It's been a month since Louise and I last talked, she started avoiding me for some reason and I did my very best para maayos, para makausap siya.
Pero kahit anong gawin ko marami siyang inirarason, kesyo 'busy ako eh' o hindi naman kaya'y 'not now, marami akong isipin' pero ang madalas na irason niya sa akin ay 'next time na lang'
May parte sa sarili kong hindi matanggap, For fuck sakes, we've been bestfriend for 5 years! Simula junior high ay kasama ko na ang babaeng iyon, I can't imagine that we'll end up losing our spark as mag bestfriend.
Today, 1 month na kami ni Esmael, so far wala namang problema at masaya kami. Next week na rin ang graduation at malungkot isipin na gra-graduate akong hindi kami maayos ni Louise.
I should be happy dahil ang saya saya ng relasyon namin ni Esmael, he's always there to comfort me lalo na pag namimiss ko si Louise o di naman kaya'y kapag nag memental breakdown ako dahil sa mga magulang ko.
Hindi pa rin kami maayos nina mama at papa, we're not talking and we're acting as if we're strangers sa isa't isa sa loob ng bahay.
Minsan nakokonsensya na rin ako dahil pakiramdam ko dagdag isipin lamang ako ng nobyo ko, although never siyang nag reklamo dama ko rin na these past few days, lalo akong nagiging emosyonal.
Eventually, me and Wella got close. Buti ay kahit wala si Louise, nandyan siya. Siyempre, iba pa rin ang girl to girl talk! May kasama kang tumingin ng make ups, damit or anything that involves pagiging kikay.
Si Wella rin ang takbuhan ko kapag nag-aaway kami ni Esmael. One thing about her is she's not biased, unlike my bestfriend Louise, lagi ako non kinakampihan kahit minsan ay mali ako.
Wella is neutral, kumbaga, mag bibigay siya ng opinyon at advice base sa nakikita niyang problema na dapat ay punahin, dapat baguhin at dapat i-improve, she is so matured when it comes to advice.
No wonder bakit walang problema sa relasyon nila ni Keige, or so I thought?
I stayed in to Esmael's house. Simula nang nagkasagutan kami ng mga magulang ko, they never controlled me anymore kumbaga nawalan na sila sa akin ng paki. Mag iiwan na lamang sila ng allowance kay kuya upang ibigay iyon sa akin.
I was in Esmael's room, kakauwi lang namin galing sa mall, we watched Spider man no way home, paborito kasi namin dalawa ang spider man.
Naliligo si Esmael sa cr sa loob ng kwarto niya habang ako ay nakahiga sa kama at nag cecellphone. I stalked my account, puro pictures namin ni Esmael at Wella ang laman ng feed ko.
Ito yung nag swimming kami sa pool ng villa nila Keige, malaki ang bahay nito at maganda. Matatanaw mo talaga ang nature. Esmael took the picture of us havang nag seselfie!
YOU ARE READING
Two Sides of Love
Non-FictionShe flips coins to decide, he crafts his own fate; can their love find a middle ground, or will destiny's coin toss tear them apart?