Mas lalong naintindihan ko siya. Ako yung nang iwan at wala akong karapatan na sabihin sa kanya na mahalin niya ako ulit. It's been one week na ang nangayri no'ng alumni, pero hanggang ngayon dala dala ko parin ang pagsisi sa ginawa ko. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.
Kung hindi ko ba siya hiniwalayan noon, hanggang ngayon kami parin ba? Mag-asawa na kaya kami ngayon if hindi kami naghiwalay? Sigurado pa naman siya na ako na yung babae na para sa kanya at wala ng ibang pa.
Bumuntonghininga ako sa mga iniisip. Kaya ka hindi maka move on, Shiloh eh!
No'ng gabing din iyon ay naka deact na din si Tranquility. Gusto ko pa naman sabihin sa kanya ang nangyari. Sa ilang linggo naming pag chachat sa isa't isa ay naging comfortable ako sa kanya. Hindi kasi bastos kausap, at palagi pang may banat na sobrang corny kaya medyo gumaan ang loob ko sa kanya. Alam niya din ang tungkol sa kay Jacob, kung anong nangyari sa amin ni Jacob. Nag bigay pa ng advice at syempre sinabihan pa ako na ang selfish ko daw. Well, totoo naman.
Christmas party ng mga bata ngayong araw kaya yung iba ay excited na base sa group chat. Mabuti nalang din at sasali yung mga studyante ko na walang gift na dala. May ibibigay din naman ako sa kanila para hindi sila mainggit sa kaklase.
Nakarating na ako sa room, suot ko ay isang red sleeveless dress at nagdala narin ako ng kulay gray na cardigan. Nakarating na ako sa school, may nakikita akong mga studyante na may suot na pang christmas na hat at bitbit ang kanilang mga regalo. Nang nakita nila ako ay bumati sila, I response too and give them a smile.
"Alright! Dahil tapos na tayo sa games, anong gusto niyo? Kakain muna ng lunch or exchange gift muna?" Masiglang saad ko sa kanila.
Nag uunahan sila ng sagot.
"Ma'am, kain muna. Mamamatay na kami sa gutom." Biro ng isa kong studyante. Nagtawanan silang lahat ngayon.
"Ma'am, exchange gift nalang muna, para pagkatapos kumain ay diretso linis at balot ma'am." Sabi naman ng isa.
"Hoy! Kain muna!" Sigaw ng isa.
Hinampas-hampas ko ang lamesa para magtigil sila.
"Sige, kain muna tayo. Tapos exchange gift, and then mag linis muna at mag balot na ng mga sobrang pagkain." Sabi ko ng mahinahon.
"Sige, ma'am!" Sabay sabay nilang lahat.
It's eleven naman na kaya sakto na para sa lunch. Ang mga class officer ang nag arrange at kinuha ang mga takip ng pagkain. Una nila akong binigyan ng pagkain, at sunod naman sila. Napangiti ako sa ginawa nila for me. Kahit minsan sakit sila sa ulo dahil sa sobrang ingay, napaka thoughtful naman sila, at nakikinig naman... Minsan.
Habang busy kami sa pag kain ay may dumungaw sa pinto. Napatingin naman kaming lahat doon. Isang rider na may dalang malaking bouquet ng white tullips. Nilapitan siya ng isa sa mga students ko.
"Nandito po si ma'am Shiloh Hernandez?" Rinig kong tanong niya. Tumango naman ang studyante ko at tinuro ako.
Iniwan ko muna ang pagkain at lumbas sa room.
"Bakit po?"
Ibinigay ni kuyang rider ang bulaklak sa akin. Na bigla ako kaya agad ko naman iyong hinawakan.
"May nagpapabigay lang po sa inyo ma'am." Sabi niya at may kinalikot sa cellphone.
"Picturan po kita ma'am ha, mag pose po kayo ma'am." Saad niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya hilaw na ngumiti sa camera ni kuya.
"Kanino po ito galing kuya? Tsaka tullips? Meron ba nito sa Siay?" Takang tanong ko pa.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile (College Life Series 1)
RomanceShiloh, a girl who just want a simple things in life. Her parents always pressure her to get that laude title. To graduate with a laude is not her dream pero wala siyang magagawa pag yung parents niya ang gusto. During her college days she encounter...