CHAPTER 29

6 1 0
                                    

Dahil wala na akong klase ngayon at wala na ring ginagawa, naisipan kung e search si Jacob sa facebook. Nag tipa ako ng name niya sa search bar at doon nga ay lumbas ang name niya!

Jacob Lewis Cortez

379 friends

||Tranquil; Abundance; His gift||👮‍♂️||

Familiar yung bio niya. I think nabasa ko na ito or nakita na kung saan. Hindi ko siya ma stalk kasi nakalock ang facebook profile niya. Wala siyang profile picture, pati narin cover photo. Yung profile niya lang is yung shape na tao na katulad sa mga phone book.

Nadismaya ako kasi wala akong mahanap. Lahat ata private na. Well police officer na siya, baka mas pinapriority niya rin siguro safety niya.

Next week na pala ang alumni namin. Lahat ng batch kasali, kaya alam kung nandoon si Jacob.

Grace:

May damit ka na para sa alumni?

Nag tipa ako ng reply.

Ako:

Oo, ikaw?

Ako:

May tanong pala ako sayo. Don't judge me, may gusto lang akong malaman.

Nakatanggap agad ako ng reply niya.

Grace:

Alam ko na! Tungkol kay Jacob no? HAHAHAHA

Kilalang kilala na talaga ako ng babae na ito.

Ako:

Oo, sana. Gusto ko kasi siyang kausapin tungkol sa past namin. Hindi ako maka move on pag hindi ako makahingi ng tawad sa kanya.

Grace:

Ito ang nasagap ko tungkol sa kanya. Isa na siyang high rank police officer sa Ipil, tapos may mga business din siyang inaatupag. Alam mo ba na nag franchise siya ng isang jollibee dito sa Ipil? Yung malapit sa gaisano. Nabalitaan ko din na may plano daw siyang mag retire ng maaga para sa business nalang daw siya mag focus at gusto narin ata niyang magakapamilya na eh.

Ako:

Saan mo narinig ang mga yan?

Grace:

Syempre saan pa ba? Taga Ipil ako, Shi. Kaya alam ko.

Marami pa akong walang alam sa kanya. Pero hindi na importante iyon. Ang gusto ko lang ay makausap siya at makahingi ng tawad.

"I know you have already your ideas sa christmas party natin. Care to share it to me?"

Tumango sila. Tumayo naman ang president ng classroom, si Christian. Nanatili akong nakaupo sa sa upuan ng teacher table at si Christian ay diniscuss sa harap ang plano nila.

"Ang plan po namin ma'am ay red yung theme ng party tapos po, individual ang pagdala ng foods. Tapos po, 100 pesos yung worth ng gift. 15 students ang sure po na makakadala ng foods." Seryoso siyang nagsasalita sa harap. Tumango lang ako.

Sinulat niya sa blackboard ang mga plano nila.

"May hindi makaka-attend, ma'am. Sila Shaira, Jamilla, at Sittie po. Kaya out of 37 students, ang aattend ay 34 nalang, tapos hindi pa sure kung makaka-attend lahat kasi po yung iba walang budget ma'am." Tumango at tumayo.

"Okay, it's alright lang na some of you here couldn't come, especially to those muslims here. Pero yung iba naman pwede naman kayong pumunta parin, kahit wala kayong pambili ng foods para madala niyo, or wala kayong budget para sa gift, okay lang naman iyon. Mag aambag din naman ako, at sa mga wala talagang pambili ng gifts, you can private message me, okay? Wag kayong mahiya ha, umattend kayo, kasi yung mga handa ay para rin naman sa inyo lahat." I gave them a assuring smile.

Falling Into Your Smile (College Life Series 1)Where stories live. Discover now