Chapter 29

4 1 0
                                    

Alexis' POV

Magmula na mangyari ang insedenteng iyon kay Trixie ay hindi pa rin sya gumigising, nagpapalitan kami dito nila Mom ng pagbabantay sa kanya minsan ay pumupunta sila Brianna dito para dumalaw. Halos dalawang araw na syang walang malay, at sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala akong ibang ginawa kundi magtrabaho at manalangin kay Lord na buhayin nya si Trixie. Nalaman ng mga magulang ni Shantal ang nangyari kaya galit na galit sila pero bago ko isauli sa kanila si Shantal ay pinaghanap ko muna sila ng donor para maisagawa na ang heart transplant para kay Trixie. Yung hilaw nyang mga kapatid ay pinakulong namin pagtapos muna naming pahirapan. Si Shantal ay inilayo na ng mga magulang nya at dinala sa ibang bansa para doon gamutin dahil sa tingin nila ay nasisiraan na ng ulo ang kanilang anak. Si Trixie naman ay medyo gumagaling na ang iba nyang mga sugat at kahapon ay sumailalim sya sa heart transplant kaya naman natutuwa kami. Naitanong namin kung bakit hindi pa sya gumigising pero ang sabi ng doktor ay masyadong maraming lakas ang nawala sa kanya.

Nandito ako ngayon sa ospital ako ang nagbantay sa kanya mula kanina pang umaga hanggang ngayong hapon, nakaupo lang ako sa gilid nya habang tinitingnan ang daliri nya na at napa ngiti ako dahil nandon pa din ang singsing.
"Gumising ka na jan, Darling. It's been two days now. Mamamasyal pa tayo oh? Pano na tayo nyan makakasal kung nandito ka pa?!" sarkastiko kong salita at hinalikan sya sa noo.

Trixie's POV

"Gumising ka na jan, Darling. It's been two days now. Mamamasyal pa tayo oh? Pano na tayo nyan makakasal kung nandito ka pa?!" sarkastikong sabi ni Alexis at naramdaman ko ang pag dampi ng kanyang labi sa aking noo. Sandali, two days?! Two days na akong walang malay?!!!
Dahil sa pagda drama ni Alexis ay naigalaw ko nang bahagya ang aking mata at nakapagsalita kahit papaano.
"A-alexis?" sabi ko at nagulat pa sya dahil naimulat ko na ang aking mata. "What?! Call a doctor now!" bulyaw ko sa kanya at nanatili pa rin syang gulat
"A-are you f-for real? Gising ka na?" utal nyang tanong at nangunot ang aking noo.
"Ayaw mo ba akong gumising? Parang kanina lang nagda drama ka jan!" singhal ko sa kaniya at natauhan na siguro kaya mabilis syang tumawag ng doktor.
"She's completely okay and healthy now, kahit maya maya ay pwede na syang umuwi but she needs more a rest, okay?" sabi ng doktor habang nakangiti. Tumingin muli sa akin ang doktor at nginitian ko to, nang sumulyap ako kay Alexis ay ito na naman ang kanyang madilim na awra. Kahit kelan napaka seloso! Pagka alis ng doktor ay tumingin sya sakin.
"Bakit kayo nag ngitian?" sabi nya habang nakakunot ang noo.
"Natural, nginitian nya ako kaya nginitian ko din sya" sabi ko naman at nakita ko ang pagtaas ng kilay nya sakin.
"Oh eh di kayo na lang ang magpakasal! Maging masaya ka sana" sabi nya at akmang tatayo na sya ay pinigilan ko.
"Hoy Alexis Sun Nicholas! Pwede bang wag ka munang mag drama ngayon, ha?! Tingnan mong hindi pa ako masyadong magaling eh da dramahan mo ko ng ganyan! O sige tawagin mo yung doktor at iharap mo sakin sasabihin kong magpakasal na kami!" panernermon ko sa kanya at natigilan naman sya sa sinabi ko.
"Hehe sabi ko nga akin ka lang, Darling. Nagagalit ka kaagad eh" sabi nya at nag peace sign.

Maya maya lang ay matapos asikasuhin ni Alexis ang bills ko ay umuwi na kami, tinawagan nya si Bri at ang Mommy nya upang ipaalam na ngayon na ako lalabas ng ospital. Masaya ako dahil muli ko silang makakasama at makikita bago kami ikasal netong mokong na to. Alam kong iba na ang puso ko ngunit hindi iyon nagbago ng nararamdaman ko kay Alexis. Sya pa rin mula noon hanggang ngayon.
Nang makauwi kami ni Alexis ay sya na ang nagbitbit ng mga gamit ko, hindi nya ako pinapakilos. Sandali akong napaisip dahil magtatapos na ang buwan, YUNG SAHOD KO!
Kaya naman pagpasok ni Alexis ay inilahad ko ang aking kamay. Kunot noo naman nya iyong tiningnan
"What?!" irita nyang sabi at inirapan ko naman sya
"Magkakatapusan na ng buwan, nasan na yung sahod ko?" inosente kong tanong at bahagya syang natawa kaya kinuha nya yung wallet nya at saka ibinigay sakin napakaraming cards. Anong gagawin ko dito?!
Ku ot noo ko naman syang tiningnan at tinawanan lang ako!
"That's all I have. Lahat yan may pera at dahil mapapangasawa na kita ay sayo na yan lahat, pati bank accounts ko sayo na." sabi nya at nanatiling naka kunot ang noo ko
"Bibigyan mo ko ng ganito eh hindi naman ako marunong mag withdraw na sinasabi mo! Cash mo na lang kasi!" reklamo ko sa kanya at hinapit ang aking bewang dahilan para mapasandal ako sa kanyang dibdib. Awit na lalaking to!
"I don't have any cash here, bukas lalabas tayo at mag grocery bumili ka ng mga gusto mo. Kahit ano, gusto mo pati buong mall ay bilhin mo na" sabi nya habang natatawa. Inirapan ko naman ito, bakit ba ang sungit ko ngayon?

Nasa ganung posisyon kami nang biglang pumasok ang mga magulang nya kasama si Alesander. Bahagya ko namang naitulak si Alexis dahil nagulat ako, sya naman ay nangunot lang ang noo, pinapasok namin sila at ang kanya kanya silang may dalang pagkain pero halos doon ay prutas. Ilang minuto lang ang lumipas ay pumunta rin dito sila Bri at Yohan, hindi daw nakasama si Jace dahil may business meeting itong pinuntahan, may dala rin silang pagkain at masaya kaming lahat na pinagsaluhan yon.



*A/N
-one chapter to go and epilogue na HAHAHHA
Next chapter ay kasal na sila Trixie at Alexis, pasensya na po kung hindi ko naisama kung paano sila nagpalitan ng vows, hindi ko din kasi alam kung paano sisimulan HAHAHAHAHA pero pag aaralan ko po

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now