CHAPTER 9

4 1 0
                                    

Narinig ko na naman ang aking tiyan na tumutunog. Hindi ako makatulog, kinuha ko ang aking phone sa gilid ng ulunan at tiningnan ang oras. It's 11:56 pm. At hindi parin ako makatulog. Bumangon ako sa higaan, at hinaloghog ang lalagyan ko ng mga groceries ko, napabuntunghininga nalang ako dahil ang nandoon nalang ay personal hygiene ko. Hindi pala ako nakapag grocery kanina.

Ang ginawa ko ay kinuha ko ang jacket ko na nakasabit sa likod ng door at sinuot iyon. Pupunta nalang ako sa 7/11 ngayon para makabili ako ng gusto kong kainin.

Nakarating ako sa 7/11 at hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi. Ang dami kasing tao, yung iba nasa labas nag-iinuman at tawang tawa sa sinabi ng isa nilang kasama. Napangiwi ako, wala akong choice, gutom na ako.

Hindi pala ako nakakain ng hapunan kanina dahil pagkatapos maglinis ng katawan ay nakatulog na ako. Nagising lang dahil sa tiyan na nagreraklamo.

Nag enhale exhale muna ako bago pinagpatuloy ang paglalakad. Ang daming nakatingin sa akin habang papasok ako sa store. May mga nakikita pa akong familiar na mga mukha, siguro mga schoolmates ko ito.

Nag tingin tingin muna ako sa mga pagkain na nakikita ko. Mostly mga process foods ang nandoon. As usual kumuha ako ng nissin cup noodles na may creamy seafood flavor na favorite ko. Kumuha din ako ng piatos, at mogu mogu melon flavor at isang gardenia slice bread. Binarayan ko agad iyon at umalis na sa store. Naglalakad lang ako dahil malapit lang din naman.

"Alam mo ba nakita ko kanina si Jacob habang nakasakay ako ng tricycle." Pambungad sa akin ni Grace.

Nilagay niya yung bag niya sa upuan.

"Tapos? Bakit mo naman yan sinasabi sakin?" Napataas ako ng kilay.

"Nakangiti sa isang babae na maganda, taga nursing department eh." Walang ganang sabi niya.

"Wala akong pake, Grace. Mabuti nga yun kasi mas makapag focus ako sa ginagawa ko."

"Akala ko lang naman ay nililigawan ka nun, tsk. Wala pala siyang bayag. Pagkatapos nung issue hindi na talaga siya nagparamdam sayo no?" Curious niyang saad. Nakatingin na siya sa akin ngayon.

"Ako ang nagsabi sa kanya na wag na siyang magpatuloy sa panliligaw." Causal kong sagot sa tanong niya.

"Eh, ikaw pala! Alam mo mabait naman yang si Jacob. Akalain mo, simula pala nung first year ka pa ay gusto ka na niya. Ngayong taon lang nagparamdan sayo." Saad niya.

"Medyo ilang pa ako sa mga lalaki na hindi ko talaga kilala pa, hanap nalang siya ng iba, dami ko pang issue sa buhay." Bumuntonghininga ko at hinawi nalang ang bangs na sagabal sa mata.

Gugupitan ko to mamaya.

"What if Shi, na liligawan ka niya ulit, papayag ka?" Tiningnan ko siya at nagkibit balikat nalang.

Ewan ko, nakaramdam na nga ako ng kunting selos sa sinabi ni Grace kanina na may kausap siyang nursing student. Alam ko pa naman na mga nursing ay magaganda, matatino. Minsan nga lang sa kanila ay mga mean.

Minsan ay mean naman ako, sa mga crim students na lalaki nga lang.

What if no na liligawan niya ulit ako, papayag na kaya ako?

Maagang natapos ang klase namin ngayon araw. Dahil hindi ako nakapag grocery kahapon ay ngayon ko nalang ito gagawin.

Umuwi narin si Grace dahil may emergency sa kanila, yung lolo niya inadmitt sa Ipil Doctors hospital. Matanda narin kasi at medyo mahina na ang katawan.

Sumakay ako ng bajari at nagpahatid sa Metro Ipil Centrum Store. Bumaba ako at nag bayad.

"Shiloh,?" Napalingon ako sa tumawag sakin.

Falling Into Your Smile (College Life Series 1)Where stories live. Discover now