Kahit na paminsan minsan tayo ay naliligaw ng landas ay hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Kahit ano pa tayo noon ay tatanggapin nya tayo at mamahalin. Kung pakiramdam mo wala ka na pupuntahan, lumapit ka sa Diyos ng buong puso tutulungan ka Nya.Ganyan ka kaspoiled ka Lord kaya dapat pabutihan mo ang pag gawa ng mabuti sa iba yun balang araw na sasabihin mo sa Diyos na ito po Lord lahat ang nagawa ko mabuti sa lupa.
Gusto ko pakilala sa inyo si John the Baptist isa sa mga nagmamahal sa Diyos, mapangkumbaba at kailan man hindi nag-mataas sa sarili. Alam nya na ang Diyos ang dapat dakilaan hindi sya. Dahil ang lahat ng meron sya ay mula sa Diyos ang kanyang lakas ng katawan, tirahan, damit, pagkain, kaibigan, pamilya at maraming pang iba.
Lord, Salamat dahil wala ako kung wala ka. Ikaw ang dakilang Diyos. Maraming Salamat sa mga biyaya natatanggap namin. Salamat sa kung ano meron kami ngayob at sa mga ibibigay mo pa sa amin. Salamat sa buhay na bigay mo. Salamat sa bawat araw na bigay mo. Salamat aking Panginoon.
Salamat dahil hindi kayo nagsasawa pulutin ako kahit yun iba tinatapon na ko “Huuuuuugooooot!” :(
Maraming Salamat Lord! Amen.
God bless everyone! Maging maganda sana ang susunod na linggo para satin. Medyo maulan sana safe ang lahat at sana tulungan ako ng Panginoon at tayo sa haharapin natin sa atin trabaho this week. Amen!
BINABASA MO ANG
Cup in the Morning
SpiritualIsang ka normal na tao na sumusunod sa ikot ng mundo. Mabuti ba o masama ang pagsunod mo rito? Oh nakalimutan mo na ang dapat mo sundan? Nahihirapan ka ba sa mga problema mo? Nalulungkot ka? Wala ka makausap? Tara usap tayo kasama si Lord! :) Hindi...