A/N: Sabi ko nga magbasa na lang ako😭
🎶Saan ba ito patungo?🎶Chos.
Enjoy.🥰🥰🥰
Kinabukasan. Nagising ako sa ingay sa baba. Kahit hindi pa ako nakapaghilamos ay bumaba ako para tingnan kung sino ang mga 'yon.
Baka may bisita si Daddy. Nakapajama pa ako ng terno ng tingnan iyon si Tito Anton pala. Nag-uusap sila ni Dad ngayon sa sala. Nagtatawanan pa.
Nasa ikahuli na ako ng hagdan ng may isang matang nakatitig sa 'kin. Binalingan ko naman 'yon. To my surprise... napahinto ako sa pagbaba. Apollo!
"Hija, you're awake! Greet your Tito Anton and Apollo." si Dad malawak ang ngiti.
Inaayos ko pa ang buhok kong hindi pa nadadaanan ng suklay. Bakit naman pabigla-bigla ang pagparito nila.
"G-good morning Tito..." bati ko kay Tito at nahihiyang ngumiti. Mapanuri ko namang tinignan si Apollo nangungusap ang mga mata ko kung bakit siya rin ay narito.
Iniwas niya lang ang kanyang tingin at ibinaling sa mga matandang nag-uusap sa harap niya.
Siguro sa business ang pinag-uusapan nila. Business!
"Arturo, hindi pa tayo nakakapag-usap tungkol sa mga anak na 'tin." si Tito Anton.
Napatigil ako naman ako. Kailan ba ako mapapatigil sa mga shocking revelations na 'yan.
"Dad..." si Apollo pinipigilan ang ama.
"Don't worry, Anton! My daughter will work on it. Right, Helena?" nakakatakot ang mga matang binalingan ni Dad.
Paano ko nga sasabihin kay Tito Anton na ang anak niya ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay!
"Y-yes...po." mapait kong sinabi.
Kasing pait ng kape na native.
"Good! Sinama ko nga pala si Apollo para sabay na kayong pumasok. Sinabihan kasi ako ng Daddy mo na isama siya kasi wala raw maghahatid sa'yo tamang-tama at napapayag ko rin ang anak ko."
Awkward akong napangiti.
"P-po?... D-dad, si Kuy–." hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Pinag day off ko muna, hija. Kumain na kayo at isama mo si Apollo ng makapag-umagahan na kayo pagkatapos ay mag-ayos ka na rin. Tingnan mo nga 'yang mukha mo nakakahiya ka. Merdita!" tinawag niya pa ang aming mayordoma.
"Opo, sir." sigaw ng kasambahay namin nagmadali sa pagkilos.
Nauna na akong naglakad sa dining area. Nakahanda na rin ang pagkain. Napansin ko ring sumunod siya.
"Merdita, where's Mommy?" tanong ko sa kanya ng naupo ako.
"Maaga ho umalis, Ma'am. Sir Apollo kapag may kailangan ho kayo tawagan niyo lang po ako nasa kusina lang po ako." sinasalinan niya ng tubig ang mga baso namin.
"Salamat, Manang!" litanya nito at umalis na rin si Merdita pagkatapos.
Mahabang katahimikan. Siya na ang naunang bumasag.
"I'm sorry. We came here unannounced!" inosenteng sabi niya.

YOU ARE READING
Hili
Teen FictionHelena, a young woman who constantly feels like she's never the choice. Cheated on her first boyfriend-her second boyfriend also cheated on her. Struggling with the feeling of always being an option in her relationships, friendships, and family, Hel...