CHAPTER 17

5 1 0
                                    

Maybe if my mother is not my mother now, nagagawa ko na siguro yung mga gusto ko sa buhay. Yung pagkatapos ng klase ay sumama sa mga barkada pupunta kung saan, yung walang pressure sa academics ko, yung okay lang walang honors, walang certificate, walang medal basta nakapasa, basta may natutunan. Si mama lang naman ay hilig ma mampressure sa akin. Hindi niya kasi nakuha ang pagiging cum laude niya noon, dahil nabuntis siya sa akin at hindi na nagpatuloy sa pag-aaral. Si papa naman sunod sunuran kay mama, kaya kung anong sasabihin ni mama ay batas na iyon sa amin.

It's Monday, and sobrang hectic ng schedule namin for class, every Monday talaga yon. It's our last sem for being a 3rd year college educ student.

Sobrang ingay ng mga classmates ko. Diniscuss kasi nila kung saan sila mag rerender ng 200 hours immersion sa labas. Groupo groupo kami, may mga nag suggest na sa El ronies cafe nalang, may roon din na sa mga hotel, o di kaya sa mga restaurant dito sa Ipil.

Nag taas ng kamay si Grace "Sa El ronies cafe nalang tayo. 200 hours lang naman to, bali 10 days straight duty lang yun." Binalingan naman ako ng tingin niya at ngumiti ng nakakaloko.

Alam ko na kung anong nasa isip niya ngayon. El ronies ang sinaggest niya dahil pagmamayari yun nila Jacob. Napa tsk nalang ako.

Sumang ayon naman ang mga kasama namin sa group. Were six in the group at lima sa kanila ang sang ayon at ako lang ang hindi.

"Bakit naman, Shi?" Takang tanong ni Joyce.

Sasagot na sana ako, narinig ko agad ang sinabi ni Grace.

"Ayaw niya dahil pagmamay-ari kasi nila bebe Jacob niya iyon." Pabebe niyang saad. Napairap naman ako.

"Oo nga no? Swerte natin. Kaya doon na tayo!" Masayang sabi ni Efren. Naipirap ako. Wala akong choice, magkagroup kami.

El ronies cafe! Haist! Doon pa naman namamalagi si Jacob pag wala siyang klase. Tumutulong kasi siya doon. El ronies cafe kasi is a cafe and also catering services.

Tumayo na kami nang natapos na ang plumbing na subject namin. It's breaktime. Pupunta kami ni Grace sa canteen.

"Tara na, I'm so hungry na." Reklamo ko at hinawakan pa ang tiyan na humihilab.

Tumango si Grace at kinuha ang wallet sa bag niya "anong bibilhin mo?" Tanong niya.

"I don't know, just anything na nakakabusog sa canteen." Walang gana kong saad kay Grace dahil sa gutom. Hindi ako nag breakfast kanina eh.

Mabuti nalang din hindi ako sinundo ni Jacob, kaya nagawa kong hindi mag breakfast.

Nakarating kami sa canteen. And as usual bumungad samin ang mga ingay at malakas na tawa ng mga crim students. Yes, may ibang studyante naman. Pero boses talaga ng mga lalaking crim students ang nangingibabaw.

Bumili ako ng isang pastil, fried siomai, at empanada. Bumili rin ako ng tubig. While si Grace ay bumili ng megoring, empanada, cheese sticks, lumpia at tsaka mismo na coke. Ang hilig talaga mag soft drinks ng babae na to!

May bakanteng lamesa kaya nagpag desisyonan namin na dito nalang kainin ang binili. I survey my eyes, nababakasakaling darating si Jacob. He said kasi kagabi na baka hindi ko na siya makita inside sa campus. May internship na kasi siya. Minsanan nalang nilang papasok sa school. Na missed ko na naman siya. Super busy na niya kasi dahil graduating student siya. Naiiyak nalang ako sa mga iniisip ko kaya tinigilan ko na at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Bumalik kami sa classroom na at ginawa ang kailangan gawin namin for our incoming immersion.

"Basta, hindi natin ipapahiya ang sa pangalan ng school natin." Ani Efren. Siya kasi ang leader sa group.

Pagkatapos ng klase namin ay agad naman akong nakatangggap ng text message mula kay Jacob.

Jacob:

Baby, susunduin kita ha. I'm done na sa duty ko.

