The Life of Gideon - Superbook

153 2 0
                                    

Alam nya hindi nya kaya ngunit si Lord alam nya kaya nya. Nagtiwala sya kay Lord na hindi sya pababayaan nito. Sinunod nya ang lahat ng utos ng Panginoon. Parang tayo din minsan nasasabi natin at prenipredic natin hindi natin magagawa ang isang bagay. 

Let's trust God hindi nya naman bibigay satin to task kung hindi para satin to at kung hindi ito magsusuccess.. Kailangan natin magtiwala sa mga plano nya. Hindi nya tayo pababayaaan tulad ni Gideon kahit na kakaunti lamang ang mga kawal nya eh nagtiwala at sinunod nya parin ang Diyos at lagi mo tandaan na Philippians 4:13 "I can do all things through him who strengthens me." Tao ka lang may mga bagay ka hindi mo kaya gawin ngunit kapatid magagawa mo yun sa tulong ng Diyos. Diyos na makapagyarihan sa lahat. Diyos na mapaghimala. 

Hindi naman din magagawa ni Gideon iyon kung hindi nya kasama ang Diyos upang harapin iyon. Colossians 3:23 "Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters " Gawin mo para kay Lord and at the end dapat iglorified mo si God. 

Nais ng mga tao gawin hari si Gideon ngunit sinabi nya ang Diyos ang dapat ng maging Hari sa atin mga buhay. Hindi nakalimutan ni Gideon ang Diyos. Ang Diyos na tumulong sa kanila upang mapagtagumpayan nila ang hamon ng buhay. 2 Corinthians 12:10 "Therefore, I accept weakness, mistreatment, hardship, persecution, and difficulties suffered for Christ. It's clear that when I'm weak, I'm strong."

Let's Pray: 

Lord, maraming salamat sa bawat aral na tinuturo mo samin. Totoo nga Panginoon na may mga bagay na alam namin ay hindi namin magagawa pero Panginoon nanalangin po kami at nagtitiwala KAYA NAMIN ANG LAHAT NG ITO DAHIL IKAW ANG DIYOS. DIYOS NA MABUTI. IKAW ANG MAGIGING LAKAS NAMIN UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ANG  BAWAT HAMON NG BUHAY. Hiling namin sa pangalan ni Hesus na patuloy kami bigyan ng malakas na katawan at kalooban. Bigyan ng pag-asa upang harapin ang lahat ng problema. 

Para sa mga tulad ko nag-aaral, Panginoon tulungan mo po kami pagtagumpayan ang aming hawak na kurso. Bigyan mo po kami araw araw ng karunungan. Bigyan mo po kami ng knowledge and wisdom. Alam po namin Lord na hindi po namin magagawa iyon kung wala ka. Buksan mo po ang mga puso namin nagmamatigas. Open our hearts Lord and make it clean and soften. 

Salamat Lord!! Amen. :) 

MAGIGING MAGANDA ANG ARAW MO NGAYON KAPATID DAHIL MAGAGAWA MO LAHAT NG GAWAIN AT RESPONSIBILITIES MO NGAYON :) MAGTIWALA KA LANG KAY LORD :) AMEN!! 


Cup in the MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon