6

29 17 14
                                    

I was about to say something when—

"Esmaeeeel!"
High-pitched. Matinis. Too cheerful. Too... pink?

Paglingon ko, ayun na.

Si Nashaila Quaile Tuazon.

Yung STEM girl na third placer sa creative writing contest. Top 3 pero Top 1 sa arte.

Naka-pink na cardigan, may matching ribbon sa ulo, and that energy na parang hindi nauubusan ng sugar sa dugo. Polished, neat, super girly—yung tipong may planner with stickers, may color-coded highlighters, and laging amoy pabango kahit 3PM na.

Nasa tabi ko pa si Esmael, pero parang biglang nag-iba ang pressure sa paligid.

“Hi Nashaila,” bati niya. Casual, but polite.

Tumayo si Nashaila sa harapan namin, totally ignoring my existence. “Grabe! Alam mo ba? Ang galing mo talaga sa contest! Like, deserved mo talaga yung top spot. As in! Ako nga, super inspired sa gawa mo—ang lalim! Pero ang light din basahin!”

Tumatawa siya habang nagsasalita. Pero wala naman talagang punchline.

Napalingon ako kay Esmael. Naka-smile siya. That same smile he gives to... everyone.

Not special.

Pero bakit parang ako yung naiilang?

Gusto kong umiwas ng tingin pero... hindi ko maiwasang pakinggan. Kahit pilitin kong i-mute siya sa isip ko, ang lakas talaga ng boses niya. Parang naka-loudspeaker.

Ang nakakainis?

Hindi ko alam kung naiirita ako dahil ang ingay ni Nashaila…

O dahil hindi ako ‘yung kinakausap ni Esmael ngayon.

Tinulak ko ‘yung thought. Wala akong karapatang mainis, ‘di ba? Hindi ko siya boyfriend. At hindi rin ako si Wella.

Wait.

Wella.

Di ba girlfriend niya si Wella from ABM?

Naguguluhan ako bigla.

Okay lang ba kay Wella na may sumasabit na ganito kay Esmael? Yung parang... linta kung kumapit sa aura ng lalaki? At si Esmael naman, tahimik lang. Tawa-tawa lang. Politely entertained.

Naglakad ako ng unti palayo sa kanila. Hindi naman obvious. Konting step lang. Pero sapat para ‘di ko makita masyado ang facial expressions nila. Sapat para mag-focus sa backpack ko at kunwari may inaayos.

Tahimik ako habang binabasa ang agenda sa handout. Malamig sa loob ng auditorium, pero mas malamig ‘yung presensya ng mga taong matagal mo nang hindi inaasahang makakasama pa ulit sa iisang silid.

Different strands, different uniforms.

May mga taga-ABM sa left section, STEM sa gitna, GAS sa unahan, at kami—HUMSS—sa pinakakanan.

I glanced around.

Mukhang composed ang lahat. May ilan sa amin na excited, may ibang chill lang. Pero ako? Focused.

Bihira na kasi ang ganito—isang meeting kung saan lahat ng strand ay may representatives. At bilang HUMSS, na madalas na-take for granted, dapat may maiambag ako. Hindi lang para sa strand, pero para na rin sa sarili ko.

Lalo na kung may audience akong ayokong magmukhang mahina sa harap niya.

"Ano raw ‘yung exhibit theme ulit?" tanong ni Louise sa tabi ko, habang nagluluto ng chewed gum sa dila niya.

"Cross-Strand Collaboration," sagot ko, hindi siya tiningnan.

“Uy, sounds fun!” bulong niya. “Imagine kung may kapartner kang taga-STEM. Or ABM… or…” she paused.

Then I saw him.

Zayvien.

Zayvien Dave Mendoza.

Nasa ABM section. Nakaayos ang buhok. Naka-long sleeves kahit hindi required. The usual smug smile on his face, talking to his co-reps like he owns the place.

He was once my classmate in Grade 10.

At once upon a time… he was mine.

He was smart—at least academically. Pero mas madalas ako ang gumagawa ng halos lahat ng school works niya. Kaya nga siya nag-top 2 sa Science noon.

Because of me.

Ibinigay ko ang lahat, tapos siya pa ‘yung nang-cheat.

Letche!

At ngayon? Nandito ulit siya at nakangiti pa rin. As if nothing happened.

Bumuntong-hininga ako. I fixed my posture. Hindi ako nagpunta rito para maghabol sa nakaraan. I’m here to contribute. I’m here to prove something.

I’m here to win.

“Uy,” mahina ngunit pamilyar na boses mula sa kaliwa. “Late ako, ano’ng na-miss ko?”

Napalingon ako. Si Esmael. Humahangos, hawak ang ID at ballpen, at nangingiti lang na parang wala siyang pakialam sa bigat ng atmosphere sa loob ng auditorium.

Inuna pa kasi makipagdaldalan sa STEM girl!

Umupo siya sa tabi ko, parang walang ibang bakanteng pwesto—o baka sinadya niya.

“Wala naman masyado. Paumpisa pa lang,” sagot ko, tinatakpan ang bahagyang nerbyos sa boses ko.

“Good,” ngumisi siya. “Akala ko pagdating ko, tapos na.”

“Hindi naman ‘to quiz bee,” natatawa kong tugon.

Tumawa rin siya nang mahina, pero naputol ang sandaling iyon nang may tumikhim sa harapan.

Nag-uumpisa na pala ang pakilala ng bawat representative per strand.

Pinilit kong mag-focus sa meeting. May binabanggit ang isang STEM yata—tungkol sa logistics ng exhibit.

Hindi ko namalayang wala na pala si Esmael sa meeting. Siguro may klase. O baka ayaw lang niya ng mahabang chikahan. Either way, parang may kulang bigla.

Si Louise naman? Hindi yata nakinig sa kahit anong sinabi sa meeting. Nakaupo lang siya ro’n, nagsusulat kung anu-ano sa notebook niya na parang diary.

“Kapal ng mukha no?” anas niya habang sabay kaming tumayo. “Parang di cheater,” dagdag pa niya habang tinititigan si Zayvien na busy makipag-high five sa mga ABM co-reps niya.

Umiling na lang ako at bumalik kami sa classroom. Agad na nagsimula ang lecture, tuloy-tuloy hanggang matapos ang huling subject. Nakakapagod pero at least, tapos na.

“‘Kelan kaya babalik si Da?” tanong ni Louise habang inaayos ang mga upuan.

Napatingin ako sa kaniya, halatang wala sa hulog. “Ewan ko ba don. Ayoko na nga magpakapresidente sa section na ‘to,” sabay anas ko habang nagwawalis sa likod.

Darryle Andrew Enrile. Si Da. Ang nag-iisang lalaki sa trio naming dalawa ni Louise. Sakiting bata. Halos isang linggo na siyang absent. Ang weird, pero nami-miss ko ‘yung ingay niya.

Nang matapos na kami maglinis, palabas na kami ng building nang mapansin kong may nakaupo sa bench.

Si Wella.

May kausap.

At mukhang... flirty?

Moreno. Medyo singkit. Matangkad. Hindi ko siya kilala pero parang may vibe ng... something.

Agad akong lumingon kay Louise. Halatang nakita rin niya.

“Si Wella ba ‘yon—” hindi ko na natapos ang tanong kasi biglang hinatak ni Louise ang kamay ko.

“Tara na! Puntahan natin si Da!” sabay niya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang pinilit niyang hilahin ako paalis.

𓆝 𓆟 𓆞 𓆝 𓆟

Two Sides of LoveWhere stories live. Discover now