A/N: Babalik tayo sa nakaraan kung saan nagsimula ang lahat.
After what happened last night. Hindi na muli kaming nagkausap pa. We focus on the outcome of our report and satisfied naman sa naging resulta.
Pauwi na siya ng maabutan niya pa sila Dad. After few kumustahan ay nagpaalam na rin siya.
Dahil marami pa raw siyang gagawin. Maraming gagawin o gusto lang magpa cuddle ng girlfriend niya? Nevermind.
I met Apollo dahil sa kaibigan kong si Marky na kaibigan niya rin. Ipinakilala niya kami sa isa't isa.
I was a shy person. Kaya hindi ko siya napapansin noong una pero dahil sa mga tukso ng kaibigan ay nagustuhan ko rin siya.
"Apollo, you're not drinking!" may lumapit sa 'min kaibigan.
Narito kami ngayon sa isang bar sa Makati. After school ay nagkayayaan. Ayoko sanang sumama dahil marami pa akong gagawing assignment pero mapilit si Enia kaya wala na akong nagawa.
"I'm not in the mood to drink." sabi niya doon sa kaibigan.
"What would you expect in this place? Magmimisa? C'mon enjoy the party. Kaya nga tayo andito, e. Anyway, this is Helena my friend. Helena this is Apollo also my friend in Legaspi High" pagpapakilala niya pa samin.
Naglahad naman iyong lalaki ng kamay kaya tinanggap ko naman. Tipid lamang akong ngumiti habang siya naman ay ibinalik ang tingin sa mga nagsasayawan sa dance floor.
Umalis na siya sa harapan namin at nagtungo sa mga nagsasayawan sa dance floor. Andoon din si Enia nakikipagsayawan sa mga lalaki. Hindi ko nga lang alam kung kakilala niya ang mga 'yon.
Tahimik lang kaming dalawa na naiwan rito sa mahabang sofa. Walang nagsasalita. Tanging musika lamang ang naririnig.
Tumayo siya. Tiningnan niya pa ako bago nagpaalam.
"Yosi lang ako sa labas."
Tipid ko lamang siyang tinanguan.
Bakit pa siya nagpapaalam? Hindi niya naman kailangan wala naman kami para sa isa't isa.
Naiwan akong mag-isa rito at walang kasama kaya naisip kong tumungga ng isang baso. Agad iyon umarko sa lalamunan ko. Muntik ko pang maibuhos sa sobrang tapang.
Ilang saglit lang ay nilapitan ako ni Roen. One of the hottest bachelor in the country. He's also my suitor.
"Tipsy?" tanong niya
Nginitian ko siya. Tumabi siya sa inuupuan ko.
"Hindi, ano... tinikman ko lang. Matapang pala 'to?" kuryosidad kong tanong.
Tinawanan niya ako. Tangina! Gwapo! Lalo na kapag tumatawa siya tapos kita pa ang dimple.
"I see... Can we dance?" yaya niya sakin.
Hindi naman sa pinagyayabang pero magaling talaga akong sumayaw. Kaliwa nga lang lahat ang paa.
Special talent.
Naibaba ko na ang baso at nilingon siya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi naman ako marunong sumayaw.
"Okay." I smiled at him
Bago pa kami magtungo sa dance floor. Dumating na rin si Apollo. Amoy yosi pa siya ng konti pero hindi naman masakit sa ilong.

YOU ARE READING
Hili
Teen FictionHelena, a young woman who constantly feels like she's never the choice. Cheated on her first boyfriend-her second boyfriend also cheated on her. Struggling with the feeling of always being an option in her relationships, friendships, and family, Hel...