3

34 18 5
                                    

Teenage Dream? More Like Esmael's Dream.

Nakahiga lang ako sa kama, nagmumuni-muni habang pinipilit kalimutan 'yung kumag kong ex na hindi marunong maghugas ng plato. Napa-roll eyes na lang ako sa memorya niya, sabay nilingon ang cellphone kong biglang nag-vibrate.

Esmael Craulen Asuarez sent you a friend request.

Napaupo ako nang biglaan, parang kinuryente. Teka—ha? Si Esmael?

Hindi ko alam kung anong mas mabilis; tibok ng puso ko o internet speed ng notification na 'yun. Nanlaki mata ko, napatigil ako sa pag-scroll at agad na pinindot ang "Accept." Mahirap na. Baka mamaya aksidente lang, at least safe ako. Sayang 'yung pagkakataon.

Pagkatapos ko siyang i-accept, hindi na ako nakatiis.

Agad kong pinindot ang kanyang pangalan at binuksan ang profile niya—dahan-dahan, parang may kasamang kaba at kilig. Akala mo naman kung anong life update ang mababasa ko.

Pero hindi ako na-disappoint.

Simple lang ang profile picture niya—black and white close-up na kuha sa side, yung tipong hindi masyadong effort pero damn, ang lakas maka-“pang-Dior campaign.” Medyo nakayuko siya, naka-sidelook, hawak ang gitara. Walang porma, walang filter. Pero nandoon ‘yung impact. The kind of face you'd pause at while scrolling, not because it's trying hard to impress, but because it's effortlessly striking.

Sa cover photo naman, naka-flatlay ang gitara niya. May mga punit-punit na papel na may chords at lyrics sa gilid. May isang bukas na notebook, may mga underline, and a pen resting on top.

Napakabihirang mag-post ni Esmael. Pero kapag nagpopost siya? Laging may depth. Laging may laman.

Isang video na tumutugtog siya ng acoustic version ng isang foreign song, caption lang niya “One take. Raw. No edits.” Ang galing. Tapos ang dami agad reacts. Puro “woah,” “galing mo,” “idol!” comments. And still, wala siyang reply kahit kanino. Mysterious. Cold. Chill.

Pero habang nag-i-scroll ako, napansin kong may iisang consistent presence sa feed niya—ang nanay niya.

Lahat ng achievements niya, sinisigaw ng nanay niya sa Facebook. Tipong "Proud mom here! Congratulations to my son Esmael for being awarded with Highest Honors!" May collage pa ng certificates, medals, at photos niya habang tumatanggap ng award.

Grade 7 to 10 — consistent valedictorian...

School event champion...

Best in Filipino Essay Writing Contest...

Champion sa Gen Math Quiz Bee...

Titleholder sa Impromptu Speech Competition...

Minsan pa nga may post ang mom niya na naka-tag sa kaniya, “You never fail to amaze me, anak. Your voice and your heart are both beautiful. Mom’s always proud.”

Ang dami. As in, nangalay na lang ang daliri ko kakascroll. Tila ba kada tagumpay ng anak, may kasamang fireworks ang timeline nila.

Ang lungkot, pero totoo—nainggit ako.

Bigla akong napaisip habang hawak ang phone. What would it be like kung ganoon din ang mama ko? Kung may magpo-post din tungkol sa akin, not because she’s proud of my grades, but just because she’s proud I exist?

Hindi ako naghahanap ng parangal, gusto ko lang sana ng yakap. Ng effort. Ng kaunting atensyon.

Pero heto ako, tahimik na nanonood ng buhay ng iba. ‘Yung tipong hindi ako kasali pero naaapektuhan.

Two Sides of LoveWhere stories live. Discover now