Siguro sa iba maliit na bagay lang iyon. Maliit na rason para hiwalayan ang lalaking mahal na mahal ka. Ang tanga ko daw, ang babaw ko daw, parang yun lang, hiwalayan na agad.
I still remember it clearly. I still remember his face while he's crying, begging me to not break up with him. Pero isa lang ang nasa isip ko noon, ang hiwalayan siya dahil yun ang nararapat.
During those days, we are both busy. Ako, busy sa practice teaching ko. Halos wala na akong time sa kanya, halos hindi na ako nakapag update sa kanya, kahit simpleng message man lang sa kanya. Siya naman ay kahit sobrang busy niya ay may time parin siya sa akin. Nag rereview naman siya pero mas pinapriority niya ako palagi. Kahit kitang kita ko sa mga mata niya ang pagod, ang kulang sa tulog. Ayaw ko nun, nakaramdam ako ng guilt sa mga panahon na iyon. Kaya ang ginawa ko ay hiniwalayan siya, na hanggang ngayon pinagsisihan ko ang decision ng isang immature na ako noon.
Napapikit ako at hinilot ko ang sintido dahil sa sakit. Nakaharap ako ngayon sa laptop ko, gumagawa ng lesson plan para bukas. I removed my glasses and put it on the side of my laptop.
Ito ang mahirap sa isang guro, kahit nasa bahay ay may ginagawa. Nakarinig ako ng katok sa pinto, binalingan ko iyon.
"Kain na tayo nak." Rinig kong sabi ni mama sa labas.
"Opo, ma." Sagot ko.
Shinut down ko muna ang laptop ko at tumayo na mula sa study table ko. Lumabas na ako ng kwarto ay nag tungo na sa kusina kung saan kami kakain.
"Wag mo namang pagurin ang sarili mo, anak." Pag-alala ni mama.
"Hindi naman ma. Tinapos ko lang talaga yung lesson plan ko para sa klase ko bukas." Saad ko.
"Kumusta naman yung seminar niyo na ginanap sa Ipil?" Tanong ni papa.
"Okay lang po, pa. Marami akong natutunan. Masasarap din ang mga pagkain." Tawa kong saad.
Tumawa naman si papa sa sinabi ko. May seminar akong inatenand nung nakaraan, at doon sa Ipil ginanap. Sa Jackie's hotel ginanap, na isa sa sikat na hotel sa Ipil.
Sa loob ng tatlong taon kung hindi nakabalik sa Ipil simula nung grumaduate ako, parang bumalik sakin ang lahat ng nangyari pagbaba ko palang ng van na sinakyan namin.
Marami narin ang nag bago. May iba't ibang bagong establishment na. Sa pagkakaalam ko is my plano ang government dito sa Ipil na gawing city na ito. Maraming tao ang gusto at may iba ding ayaw.
"Sa darating na sabado, samahan mo ako sa Ipil nak ha. Doon ako bibili ng mga kailanganin natin para sa pasko at new year." Saad ni mama.
"Sige, po." Tumango ako.
Nung nalaman ng parents ko na wala na kami ni Jacob ay nalungkot sila. Gusto daw nila si Jacob para sa akin. Hindi dahil mayaman, kundi mabait, magalang at pasensyoso na lalaki raw siya. Nasaktan si mama dahil wala na kami, pero nirespeto niya ang decision ko sa aming dalawa ni Jacob.
Halos gabi-gabi akong umiiyak noon, nagsisi sa decision na ginawa. Isang linggo pa ang lumipas bago ko sinabi kay Grace na wala na kami ni Jacob. Nasaktan din siya, akala niya ay wala nang makapaghiwalay samin. Pero meron pala... At ako yon.
Nasa hallway palang ako ay rinig na rinig ko na ang mga boses ng mga studyante ko. Napailing ako dahil sa tinis ng mga boses nila. Natahimik naman sila agad nang pumasok na ako. May bumalik sa upuan nila, may nag arrange ng upuan at may namumulot ng basura sa sahig.
Napailing ako "Nasa hallway palang ako rinig na rinig ko ang mag boses niyo." Nilagay ko ang laptop ko sa table.
Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkaguilty.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile (College Life Series 1)
RomanceShiloh, a girl who just want a simple things in life. Her parents always pressure her to get that laude title. To graduate with a laude is not her dream pero wala siyang magagawa pag yung parents niya ang gusto. During her college days she encounter...