God Doesn't want you to go to Church - Inspire Christian Books

56 2 0
                                    

To all readers, sorry ngayon lang po nakaupdate busy sa mga blessings ni Lord. Kakatapos lang ng defense namin and alam nyo ginawa ni Lord pinasa nya kami. Salamat sa Diyos ibinabalik namin ang papuri at pasasalamat sa kanya. Nawa ay hanggang sa dulo ay pumasa at makagraduate kami. Salamat sa Diyos. 

God doesn' t want you to go to church

-He wants everything from you.

-He wants to be friend with you.

-He wants to have a time in you.

-He wants to carry all your sin.

-He wants to change you.

-He wants to talk with you.

hmm sa pananaw ko hindi naman necessary palagi nasa church ka basta alam mo na nasa isip at puso mo si Lord walang problema yun pero sa tingin ko mas maganda parin nagsisimba tayo kasi hindi naman diba ang church ang pinupuntahan natin? diba si Lord. Sa church mo kasi mararamdaman lalo yun presence ni Lord kasi sya lang yun focus ng topic malayo sa araw araw na ginagawa mo bilang tao minsan nakakalimutan natin si Lord sa sobra focus tayo sa mga bagay dito sa mundo hindi rin naman din natin pwede balewalain yun dahil bilang tao kailangan natin magtrabaho, mag-aral at kung ano pa importante dapat gawin ng tao pero dapat hindi natin kalimutan si Lord sabi nga daw nila kahit SALAMAT lang eh masaya na si Lord. Naging tao rin naman si Lord alam nya pakiramdam kapag binabaliwala Sya. Ikaw din ba gusto mo binabaliwala ka? 

Kung hindi man tayo makasimba, gumawa nalang tayo ng pambawi kay Lord. Pwede ka magpray. Gumawa ka ng mabuti. Pero ipapayo ko parin sayo magsimba ka. Sa lahat ng masasaya parte ng buhay ko siguro na hindi ko makakalimutan eh yun mga moments sa simbahan. Alam naman natin bilang tao eh bakot na bakot tayo sa sermon minsan pa nga eh humihikab ka pa at sinasabi mo sana matapos na to tipong parang klase ng math o minsan iniisip mo after nito eh kakain ako sa ... Naku!! 

Payo ko sayo kapatid makinig ka mabuti sa sermon minsan kumikilos din si Lord na  gamitin sila upang sabihin satin ano dapat natin gawin. Minsan kapag sobrang depressed na ko hindi ko na alam gagawin pumupunta talaga ako church para kausapin si Lord sarap sa feeling talaga. Wala na nga ako minsan paki kung lumuha ako at makita ng maraming tao eh bakit ba? feel mo yun presence ni Lord eh. Mafefeel mo talaga parang niyayakap ka nya.

Nasabi ko marami ako happy moments sa church kasi super goodvibes lang talaga. Paborito ko part eh yun "Peace be with you" HAHAHA dun mo kasi nakikilala yun mga katabi mo tapos ngingitian mo sila Saya lang diba? tapos apir sa mga bata :)) Tapos kapag yun mga part na kakanta na eh nakikisabayan ako sa mga choir iniisip ko din choir din ako at ang kanta yun ay alay ko kay Lord :)) Saya diba? 

Pwede naman siguro tayo nalang gumawa ng paraan para maging happy ang simba natin diba? Feel the presence of the Lord at kausapin natin sya palagi sabihin na baliw tayo okay lang diba? Si Lord naman eh. Lagi may handa makinig sayo si Lord yun kaya kapatid masaya ang buhay kapag kasama sya :)) Saya diba? Salamat sa Diyos sa walang sawa pagbibigay nya ng chance na mabuhay tayo lagi mo isipin may purpose si Lord kaya ka nya ginising. Salamat sa lahat ng Blessings Nya :) 

Ipapaubaya ko sayo ang prayer ngayon. Gusto ko kausapin mo si Lord mula sa Puso. :) God Bless satin lahat! Amen. Ipanalangin nyo ko :) 

Cup in the MorningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon