Maaga akong gumising. Ngayong araw ang punta namin sa Ipil at mamili ng mga kakailanganin para sa christmas at new year. Bumangon na ako mula sa higaan, nakaupo sa kama ay kinuha ko muna ang cellphone ko at chineck iyon. Wala namang important messages, kaya binalik ko sa bedside table at tumayo na para makaligo.
Nakabihis na ako. Isang mint green stripe dress na hanggang tuhod ang suot ko. Pinaresan ko iyon ng white shoes para mas comfortable ako. Sinuot ko narin yung go to bag ko na kulay mint green din.
Lumabas na kami ng bahay ni mama. Gusto nga sumama ni Alisa pero hindi na pinasama ni mama baka kung ano ano naman daw ang request niya doon sa mall. Knowing my sister kahit anong makita nun, gusto ipabili. Umiling nalang ako.
Nakasimangot na ang kapatid ko "Sige na, mama." Naiiyak niyang saad.
"Sabing wag ka ng sumama." Iritadong sabi ni mama.
Nag papadyak pa ang kapatid ko at padabog na pumasok pabalik ng bahay. Natawa at napailing ako.
Pumara na ako ng bajari at sumakay na kami ni mama papuntang bus terminal. Mabuti nalang ay may bus na nakahintay at agad naman kaming sumakay.
Excited na tuloy ako mamili! I love christmas and new year. Oo, mapapagod ka sa mga Gawain pero worth it naman especially pag you celebrated it together with your family.
Pagkarating namin sa Ipil kumain muna kami ni mama sa jollibee para hindi kami magutom mamaya habang namimili. Marami akong nakitang mga tao na familiar and some of them was my classmates during my college journey.
Excited akong nilapitan ni Icel sa lamesa namin. Isa siya sa classmates ko noon. She's a singer also.
"Oh my gosh! I missed you!" Tumayo ako para yakapin siya.
Ngumiti ako "kumusta na?" Tanong ko.
"I'm okay. Just kind of busy, kasi marami akong gig na dinadaluhan." Saad niya. Sabay hawi sa buhok niyang kulot.
"Wow! Pa autograph ako." Biro ko sa kanya.
"Sige ba." Sabay tawa niya.
Pagkatapos naming kumain ni mama sa jollibee ay agad naman kaming pumunta sa gaisano. The guards check our bags, bago kami pinapasok. Ang daming tao! As usuall, it's December na.
Naalala ko bigla yung christmas party ng mga students ko. May plans na sila kaya medyo hindi na ako na momoblema. Siguro mag papameeting lang ako sa kanila this coming Tuesday. Kasi every Tuesday ay may isang oras for home room guidance.
Pumunta agad kami sa grocery section. Agad akong namangha dahil sa dami ng mga stocks dito. Lahat ay nandito na. Una naming kinuha ni mama ang spaghetti na nasa plactic tupper, kumuha din kami ng mga ingredients nito. Libot kami ng libot ni mama sa pamimili ng mga kakailanganin sa christmas. Nag paalam ako kay mama na pupunta ako sa hygiene section para bumili ng kakailanganin ko for myself.
May basket din akong dala at doon ko nilalagay ang pinamimili kong sanitary pad, panty liner, deodorant, toothpaste, toothbrush, shampoo, conditioner at mouth wash.
Kukuha na sana ako ng tissue nang may isang kamay din ang nakapatong sa kamay ko para kunin din ata ang tissue. Napabaling ako bigla sa kung sino man iyon. Hindi ko napigilan na umawang ang bibig ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Mas lalo siyang tumangkad. Naka tshirt na puti, naka dark blue na pants, at naka sapatos. And in a buzz cut hair. Mas lalo siyang gumwapo!
Napabalik ako sa ulirat nang tumikhim siya.
"S-sorry." Nauutal kong sabi at napa atras na.
"No problem. Kukuha lang ako ng tissue." Malamig niyang saad at kumuha na ng isang pack ng tissue.
Walang lumbas na salita sa bibig ko at pinagmasdan lang siyang kumuha ng tissue. Binalingan niya ako tsaka tumango at agad na umalis sa harapan ko. Hindi ko mapigilan na sundan siya ng tingin. Malungkot akong ngumiti sa sarili.
