CHAPTER 5

7 2 0
                                    

"Congrats, sa wakas tapos na kalbaryo mo sa reporting." Si Grace

"Tapos na nga pero may susunod pa nito." Ngiwi ko at inilagay sa bag ko ang mga ginamit kong visual aids kanina sa reporting ko.

"Hay naku naman! Bakit nga ba tayo nag educ no?" Tanong niya sa kawalan at sinagot ko nalang iyon.

Tumawa ako "Syempre para mag turo, mag facilitate, at mag handle ng mga bata in the future." Saad ko

"Hmp! Ngayon palang na busy tayo sa mga ginagawa natin, especially sa mga minor subject natin, paano na kaya pag may field study na tayo at practice teaching."

"Malayo pa iyon, but I know we will going to overcome it."

"Sana nga, tapos gusto mo diba na gagraduate na may laude." Bumaling siya sa akin at tinulungan ako sa mga niligpit ko.

"Oo, yan sabi nila Papa at Mama sa akin eh. Hindi ko sila dapat biguin." Malungkot kong sinabi sa kanya.

I'm so pressured. Everyday I felt pressure. Sa mga mga sinasabi ni Mama sa akin, sa mga salita ni Papa alam kong pag mabigo ko sila, wala na akong patutunguhan pa.

"Alam mo, naiinis ako minsan sa parents mo. Hindi ba nila alam na pwede kang ma depress diyan." I felt her inis towards my parents.

"Wala akong magagawa eh, sila nagpapaaral sa akin at gusto ko itong kinuha kong kurso." Malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Hayy ewan. Halika na nga. Kakain nalang tayo sa canteen, nagugutom na ako." Anyaya niya

Tumango ako at ngumit sa kanya.

Lumabas na kami ng room at gumamit ng elevator. Nasa 5th floor kasi room namin at elevator is really a need.

Nang nasa ground floor na kami ay sinalibong agad siya ng kakilala niya.

"Grace! I missed you." Saad ng isang gay na kakilala niya.

"I missed you too, kumusta na?" Tanong niya sa ito.

"Okay lang, gumanda ka lalo ah." Ngisi ng bakla at hinaplos haplos pa ang buhok niya.

"Ikaw din kaya. Ang blooming mo."

"Ganito talaga pag nasa tamang tao ka na." Grace sudden shriek makes other students look at as.

Pinakilala naman ako ni Grace sa kanya at pagkatapos ng kumustahan nila ay pumunta na kami ng canteen.

Kunti lang yung mga studyante nandito ngayon. Hindi din naman kasi pareho ang schedule tuwing break time.

Bumili ako ng isang bottle water at dalawang cassava cake. Meron namang iba, pero lang ang binili ko. Madaming binili si Grace at binigyan niya pa ako sa binili niya.

"Si Jacob!" Mahinang sabi niya sa akin.

Napalingon naman ako sa likod ko, at yun nga nandito si Jacob kasama mga classmate niya.

"Upo muna tayo doon." Saad nung isang lalaki na kasama nila at tinuro yung banda namin.

May isang lamesa kasi na katabi namin na walang studyanteng nakaupo.

Binaling ko ang attensyon ko sa pagkain. Naramdaman ko naman si Grace na parang kinikilig.

"Kumain ka na nga lang diyan, para makabalik narin tayo sa room." Saad ko at sinaway narin siya.

Tawa nang tawa ang groupo nila, marami silang pinag-usapan tungkol sa mga subjects at instructor nila.

Hindi ko mapigilan na tumingin sa banda nila. Kaya nung napatingin na ako, naabutan kong nakatingin nadin pala si Jacob sa lamesa namin. Nag iwas agad ako ng tingin sa kanya.

Kumain nalang ako at uminom ng tubig. Sinaway ko pa si Grace dahil palaging nakatingin sa kabilang lamesa.

"Bilisan mo na diyan." Mahina kong tinampal ang kamay niya at napabaling naman siya sa akin agad.

"Tapos na ako." Saad ko sa kanya.

Tumango naman siya at dali daling kinain ang pagkaing binili niya.

