Naglalakad lang ako ngayon pauwi sa apartment na tinutuluyan ko. Malayo naman kasi yung amin e. Isang oras at kalahati yung ibabyahe mo. Hindi din kasi ako sanay bumyahe, nasusuka ako sa bus o kahit anong public transportation. Pero pag hindi aircon yung sasakyan medyo makaya ko pa na hindi sumuka.
I open the gate at pumasok na. Nakita ko agad yung lalaki na sikat sa campus. Isa siyang criminology student. Napangiwi ako. Anong ginagawa niya dito? Infairnes gwapo talaga siya, crush siya ng campus sa Sibugay Tech.
"Pre, ito na oh." Saad nung lalaki na ka boardmate ko.
May inabot siya sa gwapo na lalaki, at tinanggap niya naman iyon.
Hindi na ako nag tagal pa at dumiretso na ako sa kwarto ko. This is my apartment. Ako lang mag-isa sa room na 'to, wala akong kasama. Gusto ko kasi na ako lang mag-isa sa isang kwatro. Okay din naman ang apartment na ito. 3500 kada month, libre tubig at kuryente na. Tapos may sarili ng comfort room at maliit na kusina. Okay lang din yung space, at comfortable ako mag lakad lakad.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala sa ako sa pag babasa lang ng mga notes ko. It's already, 7:01pm and nakaramdam na talaga ako ng gutom. Agad agad akong bumangon at dumiretso na sa cr.
After bathing, nag saing na ako gamit ang rice cooker, at habang nag hihintay na maluto iyon ay nag iisip pa ako kung ano yung uulamin ko ngayon gabi.
May mga noodles naman ako dito, may eggs din at de lata. Just a normal thing na kinakain ng isang studyante. Hayy naku naman, paulit paulit nalang talaga to. Nag titipid pa naman ako dahil hindi pa ako mapapadalhan nila mama ng allowance ko ngayon month.
Dibale na nga, itlog at corned beef nalang ang lulutuin ko ngayon.
Pagkatapos kumain ay nag hugas muna ako ng pinagkainan ko at dumiretso na ako sa kama ko at nag open ng cellphone. Inopen ko muna ang messenger ko at marami na pala akong messages na hindi na seseen. May mga bagong messages at yung iba naman is noong nakaraang araw pa.
Napansin agad ng mata ko ang isang message na galing sa isang tao na hindi ko kilala ang name ginamit.
Inosuke Dump
Hi.
Greetings lang pala! Dahil bored ako, ang ginawa ko nalang ay ni replyan siya.
Ako
Hi! May kailan ka?
I'm gonna off my data na sana at nakita ko agad ang reply niya.
Inosuke Dump
You're Shiloh from educ department right?
Ay english si Inosuke! Sino kaya to? Baka mga kaibigan ko lang din to at pinagtripan ako!
Inosuke Dump
I'm from criminology department.
What? Criminology? I hate them! I mean I don't technically hate them, I just don't like them.
Ako
Criminology? Sino ka ba?
Inosuke Dump
Just someone who like you the most. And please don't get afraid or creep out, I mean no harm.
Bobo ba 'to? Sinong hindi mamatakot, eh, nag confess na gusto ako, tapos gamit dump account. Bobo talaga!
Ako
Sinong hindi matatakot? eh gamit mo dump account tas hindi kita kilala at ako kilala mo naman.
Inosuke Dump
I'm sorry, I just don't have a courage to face you, or gamitin real account ko to confess.
Ako
Wala ako sa mood sa mga trip mo ha, hindi kita kilala at lalong hindi ko alam kung totoo bayang confession mo sa akin.
After I send those nag off na agad ako ng data ko. I don't have time for that. Baka nga mga kaibagan or classmates ko lang na pinagtitripan na naman ako.
Napatihaya ako ant nag muni-muni muna kung ano bang dapat gawin ngayon gabi.
Wala naman akong mga homework, at projects na gagawin.
Bibili nalang ako ng ice cream, pang iwas stress sa naranasan ko ngayon ngayon lang.
