9

22 16 11
                                    

“Akala ko di ka papasok today, late ka ah,” bungad ni Louise pagkaupo ko.

“Daming hugasin sa bahay,” sagot ko habang binubuksan ang notebook ko.

“Sana hinugasan mo na rin ‘yung pagkatao  ko,” dagdag pa niya habang nilalagay ang blush niya gamit ang pinky finger lang.

"Nako, wala nang lunas na makakapagpalinis diyan" hirit ni Da.

"At least kaya kong mag move on! Di tulad ng isa diyan.... 4 years na nakakalipas di pa rin nakakausad..." Sagot naman ni Louise habang nakatingin parin sa maliit na mirror niya at nag reretouch.

"Ulol!"

Umupo si Darryle sa tabi ko, nakikibasa na naman ng notes. “Buti pa sulat mo ang ganda, parang gawa ng scholar na laging puyat.”

“Nangbola pa! Sige na, komopya ka na” anas ko

"Yung iba kasi diyan, ang pangit ng sulat, parang chinese eh" pang aasar ni Da na agad namang tinarayan ni Louise.

Ngumiti ako nang bahagya. Ganito kami. Tahimik minsan, kwela rin kapag may time.

Napansin ko lang tama si Louise... ever since Aianna, wala na akong narinig tungkol sa totoo niyang nililigawan. Puro flings. At ‘pag may babae man siyang kinakausap, hindi umaabot ng isang linggo. Minsan nga hindi ko na alam kung may pangalan ba sila.

“Da,” tawag ko, casual lang.

“Hmm?”

“Okay ka lang lately?”

Nagkibit-balikat siya. “Yessir. Chill lang.”

Pero ramdam ko, may tinatago siyang hindi niya pa kayang sabihin. At gaya ng dati, hindi ko siya pipilitin. Ang alam ko lang, may naputol sa kanya nung si Aianna ang nang-iwan. At kahit pa hindi na niya binabanggit ang pangalan, alam kong ang bawat ‘hindi seryoso’ niyang fling—ay isang pagtatangkang maka-move on na hindi gumana.

-

Later that day... sa hallway

Naglalakad kami palabas ng classroom. May bibilhin sana kami sa canteen when I stopped. Parang nanigas ang buong katawan ko.

“El,” tawag ni Louise, pero hindi ko sumagot agad.

Dahan-dahan akong lumingon sa may dulo ng corridor—and there he was. Zayvien. Nakatayo, parang wala lang. Relaxed. Walang effort. Naka-sling bag sa balikat, hawak ang phone pero hindi naman tumitingin. Nang magtama ang mga mata namin, ngumiti siya. ‘Yung tipong alam mo ‘yung ngiting alam mong may pinanggagalingan.

At doon ko naramdaman ‘yung inis.

“Tangina, ngumiti pa,” bulong ni Louise sa gilid ko. “May gana pa siyang ngumiti?”

Da chuckled under his breath. “Chill lang, baka may joke lang na naisip sa utak niya.”

“Wala naman siyang utak,” balik ni Louise. “Wala rin siyang karapatang ngumiti sa kaibigan ko.”

Tahimik lang ako. Hindi ko siya nilapitan. Hindi ko siya kinausap. Hindi ako ngumiti pabalik.

“Hayaan mo na,” sagot ko, pero halatang bitter pa rin ang tono ko.

Si Da naman, nanunukso ng mahina. “Mukhang na-miss ka, El. Joke lang.”

“Baka kotongan ko siya,” dagdag ni Louise habang naglilibot ng tingin sa mga tao sa hallway. “Let’s go. Gutom na ako, gusto ko ng chicken steak pero ‘yung gravy na malapot.”

“Gusto mo rin ng chicken na malambing?” tanong ni Da.

“Pwede, basta ‘di mo kamukha.”

Tumawa ako nang mahina. Minsan di mo na kelangan ng comedy bar. Sapat na sina Louise at Darryle.

Two Sides of LoveWhere stories live. Discover now