"Ayan kasi, nakakita lang ng gwapo halos hindi na kumain." Umisid ako sa kanya.

"Syempre! Gwapo na yan." Tawa niya

Biglang tumahimik ang kanilang lamesa, akala ko naman ay wala na sila. Napabaling ako sa lamesa nila, pero laking gulat ko na tumayo na pala si Jacob at naglakad papunta sa amin.

Hindi ako mapakali! Parang tambol ang puso ko dahil sa kaba!

Nakalapit na siya sa amin at tumayo sa harapan. Yung mga studyanteng nandito sa canteen ngayon ay napalingon din sa kanya.

"You're Shiloh, right?" Tanong niya at napakamot pa sa kanyang batok.

Tiningnan ko muna ang reaction ni Grace bago siya sasagotin. Nakanganga na ngayon na para bang sobrang shock siyang lumapit talaga si Jacob sa lamesa namin.

Binalingan ko naman si Jacob at tumango. Narining ko agad ang panunuya ng mga kasama niya.

"Akala ko ba snappy." Sabi ng isang kasama niya at nagtawanan sila.

"Yes, why?" Tipid kong sagot.

May kinuha siya sa bulsa niya at nilagay iyon sa mesa. Isang name tag! Yung name tag ko!

"Nakita ko yan sa tricycle, nahulog mo ata." He said like it's a whisper.

Kaya pala hindi ko mahanap yung name tag ko, nahulog ko pala iyon sa tricycle na sinakayan namin nung nakaraang gabi. Hindi narin ako nag abala na hanapan pa ang name tag, dahil naisipan nadin na mag paggawa nalang ulit kahit medyo mahal iyon.

"A-Ah... Thank you." Yun lang ang nasabi ko at kinuha na ang name tag sa mesa at nilagay iyon sa bulsa ng uniform ko.

Tumango siya at ngumiti "You're welcome, always." At bumalik na siya sa lamesa nila. Naghiyawaan  naman ang mga kasama niya.

"Ano yon?! Tricycle?! Nagkasama kayo sa tricycle?! Kailan lang?" Sunod sunod na tanong ni Grace.

Hindi ko na napigilang tumayo at hinatak si Grace doon. Bago kami tuluyang lumabas sa canteen ay nilingon ko muna si Jacob.

Nakita ko siyang nakatingin sa akin at namangha ang kanyang itsura. Nag iwas agad ako ng tingin patuloy na naglakad paalis sa canteen.

Binalingan ko naman ng tingin si Grace ngayon, binitawan ko na ang kamay niyang hatak hatak ko. Malaki ang ngiti niya ngayon, at kinurot ang tagiliran ko.

"Ikaw ha, hindi ka nagsabi na may something pala sa inyo ni Papa Jacob." Ngiti ngiti niyang saad.

"Walang something sa amin, Grace." Patuloy na kami sa paglalakd ngayon at pumasok na sa elevator.

"Anong wala? Eh, ano yun? At doon niya pa talaga isipang isuli yung nawala mong name tag ha." Tawa niya.

"Ewan ko sa kanya, wala naman akong pake eh." Kumbinsi ko sa kaibigan.

"Sus! Mga galawan niya. Pustahan tayo oh, may gusto yun sayo." Panunukso pa ni Grace.

"Tumigil ka na Grace. Wag mong lagyan ng malisya iyon." Saway ko sa kanya.

Nakalabas na kami sa elevator at pumasok na sa room.

"Sige, hahayaan ko muna ito ngayon. Pero mag oobserve na ako sa inyong dalawa." Humahagikhik siya

Napairap nalang ako.

Nagpatuloy ang klase namin hanggang alas singko ng hapon. I'm so exhausted! Gusto ko ng umuwi sa apartment at mag pahinga.

Hindi ko mapigilan na isipin si Jacob. I don't know what's his real motive, hindi din naman ako assumera kaya kung ano man ang gagawin niya wala na akong pake doon.

Ang kailangan ko ay mag-aral ng mabuti, para maka graduate na may latin honors. Ayaw kong biguin sila mama at papa.





Falling Into Your Smile (College Life Series 1)Where stories live. Discover now