10

26 15 16
                                    


Kinabukasan.

Unang beses ko yatang naramdaman na may kulang sa trio.

"Absent si Louise?" tanong ko kay Da habang naglalakad kami papuntang room. Sabay kaming napalingon sa bakanteng upuan niya—nakaayos pa ‘yung upuan niya na parang hinihintay siyang upuan.

"Baka may hangover lang" sagot ni Da.

Kinuha ko agad phone ko at binuksan ang GC namin.

Elia Cliteria Adriano

Hoy ghorl?? Absent ka? Are you okay??

Seen lang. Walang reply. Which is... also unusual.

Tahimik lang ako buong homeroom. Baka pagod lang siya. Baka may emergency. Pero hindi mapalagay utak ko. Si Louise kasi ‘yung tipo ng tao na kahit sobrang puyat, papasok pa rin—hindi para sa school, pero para sa chismis at inuman.

Habang lumalalim ang araw, mas lalong dumadami ang ginagawa. Reports. Quizzes. Group tasks. Finals na kasi. Nakaka-drain, pero kailangan tiisin.

Pagdating ng lunch break, hindi na kami lumabas ni Da. May baon naman ako—kanin, as usual, tapos may adobong manok si Darryle. Nag-salo na lang kami habang naka-upo sa likod ng classroom.

Habang pinapahid ko ang ketchup sa kanin, si Da naman todo tapik sa phone. “Last na ‘to. Promise. Rank game lang. Pag natalo ako dito, blame mo si Enzo, bobo mag-tank.”

Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Tumawa pa ‘ko ng bahagya nang maalala ko ‘yung kabobohan ko noong Grade 8.

Nagustuhan ko ‘tong si Darryle.

Oo. Crush. Sa hindi ko maintindihang rason. Siguro kasi mabait siya, approachable, laging may dalang jokes kahit hindi nakakatawa. ‘Yung tipo ng taong madali mong kaibiganin... at mas madali mong makalimutan kapag nagka-gusto na siya sa iba.

Katulad ni Aianna.

Doon nagsimula ‘yung wala na. ‘Yung nanghingi siya ng tulong para ligawan si Aianna. At ako naman tong tangang willing pa magturo. Ayoko na maalala. Buti na lang talaga. Thank God.

Sinubuan ko pa sarili ko ng kanin habang pinipigilan ‘yung flashback. Tangina talaga ng kabataan minsan.

Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang motor. Ang malamig na hangin. Ang pagpreno sa harap ko. Ang helmet.

Shit.

Bigla akong natigilan sa kanin.

Esmael.

As in. Hinatid nga pala ako kagabi.

Pumintig ‘yung sentido ko sa realization. Naalala ko agad ‘yung mukha niya habang nakasakay sa motor.

Hindi puwedeng malaman ‘to nina Louise at Darryle. Hinding-hindi.

Walang makakaalam.

Siniksik ko sa pinakailalim ng utak ko ‘yung memorya ng kagabi. Wala. Hindi nangyari ‘yun. Sa isip ko, single pa rin ako at never pa akong inangkas sa motor ng kung sinong guy na para bang galing sa Wattpad.

-

Wala kaming class.

As in, apat na subjects—lahat either absent si prof or hindi dumating kasi may seminar daw.

Sarap, ‘diba? Dapat nga masaya ako. Pero bakit parang ang lungkot?

Ay, oo nga pala. Kasi si Da, busy na naman sa Mobile Legends. Nakatingin lang sa screen habang pinapa-ulanan ng mura si Enzo na "bobo mag-tank." Gusto ko siyang kaladkarin palayo sa cellphone pero baka masapak pa ‘ko. At si Louise? Dead air. Still absent. Deadma pa rin sa GC.

Two Sides of LoveWhere stories live. Discover now