Ito ang mga isa sa mga magagandang kwento nagustuhan at tumatak sa aking isipan.
Not everyone will like you but you can love them. Natutunan ko na dapat kung ano ang tama ay dapat iyon ang gawin at sundin. Kung ano man ang kaloob ng Diyos, magtiwala tayo sa kanya hindi nya tayo pababayaan. Magmahalan tayo kahit kaaway mo pa yan mahalin natin at gawan sila ng mabuti. "Matthew 5:44 But I say to you, Love your enemies, bless them that curse you, do good to them that hate you, and pray for them which spitefully use you, and persecute you;"
Kaya mo yan kapatid. Mahalin mo sila! Wag ka mangamba. Basta mahalin at tulungan mo nalang sila at may mabuting paparanasan ang Diyos sayo. Sundin mo lang si Lord! May mabuti sya dahilan kaya ipinakilala ng Diyos sya sa iyo." God's Plan".
Magdasal tayo.
Panginoon Hesus Cristo, Maraming salamat at nakilala namin si Rahab. Isang babae pinalakas Mo ang loob upang harapin kung ano ang tama. Panginoon, tulungan Mo kami maging katulad nya. Mahalin ang aming kapwa mabuti man o masama ang pakikitungo nila samin. Bigyan Mo po kami ng pagmamahal upang maibigay rin po namin sa kanila ang pagmamahal na mula sa Inyo. Samahan Nyo po kami upang itama ang tama. Nagtitiwala po kami sa Inyo. Wag Nyo po kami pababayaan. Maraming Salamat po Panginoon. Amen.
Love your enemies and stand for what is right.
BINABASA MO ANG
Cup in the Morning
SpiritualIsang ka normal na tao na sumusunod sa ikot ng mundo. Mabuti ba o masama ang pagsunod mo rito? Oh nakalimutan mo na ang dapat mo sundan? Nahihirapan ka ba sa mga problema mo? Nalulungkot ka? Wala ka makausap? Tara usap tayo kasama si Lord! :) Hindi...