Hi guys! I just want to remind my all readers and other who viewing my published that ...
I don't own the videos. I just want to make a journal what I learned in every videos I watched and spiritual books I read.
Best day ko ang ulan kapag nasa bahay lang ako yun feeling na nagising ka sa patak ng ulan sa bubong at gusto mo nalang matulog at ibalot ang sarili mo sa kumot sa sobrang lamig na hangin. Bed weather <3 o kaya magkape para mabawi ang kaunti lamig na raramdaman mo tapos nakatingin ka lang sa labas o bintana pinagmamasdan ang mga bata tutuwang tuwa sa paliligo. Best time to reflect ang peaceful lang sa mind.
Pero kapag dumating na sa point na sobrang lakas ng ulan halos mabingi ka na sa kulog at kidlat at parang naalala mo yun mga horror movies na napapanood mo sabayan mo pa bigla dumilim BROWNOUT! parang half hour na umuulan, nag silabasan ang mga balita sa tv at radyo kailangan na lumikas ng iba natin mga kababayan sa pagtaas ng level ng mga ilog at bunga narin ng pag baha. HINDI NATO MAGANDA!
Nakakaramdam ka na ng takot.
Ang buhay ay all in one ika nga. May horror, may romance at hindi mawawala ang down line. Mga problema dumarating satin that tend to lead us to be sad and depressed o mga susunod sunod na bagyo sa ating buhay.
Alam nyo yun Movie na Inside Out. Mixed emotion yun mga character panoorin nyo guys maganda sya kahit pambata sya yun sila Joy, Sad, Angry, Fear and Disgust.
Ako siguro yun pinaka mahina tayo when it comes from so many problems. Down na down talaga and its lead me to be timid and antisocial. But guys it will never help if kung parating ganun kayo. Kailangan din naman yun kasi ako yun un time na rerealize ko yun mga bagay bagay at dun yun time na talaga nakakausap ko si Lord. Don't stick to much on your problems. Deadly kasi yan pwede naman aside from having too many problems eh maki bond ka kasama family mo or best way listen to Hillsong Young and Free mga upbeat song at wag kalimutan magpray kay Lord.
Minsan kailangan din natin dumaan sa mga malulungkot na parte ng buhay natin para matuto. Kahit na minsan gusto natin sisisihin si Lord bakit nanyayari yun satin. Ang hirap pero kakayanin mo dahil kasama mo ang Diyos. Wag tayo magpapadala sa mga problema malalagpasan din natin yan. Maniwala tayo sa Diyos. Magtiwala tayo sa mga plano nya sa buhay natin. KaFaith lang!
"In Matthew 14, Jesus' disciples were facing a storm that they thought might claim their lives. But verse 25 says, "Shortly before dawn Jesus went out to them, walking on the lake." Jesus met them where they were, in the middle of the raging sea. If you are facing a storm, cry out to Jesus. He met His disciples when they needed Him most and He will meet you right now if you simply ask. " - Inspire Christian Books
Take this Prayer ...
Lord alam ko may mga tao ngayon nasa gitna ng bagyo ng buhay. Wala sila makita liwanag mula Sayo. Ang pag patak ng luha nya sa kanyang mga mata ay punasan Nyo po. Hirap na hirap na po sya sa mga nanyayari sa buhay nya. Lord inilalapit po namin ang problemang ito Sayo at nais namin ang magandang buhay nalaan mo samin. patuloy kami mag titiwala Sayo. Gabayan mo po ang mga bawat hakbang na aming gagawin. Lord kasama ka namin haharapin ang bagyo ito. Hawak mo ang aming mga kamay. Matatapos din ang bagyo ito.
Maraming Salamat Lord! Amen.
God bless us! Don't forget to attend mass tomorrow!
BINABASA MO ANG
Cup in the Morning
SpiritualIsang ka normal na tao na sumusunod sa ikot ng mundo. Mabuti ba o masama ang pagsunod mo rito? Oh nakalimutan mo na ang dapat mo sundan? Nahihirapan ka ba sa mga problema mo? Nalulungkot ka? Wala ka makausap? Tara usap tayo kasama si Lord! :) Hindi...