The Will of God

26 1 1
                                    

Kapag may problema o nahihirapan ako minsan naiisip ko at natatanong ko sa Diyos bakit nya ako pinapahirapan ng ganito?

Naiingit ako sa mga kaibigan ko parang ang swerte swerte nila sa buhay.

Masaya pamilya nila lagi nagbobonding at lumalabas.
Masaya sila kasi maraming kaibigan nagmamahal sa kanila.
Masaya sila kasi lagi sila nagkakapasa sa exam.
Masaya sila kasi may lovelife sila.
Masaya sila kasi lahat ng gusto nila nagagawa nila; nabibili nila gusto nila; nakakapagtravel sila.

:(

Pero hindi naman dapat ako maiingit kasi nasa deadly sin yun. Oo ang deadly kasi kahit ako pinapatay nito inggit na to 😭 at wala naman mabuti madudulot to sakin at lalo na sa iba. Kaya dapat tayo umiiwas dito.

Best thing to do:
Trust God. Isipin lagi may mabuti plano ang Diyos and for sure hindi lang talaga natin nakikita lahat ng effort ni Lord o baka nakalimutan mo pinako sya sa krus para tubusin tayo sa mga kasalanan natin.

Hindi pa ba sapat na buhay ka at wala ka sakit? Blessings yun diba? Lalo na makita ang pamilya mo safe sa anuman bagay. Be positive guys! Don't lose hope!

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
Ang Diyos ay parang hardinero at ikaw naman ay parang halaman. May mga kailangan sya alis sayo o putulin tulad ng damo sa paligid ng halaman na umaagaw ng sustansya o kaya kailangan nya putulin ang ilan mga sangay mo upang lalo ka pa lumago at tumibay.

Lagi mo isipin mabuti ang Diyos. Mabuti ang mga plano nya sayo. Lagi ka magdadasal through bad times and good times. Humingi ka lagi ng payong kung ano ang dapat mo gawin para sa ikabubuti mo at ng lahat ng tao at lalo na sa kaloob ng Diyos. Magiging okay din ang lahat. Kapit lang kapatid!

God bless!

 

Cup in the MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon