You are Not Alone - Inspire Christian Books

104 1 0
                                    

Bakit nga ba naiisip nating mag-isa lang tayo eh halos milyon milyon tayo dito sa mundo. Bakit nafefeel natin lonely tayo kahit may mga family, friends tayo?

If nararamdaman mo to kapatid, wag ka mag-aalala sa Diyos hindi ka nag-iisa at malulungkot. Lagi mo tandaan yan. Kahit saan ka man magpunta nasa saiyo ang  Diyos. Sasamahan ka Nya sa kahit ano oras at panahon. 

Kaya nga bilib ako kay Lord kasi hindi lang Sya Hari kundi Kaibigan at Ama narin. "God is 3 in 1. The Father, The Son, and The Holy Spirit". You are not alone kasama mo ang Diyos eh kahit nga gumagawa tayo ng mali eh sinasamahan Nya padin tayo. Hinihintay nya lang na lumapit tayo sa Kanya. "Hebrews 11:6 And without faith it is impossible to please Him, for he who comes to God must believe that He is and that He is a rewarder of those who seek Him."

Mahal ka ng Diyos kapatid. Ayaw Nya nalulungkot ang anak Nya at nag-iisa.

Magdasal tayo. 

Panginoon Hesus Kristo. Nagpapasalamat kami dahil kailanman ay hindi Mo kami pinabayaan. Sa mga oras at panahon kami kay nalulungkot at nag-iisa ay sinasamahan Mo po kami. Panginoon patuloy po kami lumalapit sa Iyo. Patawarin Nyo po kami sa aming mga kasalanan bagkus sobra Nyo po kami minamahal. Maraming Salamat Panginoon sa walang katumbas na pagmamahal. Mahal Ka rin po namin. Salamat sa mga ngiti binibigay Nyo po samin. Patuloy Nyo po kami samahan sa amin buhay dito sa mundo. Hindi po namin kaya ito kung wala po Kayo. Maraming Salamat. 

Sa taong nag-iisa ngayon, walang masabihin ng problema sa pamilya at sa mga kabarkada pumupunta at umiinom ng alak. Kapatid, halika at sa Diyos tayo lumapit hindi sa alak ng bigay ng ating kabarkada. 

Sa taong nalulungkot ngayon, naiisip mo na magpakamatay at sobrang sobra nadin ang niluha mo ngayon. Kapatid, makinig ka. Wag ka sumuko. Kung gusto ng Panginoon kunin ang iyong buhay ay dapat matagal na nya kinuha. Mahal ka ng Diyos at blessing ang pagmulat mo sa umaga at paghinga. Isipin mo ang mga taong maysakit at gusto pa mabuhay pero hindi nila alam kung mabubuhay pa sila. Kapatid hawak ng Diyos ang iyong mga kamay ngayon. Mag-usap kayo. Yakapin mo sya sa pamamagitan ng pag darasal. 

Sa taong nahihirapan ngayon dahil nagsabay sabay ang kanya deadlines. Kapatid kumapit ka sa Diyos. Magagawa mo yan sa tulong Nya. Kayang kaya mo yan. Hindi ka pababayaan ng Diyos. Amen. 

*Salamat aking Panginoon!  


Cup in the MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon