18

27 18 9
                                    

Officially, excuse ako today. Kuno.

May letter, may signature ng adviser, naka-post sa group chat ng buong section na "Don't expect Elia to attend classes today, she's working on the upcoming Interstrand Argumentation Battle."

Pero unofficially? Nasa rooftop ako. Para tumakas sa pressure.

Sa totoo lang, pagod na ko sa pang-uplift, sa mga taong nagsasabing "Kaya mo 'yan!" Eh paano kung hindi? Paano kung hindi talaga?

Bitbit ko 'yung notes ko, 'yung half-empty water bottle at 'yung anxiety ko. Wala pa akong kain simula kahapon-well, maliban sa dalawang Skyflakes na pilit kong nilunok kanina.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop...

Putcha.

Siya.

Nandito na naman siya.

Naka-jacket. Nakapatong lang ang isang paa sa bench. May hawak na energy drink, at 'yung basang buhok niya? Parang bagong ligo pa siya!

"Late ka," bulong niya sabay tingin sa akin.

"Nakaka-bwisit ka," sagot ko agad, pero hindi na ako umalis. Syempre hindi. Ako pa ba?

"Technically, hindi mo naman pagmamay-ari 'tong rooftop." Tumingin siya sa langit, relaxed pa rin. "So... I don't think you can ban me."

"Hindi kita binaban. Napapagod lang ako sa presensya mo."

"Wow. Ouch."

Pagkaupo ko, bigla siyang tumingin ulit sa akin. Nakakunot noo pa 'ko habang naglalabas ng lapis at index card, trying to ignore his stare. Pero ayun nanaman siya. May mga mata siyang para bang X-ray-nakikita yung takot, yung kaba, yung hindi ko inaamin kahit sa sarili ko.

" 'Di ko in-expect ha. Kaya mo pala uminom ng ganun kadami?"

Putcha.

Napatingin ako sa kanya, agad kong tinikom yung bibig ko. "Huwag mo nang i-bring up 'yon, gago ka."

He grinned. "Too late."

"Letche!"

Nagpipigil ako ng tawa. Gusto kong mapikon. Gusto kong magalit. Pero gusto ko ring... tumawa lang. Gusto kong wag muna mag-isip, wag muna mag-compete, wag muna mag-excel. Gusto ko lang, kahit minsan, maramdaman na normal lang ako. Na hindi ko kailangan maging laging matatag, na hindi ko kailangan laging manalo para lang mapansin.

Bigla siyang tumingin ulit sa langit.

"You know..." sabay tiklop ng kamay niya sa likod ng batok niya, "You don't need to beat me just to prove something. Hindi mo kailangang patunayan sa iba na you deserve love."

Tumingin ako sa kanya.

At sa isang iglap, hindi na siya yung ka-rival ko.

Hindi na siya yung kabang nararamdaman ko tuwing sinisilip ko ang ranking.

Hindi siya 'yung lalaki sa kabilang section.

Siya yung Esmael na hinatid ako pauwi nung nalasing ako. Yung bumili ng tubig kahit gabi na. Yung hindi ako tinanong kung anong pinagdadaanan ko, pero para bang naiintindihan niya pa rin.

Tumingin ako sa malayo, pinilit wag tumingin sa kanya kahit ramdam kong tinititigan niya ako.

"I heard you skipped classes just for prep," sabi niya. "That serious?"

"Well, if you're my opponent, I need all the time I can get." I smirked.

"Tinatakot ba kita?" tanong niya habang sinusundan ng tingin 'yung hangin na bumalot sa pagitan naming dalawa.

Two Sides of LoveWhere stories live. Discover now