!!!" sigaw nyang muli kaya naman napa angat ako ng tingin sa kanya.
"A-ako po si T-trixie, Ma'am. Girlfriend po ni Alexis" sabi ko at nakita ko ang gulat sa kanilang muka. Sino ba tong mga to?
"You are Trixie? Our SON'S girlfriend?" sabi ko at nanlaki ang aking mga mata sa narinig. ANO DAW?! SON????? Ibig sabihin, mga magulang to ni Alexis??!!!!
"O-opo" nakayuko kong sabi at nagulat ako ng hapitin niya ang aking braso at niyakap ako.
"I'm so sorry, I didn't know that you are his girlfriend and soon to be wife of our son." sinseridad nyang sabi at humiwalay sakin ng pagkayakap kaya naman ngumiti ako sa kanila.
"It's okay, Ma'am. It happens all the time, tuloy po kayo" sabi ko at niluwagan ang pinto para makapasok sila. Nang makaupo kami ay inalok ko naman sila.

"Gusto nyo po bang kumain? or inumin po?" tanong ko habang nakangiti.
"Sure, we heard kay Alexis na masarap kang magluto. Pwede mo ba kaming lutuan? Hindi talaga kami kumain para matikman ang luto mo" sabi nya sakin at akmang tatayo na ng pigilan nya ako "Hindi pa pala kami nagpapakilala sayo, iha. I am Arina and he is my husband, Lance. We are Alexis' biological parents" sabi nya at nakipagkamay ako sa kanila habang nakangiti "Tawagin mo nalang kaming Mommy at Daddy, dahil mapapangasawa mo naman ang aming anak na si Alexis" dagdag pa nya at tumango ako.
"Sige po, Mommy, Daddy hehe magluluto lang po ako. Wait lang po" sabi ko, naiilang akong tawagin silang Mommy at Daddy. Hayst bigla ko tuloy na miss si Mama at Papa.

Tumungo nalang ako sa kusina at nagsimula ng magluto.

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now