Ako:

Okay lang naman hindi, I know that you're tired.

Jacob:

No, I'm not. Basta susunduin kita.  I love you, and I missed you so baby.

Kaya ito ako ngayon naghintay sa kanya sa labas ng gate. Nauna na si Grace dahil masakit ang puson niya. Dysmenorrhea ata siya. Mahirap din yan kasi wala ka pa sa mood, palagi kapang gutom. Kaya nung nag-paalam na mauna na siya ay tumango agad ako.

Napaangat ako ng tingin nang may nag park na sasakyan sa harap ko. Agad naman akong ngumiti. Lumabas siya sa sasakyan at agad lumapit at hinagkan ako ng mahigpit. Humalakhak ako sa ginawa niya. Na miss ko rin siya.

"Let's go? Ay wait, kain muna tayo." Saad niya at hinalikan ang ulo ko.

Pumasok na kami sa sasakyan niya. Umupo ako ng maayos at nilagay na ang seatbelt sa sarili at ni lock iyon.

"How's your day, baby?" Tanong niya, binalingan niya ako saglit at tinuon na ulit ang tingin sa kalsada.

"Medyo na stress. Nag plan na kasi kami kung saan namin e rerender yung 200 hours namin na immersion. Tapos yun nga sa..." Tumikhim ako "El ronies daw." Hindi ko siya tiningnan nang sinabi iyon.

"Well, pupuntahan kita agad doon pag tapos na ako sa duty, pero mabigat ang trabaho doon, kasi more on hakot ng mga gamit eh kung saan yung venue ng catering, baby." Nag-alala niyang saad.

"Kaya nga, pero wala na kasing tatanggap pa samin dahil mostly sa mga establishment dito ay may mga ojt's narin." Ani ko.

"Pero sige lang, I'm gonna tell mama na hindi ka pagbuhatin, at dapat sa counter ka lang." Penal niyang sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. No way! Nakakahiya at ang unfair nun.

"Tumigil ka nga! Ang unfair kaya nun. While ako pahayay ang trabaho while mga kasama ko naghahakot." Alarma kong sabi. At himpas siya sa braso. Nag park muna siya sa pinoy barbecue na kainan. Bago kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kanya. Agad niya akong siniil ng halik. Tinted ang sasakyan niya kaya wala akong problema sa halikan namin.

Nakababa na kami sa sasakyan, hawak kamay kamig pumasok sa sa piniling kainan at pumili ng barbecue. Pumili ako ng dalawang chicken inasal, apat na chicken skin, at dalawang isaw.

Nang binigay na sa amin ang order, si Jacob naman ang nag arrange. Kinuha niya muna ang stick sa mga barbecue at nilagay sa isa pang plato. Yung chicken inasal ay hiniwa niya gamit ang spoon and fork bago binigay sakin. Pati yung chicken skin at isaw ay hinawa niya muna nang natapos na siya sa ginawa ay kinuha niya ang pitsel na mayng lamang tubig, una niyang nilagyan ng tubig ang baso ko tsaka sa kanya. Hindi ko mapigilan na tingnan lang siya. Napaka-caring niya talaga kahit sa maliit na paraan. Palagi siyang ganito, especially pagkakain kami sa labas.

Naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kanya, agad naman siyang nag angat ng tingin and he gave me a question look.

"Baby, why? Gutom ka na?" Taranta niyang sabi at agad binilisan ang ginawa.

Napangiti ako, at umiling nalang.

"Tama na 'yan. Kumain na tayo. Para namang wala akong ngipin sa ginawa mo," pabiro kong sabi.

"Pero thank you, I appreciate it, Jacob." Sincere kong saad.

Tumango siya at agad naman kaming kumain. Habang kumakain kami ay may lumapit sa amin isang bata. Nag tinda siya ng mani, at macaroni chicharon.

"Ate, kahit isa lang po." Ani ng bata.

Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ay pinigilan ako ni Jacob.

"Ako na. Kumain ka na diyan." Saad niya.

Bumili siya sa bata ng tatlong macaroni chicharon. Masayang masaya naman ang bata dahil tatlong ang binili ni Jacob.

"Thank you, kuya, ate." Masayang tugon ng bata. Tumango lang ako at ngumiti. Pati narin si Jacob.

Falling Into Your Smile (College Life Series 1)Where stories live. Discover now