I'm just wearing my usual pajamas, lumabas ako sa kwarto at ni lock iyon. Bumaba ako sa hagdan dahil nasa second floor yung akin kaya kailangan may hagdan talaga.
Sa maliit na plaza kung tawagin ng mga nag rent dito, may mga lalaki at babae na nag iinuman. Some of them are my school mates.
"Uy, Shi. Saan ka?" Si Mark
Napatingin ako sa kanila at ngumiti.
"Sa labas, may bibilhin ako." Saad ko naman sa kanya.
Yung mga kasama niyang lalaki ay napatingin din sa akin. Nakatitig lang sila at yung iba ay nginitian ako.
"Sige, ingat ka ha. Balik ka agad dahil gabi na." I just nodded
He's just concerned to me, ganyan yan si Mark, mabait din naman siya. Minsan nga siya pa nag hahatid sa akin sa school gamit ang motor niya.
Nilakad ko lang yung papuntang 7/11. Malapit lang din naman.
Pagkarating ko ay madami pa palang tao. May nakatambay sa labas ng store. Mga criminology student karamihan sa kanila. May class ata silang pang gabi.
Wait! Criminology? Baka nandito yung Inosuke dump na 'yon! Hindi ko naman sila close, at wala akong kakilala sa kanila kaua binaliwala ko nalang iyon.
Pumasok nalang ako sa store at namili ng ice cream na bibilhin.
"Uyy! Shi. Nandito ka pala." Saad ng kakilala ko, si Aaron.
"Oo, may bibilhin lang ako tas babalik na agad sa apartment." Sagot ko sa kanya at binalik agad ang tingin sa mga ice cream.
Ang daming flavors! Bibili talaga ako nung pinipig! Di joke lang, syempre yung nasa cup yung bibilhin ko.
"Ice cream?" Saad ni Aaron na nakalapit na pala sa akin ngayon.
"Yes, nag crave kasi ako nito." sabay ngiti ko sa kanya.
"Bibili din ako, gusto mo nito oh?" Turo niya sa ice cream na matcha flavor.
I don't like the matcha flavor, I rather eat the vanilla flavor, kaysa sa green na iyan.
"Ayaw ko niyan, hindi ko bet yung lasa niyan." Saad ko sabay ngiwi.
Mahina naman siyang tumawa at napalingo-lingo ang ulo.
"Okay, sige. Iba nalang, ako na magbabayad." Ngiti niyang saad sa akin.
Ayaw ko talaga na nilibre ako ng kahit sino, even mga kaibigan ko, hindi nila ako ma lilibre basta basta kasi isa sa pinakahate ko yun. I know, hindi naman masama ang nililibre, ayaw ko lang na magkaroon ako ng utang na loob sa isang tao. Hanggat may pera ako, hindi ko kailangan ng libre.
"Nope, I have money for that, thank you though." Saad ko at namili pa ng ibang flavor nang ice cream.
"Sige na nga, hindi ka naman talaga nag papalibre eh." Tawa niya.
Pagkatapos kung mamili ng ice cream ay kinuha ko naman yung isang supot ng slice bread. At pumunta na sa counter para mag bayad.
May nakapila pa, kasunod ako ng isang lalaking naka uniform.
Criminology student, base sa uniform niya. In fairness ang bango niya ha. Matangkad din. Sa tingin ko gwapo to.
Napatawa nalang ako sa mga iniisip ko.
Pagkatapos nung lalaki ay ako na sunod. Sinundan ko pa siya ng tingin at nakita kong nakipag high five pa siya sa mga kakilala niya sa labas.
Bumaling ang tingin niya sa store at agad naman akong nag iwas ng tingin. Baka sabihin palang niya na nakatingin ako sa kanya.
Vote and comments are highly appreciated by me. Thank you, for reading.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile (College Life Series 1)
RomanceShiloh, a girl who just want a simple things in life. Her parents always pressure her to get that laude title. To graduate with a laude is not her dream pero wala siyang magagawa pag yung parents niya ang gusto. During her college days she encounter...