Chapter 2

6 3 0
                                    

Trixie's POV

Sa ilang buwan kong pakikitira kay Bri ay hindi na bago sakin ang eksenang ako ang maglilinis, magluluto at kung ano ano pa. Wala naman akong naging reklamo dahil malaki ang pasasalamat ko sa kanya, ngunit minsan ay tinutulungan nya ako. Nakilala ko si Jace na boss nya, sya yung kinakatakutan ko ngunit hindi naman pala sya nakakatakot bagkus ay napaka bait nito.

Ngayong araw ay niyaya ako ni Bri na pumunta ng party na gaganapin sa Nicholas' Hotel and Restaurant dahil doon daw magdadaos ng selebrasyon ang kompanya na pinapatakbo ni Jace.
Nakita ko naman ang aking susuotin ngunit hindi ako kumbinsido dahil napaka ikli nito ngunit sa huli ay napapayag ako ni Bri at may pakiramdam din akong makikita kong muli ang lalaking matagal ko ng inaantay.
Hindi ko pala nasabi kay Bri na kinuha ko ang kanyang pera sa taas ng aparador upang makabili ng inhaler. Ngunit sinabi ko ito sa kanya nang makapasok na kami sa loob.
Napakaraming tao halata sa kanila ang pagiging mayaman.

Sa aking paglilingon ay nahagip ng aking mga mata ang isang lalaking seryoso, maputi, mataas na ilong, matangkad at natural nitong pula ng kanyang mga labi. Hindi ko ito pinansin at kumuha nalang ng pagkain, ngunit sa pangalawang pagkakataon ay dumating si Jace sa aming lamesa at kasama nito ang lalaking nakatingin sakin kanina. Agad naman akong nahiya kaya napayuko ako, ngunit nag angat din ako ng muka nang ipakilala ni Jace ang lalaki. Mataman itong nakatitig sakin na para bang kilala nya ako. Nagulat ako sa kanyang pangalan sapagkat may nagsasabi sakin na ito ang lalaking matagal kong hinahanap.

Alexis Sun Nicholas iyan ang kanyang pangalan paulit ulit ito sa aking pandinig, pinakiramdaman kong muli ang aking puso at napakalakas ng kalabog nito. Nagpaalam ako kay Bri na lalabas muna dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maayos, dali dali akong tumayo at naguumpisa nang bumigat ang aking paghinga ang aking mga mata naman ay nanlalabo na. Kinuha ko sa aking bag ang inhaler, at tinapat sa aking bibig. Bago ako matumba, ay may sumalo na sa akin naaninag ko pa ang kanyang muka bago tuluyang magsara ang aking mga mata. Alexis.

Paggising ko ay nasa ibang kwarto ako, ngunit wala naman akong naramdamang kakaiba at kumpleto pa naman ang aking suot.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya sakin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Nagugutom ka ba?" tanong nyang muli at ako naman ay umiling.
"Nagsasalita ka naman diba?" sabi nya at bakas ang pagka inis sa kanyang boses. Muli akong tumango.
"Magsalita ka kasi!" galit nyang sigaw kaya naman ay tinakpan ko ang aking tenga. At umiyak.

"Hindi! Tama na, Ate wag mo kong saktan!" sabi ko habang umiiyak totoong sinaktan ako ni Ate Tina dahil kinain ko ang kanyang pagkain dahil sa gutom. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko ang mainit nyang bisig sa akin. Ni-niyakap nya ako?

"Sshh, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka, gusto ko lang marinig ang boses mo. Now tell me, ano ang nangyayare sayo?" marahan nyang tanong habang hinahaplos ang aking likod.
"May asthma ako kaya pasensya na kung naging pabigat pa ako sayo" turan ko sa kanya habang nakayuko, inangat nya aking baba dahilan para mapatitig sa kanyang muka.
"Huwag mong isiping pabigat ka dahil lang may sakit ka, okay? Be strong, nandito lang ako" sabi ni Alexis saka muli akong niyakap.
"A-ano pala ang pwede kong itawag sayo?" tanong ko sa kanya
"Lexis, tawagin mo kong Lexis" sabi nya at marahan akong hinalikan sa noo. Napakasarap sa pakiramdam.

"Alam mo bang ikaw palang ang lalaking gumawa sakin ng ganto? Yung mga nanligaw kasi sakin noon, inayawan ako dahil sa sakit ko. Kaya maiintindihan kita, kung isang araw hindi ka na sakin magpakita" ngumiti ako sa kanya ng pilit ngunit bakas sa aking boses ang lungkot.
"Paano kung hindi kita iiwan?" tanong nya
"Malabo yan, Lexis. Kung yung mga kapatid ko nga ay pinalayas ako dahil sa sakit ko. Ikaw pa kaya" sagot ko sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nakita ko ang pagkagalit sa  kanyang mata.
"Pinalayas ka nila, dahil lang sa may sakit ka? Nasaan ang mga magulang mo?" tanong nya
"Mula nang mamatay sila Mama at Papa, pinalayas na ako ni Ate at Kuya, ayaw daw nila akong alagaan dahil pabigat lang ako at gastusin pa daw. Alam ko namang mula ng isinilang ako ay iba ang kanilang tingin sa akin. Kaya lumayas ako dala ko lang ang sarili ko, hindi nila ako pinabitbit ng kahit na ano kasi wala naman daw akong karapatan" mahabang turan ko sa kanya at niyakap nyang muli ako.

"Hindi kita iiwan, Trixie. Napakabuti mo para ganunin ka nila. I am here, Trixie, I am here. Kung sakaling ayawan ka nila, lapitan mo ko handa kitang mahalin nang higit pa sa inaasahan mo" sabi ni Lexis at hinalikan muli ako sa aking noo.

Rising Sun (Completed)Where stories live. Discover now