Masyadong mabilis ang oras. It's month of the March na. And Jacob, as a graduating student ay sobrang busy na niya. Nagkikita naman kami sa campus, at tuwing lunch lang kami nag-uusap. Kahit sa gabi ay hindi na umaabot ng oras ang tawagan namin dahil sa sobrang pagod niya galing sa eskwela. Naintindihan ko iyon ng sobra kaya hindi ako nanghihingi ng kunting oras man lang sa kanya dahil alam kong sobrang busy na siya.
Hindi ko rin mapigilan ang malungkot, na mimiss ko iyong tawag niya, pangungulit niya, yung pag dadate namin sa labas.
Busy rin naman ako dahil paparating na finals namin at need pa namin mag paperma ng clearance at para siguraduhin narin na wala kaming bagsak especially na graduating na kami next school year.
Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko "Shiloh naman, sige na." Si Anton na naman!
Kanina pa ako kinukulit nito na dapat sasama daw ako sa pinagplanohan ng classmates ko na maligo ng dagat. Doon sa Buluan island. Sikat dito sa Ipil ang Buluan island, dahil narin sa malinis ang tubig, white payung sand.
"Hindi ko pa nga alam. Mag paalam pa ako sa parents ko, tsaka kay Jacob." Saad ko at tinabig yung kamay niya na nasa braso ko.
"Eh? 20 ka na ah. Tsaka pwede namang hindi ka mag paalam kasi hindi naman tayo mag papagabi doon." Kumbinsi niya sa akin.
Umirap ako dahil medyo naubos na ang pasenya ko sa pangungulit niya.
Tumago ako "Pero hindi pa ako sure kung sasama ako, sasabihin ko agad pag papayag parents ko pati si Jacob." Walang gana kong sabi sa kanya.
"Alright, just message me para masali ka sa list na sasama. By the way, sasama nga rin pala si Grace." Yun lang ang sinabi niya at agad umalis sa harap ko.
Napangiwi ako sa pag-alis niya. Napatingin naman ako sa door way at agad nanlaki ang mata dahil nandoon si Jacob nakatayo at nakatitig sakin. Agad naman akong tumayo sa upuan at lumapit na sa kanya.
Nakakunot na ang nuo niya. Ngumiti ako naman ako. Alam kong may itatanong to, sa nuo palang na nakakunot.
"Anong pinag-usapan niyo?" Nang nakalapit na ako sa kanya. I'm right! Nag tanong talaga.
"Ah, tungkol sa plan nila na maliligo daw kami ng dagat next week. Kaming lahat na 3rd year educ. Sasabihin ko din naman sayo mamaya, pero narito ka na kaya..." Ani ko.
"Sasama ka? Okay lang sakin na sasama ka. Give yourself a reward sometimes." Malumanay niyang sabi.
Pinigilan ko na maiyak, I'm so sensitive talaga when it comes to this. Yung may magsabi sakin na reward myself sometimes, relax muna. Kasi hindi ko narinig sa parents ko ang mga ganitong salita.
Lumunok ako "Pag-iisipan ko pa eh. Alam mo naman, si mama." Malungkot kong saad.
Matamis siyang ngumiti sakin at hinaplos ang kamay kong hawak niya.
"Kahit naman siguro hindi papayag si tita, sasama ka parin ha. Pag aawayin ka ng mama mo, ako ang kakausap." Kumbinsi niya sakin. Binigyan niya ako ng magaan na ngiti.
"Bakit ka pala narito? Diba busy ka?" Tanong ko.
"Break namin, tsaka gusto kita makita. I missed you, so much." Problemado niyang saad at kumawala ng mabigat na hininga.
"May klase ako ngayon eh, baka papasok na yung instructor namin." Malungkot kong sabi.
"Yeah, sige. Sabay tayong uuwi mamaya ha." Tumango ako. He huged me and then kissed my head lightly.
Mabuti nalang walang studyante sa corridor.
Umalis siyang masayang masaya dahil sa sinabi ko. Gusto niya kasing matulog sa apartment ko mula nung busy na siya pero hindi ako pumapayag dahil alam kong ma didistract lang siya.
YOU ARE READING
Falling Into Your Smile (College Life Series 1)
RomanceShiloh, a girl who just want a simple things in life. Her parents always pressure her to get that laude title. To graduate with a laude is not her dream pero wala siyang magagawa pag yung parents niya ang gusto. During her college days she encounter...