Always a 'sister' but never a 'daughter'.
Naka-uwi na ako ng bahay around 7:30 pm, as usual nasa dining table na si mama at hinihintay ako.
Agad hinanap ng nga mata ko ang kapatid ko dahil parang wala atang sumalubong sa akin ngayon na makulit.
"Ate El!"
"Brayden!" Sabay yakap, walang salita, walang kung ano mang ingay ang narinig ko nang yakapin ako ni brayden.
Nang kumalas na ako sa yakap niya, agad kong ginulo ang buhok nito at nag mano kay mama.
Bakas sa mga mata nito ang inis, mukang kailangan kong ihanda ang sarili dahil mahaba-habang bangayan na naman 'to na ang ending......Ang ending hindi rin naman niya ako papaniwalaan, hindi niya naman ako bibigyan ng oras para magpaliwanag.
Wala naman akong boses dito sa bahay
Buo nga kami pero nakakatawang isipin, maraming may pangarap na magkaroon ng isang buong pamilya pero akong mayroong buong pamilya, tila pagod na kakakumbinsi sa sarili na ito ang pamilyang gusto ko.
Ang pamilya pala, hindi lang binubuo ng Nanay, Tatay, Ate, Kuya at bunso. Ang pamilya pala'y dapat binabalot ng pananalig at pag-mamahal.
Doon siguro ako nag-kamali, akala ko noon basta kumpleto kami, masaya. Basta kumpleto kami, pamilya na kami.
"Ang kapal na naman ng lipstick mo, Elia!" bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang malakas na bulyaw ni mama
Yea, I guess Im nothing without me being a fucking sister!
I cried. Right after she said that I cried. I've been holding this heavy heart for a long time and now it burst and I cant do anything but to keep on bleeding.
I bleed and I bleed and bleed and bleed till there's no more blood and all that's left is tears.
Their sharp words caged me for years. They caged me. And I had to fool and manipulate myself, thinking that if I follow them, they'll love me as their daughter and not just because I am my siblings sister.
For god sake! I killed my own life! I stitched my lips to avoid myself from any voice that may come out in my mouth. God knows, he knows kung ilang beses ko siya tinawag, he fucking know!
"M-Ma... Akyat na po A-Ako ng kwarto ko, b-bukas nalang po.." Nauutal utal kong paki-usap. Binura ko rin ang makapal kong lipstick.
Hinalikan ko muna si brayden sa noo at saka pumanik sa aking kwarto.
Hinayaan ko ang sariling ibagsak ang katawan sa aking kama. Nakatulala lamang ako sa kisame, hindi ko alam kung manhid na ba ako o coping mechanism ko lang 'to para i-distract ang sarili sa sakit.
Nasa ganoong sitwasyon ako nang mag ring ang cellphone ko.
Louise Marielle
Te, free kaba? Arat ice cream? : )
They say when we indulge in ice cream, our brain's reward system gets activated. it can boost our mood! So, arat?I smiled widely right after I've seen here messages.
This girl, she never failed to turn my bad days in to a day to remember type of day.
Elia Cliteria Adriano
Let's g!-ˋˏ✄┈┈┈┈
"Tails kapag babalikan kapa ng gago mong ex!" Pangungutya ni Louise.
Nandito na kami ngayon sa loob ng 7/11, nakakahiya dahil nangingibabaw ang boses nitong babaeng 'to! Anong oras pa naman na at paniguradong iritado na ang nga staff ng store na 'to.
"Hindi ko na nga 'yon babalik-"
"heads!" Bulyaw ni Louise kaya ko naman agad tinakpan ang kanyang bibig.
"Kahit mag tails pa 'yan, hindi na kami mag babalikan ng ugok na 'yon! Gising na gising na 'ko oh, gising na!" anas ko habang umaarteng sinasampal ng mahina ang sarili.
"Dapat lang, Eliah! Aba, baka gusto mong ingudngod ko 'yang gago na 'yan sa ice cream!" Sino pa ba ang mag sasabi nito? Edi si Louise!
Naka ilang kain ako ng cornetto, dahil siguro gustong gusto ko talaga mabago ang mood ko! At bukod pa doon, masarap naman kasi lalo na 'yung cookies and cream.
"Te, salamat ah? Alam kong ako lang ang sweet sa ting dalawa pero i love you!" Pag papasalamat ko sa kaniya.
Alam kong ilang beses na niya ako niligtas, minsan nga hindi na ako nagk-kwento dahil iniisip kong marami na din siyang laban at problema na sinasarili niya at ayaw ko nang dumagdag pa doon.
"Oo, sweet ka! Sa sobrang sweet mo 'di mo nahalatang niloloko ka na" pang aasar pa nito
Hindi man lang nag i love you too 'tong babaeng 'to!
"Alam mo ikaw binigyan mo pa ako ng responsibilidad dahil sa panyong binigay mo sa akin" pag sisimula ko ng usapan tungkol kay El
"Sabe kasi El daw eh ikaw lang naman kilala kong-" agad niyang naputol ang kaniyang sasabihin na para bang may naalala siya
"Putcha! Kay esmael yon!" Sigaw nito nang mapagtanto niya kung sino ang may ari nung panyo
Esmael?
"Sino ba 'yon?" Nagtatakang sagot ko.
Bakit ba ganon ang reaksyon niya? Parang may napagtanto siya at mistulang gulat na gulat. Pero sa kabilang banda ay kita ang excitement sa mga mata nitong babaeng 'to, tangina ang gulo!
Sino ka ba talaga, Esmael?
𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟
![](https://img.wattpad.com/cover/371622144-288-k153298.jpg)
YOU ARE READING
Two Sides of Love
No FicciónShe flips coins to decide, he crafts his own fate; can their love find a middle ground, or will destiny's coin toss tear them apart?