"El, sa'yo ata 'tong panyo" nag-mamadaling abot sa akin ni Louise, may hinahabol daw kasi siyang oras dahil may part time job siya ngayon.
"T-Teka!" Bago pa 'ko makapag salita ay tumakbo na 'to papalayo habang sukbit sukbit ang bag niya.
E.L.A
Kanino kaya 'to? Wala naman kasi akong panyo puro bimpo lang. Pero nakakapag taka kasi parehas kami ng initials? O baka naman nagkataon lamang? Baka pangalan 'to? Nilagyan lang ng dots?
putangina, kanino kaya 'to? pinagt-tripan ba 'ko ng mundo?! Porke ba alam nitong namumugtong ang mga mata ko kaka-iyak sa cheater kong ex?!?!
Iniwan ako ngayon ni Louise sa harap ng room na nakatulala habang hawak hawak ang panyong may initials na E.L.A
Nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig ko ang isang matinis na boses ng isang babae, maliit ito, kayumanggi at bilugan ang mga nata nito. Mahaba ang mga buhok at naka side ang bangs.
"Lagi mo nalang nawawala panyo mo! Napaka burara talaga nitong lalaking 'to!" Panenermon niya habang naka-pamewang sa harap ng isang lalaking medyo kulot ang buhok, maputi, mapungay ang mga mata, makapal ang kilay, matangkad at mukang masungit. Nakayuko lang ito at sa kaliwang kamay niya mayroon siyang hawak hawak na gitara.
Teka! Sakanya ba 'to? Naknang! Nag-karoon pa 'ko ng responsibilidad! Imbis na uuwi na 'ko mukang matatagalan pa 'ko dito. Naku! Malamang yari ako nito sa nanay ko.
"Can you please not stress yourself over a handkerchief, Wella?" Mahinahon nitong tugon sa mga sermon sa kaniya ng babaeng nasa harap niya.
Mukang away mag syota pa 'to! Isipin tsismosa pa ako, eh.
"You know what? Im going home na, I cant take it anymore! You and your pagiging burara iritates me!" sigaw nito sabay alis sa harap ng lalaki.
Naiwan itong nakatayo at tulala habang nakasukbit ang bag nito sa kaliwang balikat nito at hawak hawak pa rin ang gitara.
Parehas kami ngayon ng posisyon, tulala at mukang pagod na.
"E.L.A, initials mo 'yon, right?" Nagulat na lang ako nang marinig ang mga salitang 'yon sa sarili ko, ni hindi ko namalayan na nasa harap na niya pala ako! Para bang may sariling buhay ang mga paa ko
Ano na naman ba 'tong katangahang 'to elia!
"Where did you get this?" Nagtataka ngunit mahinahon nitong tanong
"U-Uh.... I-I-I... Napulot! Napulot ko sa cafeteria!"
Tangina ang tanga ko talaga! Bakit ba umuurong ang dila ko sa lalaking 'to! Muka naman siyang mabait, ah!
"Gaga! Kaya ka naloloko eh, madali kang bumigay!" Fuck! Pati ba naman sa isip ko naririnig ko ang panenermon sa akin ni Louise?!?! Argh!
"Thank you,"
nagulat ako nang bigla niya nalang kinuha ang panyo sa kamay ko.
"Im E-" agad naputol ang sasabihin niya nang biglang siyang sigawan ng babaeng kanina ay sinesermonan siya.
Akala ko uuwi na siya? Panira ng moment!
"Moms gonna kill you! Family dinner starts at 8, bilisan mo, ugok!" Sigaw ni Wella, nalaman ko lang ang pangalan nito nang marinig ko kanina silang nag-uusap.
he sigh heavily, I can feel that he's tired. There's something, eh. Parang pinipili na lamang niyang i-kalma ang sarili kaysa magpadala sa emosyon. Parang ang dami niyang kinikimkim.
The next thing I knew was that he walked away, he didn't looked at me. Hays, wala man lang eye contact!
"Malandi! Kaya ka nasasaktan!" Tangina lagi ko nalang naririnig ang boses ni Louise sa t'wing may kalokohan akong ginagawa!
Ayaw akong lubayan ng babaeng 'to
"El!" Narinig ko ang boses ng isang lalaki na tinatawag ang pangalan ko.
Agad akong lumingon sa direksyon ng lalaki, umawang ang bibig ko nang makita kong mag-kausap sila ng may ari ng panyo na may initials na E.L.A
"Foundation day na next week ah! Ikaw ang opening ah! Tugtugan na!" Masayang salubong nito sa el na kapangalan ko!
"Pwede bang tumanggi? Hindi naman" tugon nito na natatawa tawa pa
"Basta! Pag ikaw ang opening siguradong maraming pupunta"
nag hiwalay na ng direksyon ang dalawa ngunit nagpaalam muna sila sa isa't isa. Bakas naman sa muka ni Wella ang pagkainis at umaarte pang tumitingin sa relo kahit wala naman siya nito.
El, huh? Talagang trip ako ngayon ni Lord! Kapangalan ko pa talaga.
Sino ka El? Ako kaya uli ang makakakuha ng panyo mo kung sakaling mawala ito muli?
𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟
YOU ARE READING
Two Sides of Love
Non-FictionShe flips coins to decide, he crafts his own fate; can their love find a middle ground, or will destiny's coin toss tear them apart?