Siya yung lalaki na minahal ko ng sobra sobra. Siya yung lalaki na walang ibang ginawa kundi mahalin ako, inintindi ako, ginawa ang lahat para sa akin, pero sa huli ako yung bumitaw. Ako yung nanakit sa kanya. Kaya I will not expect na maging mabuti ang turing niya sa akin.
Bumalik ako kay mama na medyo lutang na. Kaya nangunot ang nuo niya sa'kin.
"Anong nangyari sayo?"
Umiling ako "Wala ma, may naalala lang."
"Naalalang ano?" Kuryoso niyang tanong.
"Wala, basta sa akin na lang yun ma." Tawa ko para maibsan ang pagka kuryoso niya.
Madami kaming binili ni mama. Nakita ko sa cart na may graham crakers at crushed grahams. Hindi talaga mawawala sa handaan namin ang mango graham. Paborito niya yan eh.
Umabot ng eight thousand plus yung pinamili namin, at kasali na yung binili ko. Habang nag hihintay na matapos si kuya na nag arrange ng mga pinamili namin para ipasok sa karton, napaangat ang tingin ko sa lalaking nakatingin sa pinupunch ng cashier. Si Jacob. Binalingan ko si mama sa tabi, at mabuti nalang din ay busy siya sa cellphone niya. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Jacob na ngayon ay paalis na. Sa tabi lang namin siya dumaan. Straight ang tingin sa dinadaanan, nagmamadali siya na kung animoy walang ibang inisip kundi ang makauwi na at may naghihintay sa kanya.
Dumaan ang sakit sa dibdib ko. Napahawak ako doon. Wala na talagang pag-asa? Gusto ko siyang makausap at humingi man lang ng tawad. Sobrang na guilty ako sa ginawa ko noon sa kanya. If he has a family right now or a girlfriend, okay lang. Ang gusto ko lang ay makausap siya, at makahingi ng tawad para maka move on na rin ako.
Oo, ako ang may kasalan, kaya gustong gusto ko siyang makausap man lang.
Nakalabas na kami ni mama sa mall, tinulungan naman kami ng bagger ma makahanap ng bajari para sakyan papuntang bus terminal. Nilibot ko ang paningin sa paligid, nagbabasakali na nandoon pa si Jacob. Pero wala na. Parang hangin nalang talaga ako ah. Okay lang yan, Shi. Kasalanan mo din naman. Usap ko nalang sa sarili ko.
Sabi ko kay mama na mag drive-thru muna kami sa jollibee para pagdating namin sa bahay ay may pasalubong man lang kami sa maldita. Panay panaman text sa akin yun, na wag daw kalimutan yung gusto niyang ipabili.
Nasa bus terminal na kami, naghihintay kami ni mama sa bus na patungong Pagadian. Habang naghihintay sa upuan ay inopen ko nalang ang cellphone ko at nag scroll sa tiktok. May biglang nag pop up na notification na galing sa facebook. Isang friend request iyon sa isang account with the name of 'Tranquility Cortez'. Napakunot ang nuo ko sa name. Maganda name niya ha. May bio din siya na 'Tranquil; Abundance'
Pinindot ko nalang iyon at napunta ako facebook at agad ko naman iyong inistalk. Ganito ako sa mga nang aaddfriend sa akin. I'm gonna stalk their account first bago ko e accept. Nang napunta na ako sa account niya, bumungad sa akin ang isang profile picture na nasa beach kasi may buhangin eh. Shadow siya ng dalawang tao na nag holding hands. Wala siyang friends or naka only me lang ata friends niya.
As I scroll down to her timeline, puro shared post lang about motivational quotes and some verses from the bible. Ni refresh ko iyon at may lumabas na bagong post niya. Hindi na shared post.
Tranquility Cortez
She's so pretty, palagi naman yun. Walang paring nagbago. Asong ulol na ulol parin ako pagdating sa kanya.
Likes Comments Share
Pagkatapos kong mang stalk sa account ay dinecline ko ang friend request niya.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile (College Life Series 1)
RomanceShiloh, a girl who just want a simple things in life. Her parents always pressure her to get that laude title. To graduate with a laude is not her dream pero wala siyang magagawa pag yung parents niya ang gusto. During her college days she encounter...